Amante at Andal kinasuhan sa Sandiganbayan
Sa usapin ng Informatics
Ulat ni Iring D. Maranan
San Pablo City -- Nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Sandiganbayan sina
Ito ang nilalaman ng tatlong pahinang Information na nakalap ng DERETSO na isinumite ni James Abugan, Assistant Special Prosecutor III at inapruahan naman ni Special prosecutor Dennis Villa-Ignacio noon pang ika-26 ng Abril 2005. Naka-docket ang nasabing kaso na Criminal Case No: 28112.
Partikular na nilabag nina Amante at Andal ang Section 3(h) ng RA No. 3019: “Directly or indirectly having financial or pecuniary interest in any business, contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity, or in which he is prohibited by the Constitution or by any law from having any interest.”
Ayon pa sa nasabing Information, ginamit ni Amante ang kanyang tungkulin bilang Mayor ng Lungsod ng San Pablo noong July 30, 2000 at nakipagsabwatan ito kay Andal, isang pribadong indibidwal sa Lungsod ng San Pablo, sa pagpapaupa ng isang bahagi ng San Pablo Shopping Mall sa San Pablo Information Computer Institute, Inc. (Informatics). (Nasa Serye ito ng
Matatandaan na sa una ng ibinalita ng DERETSO ilang buwan na rin ang nakaraan, tuwirang sinabi ng Ombudsman na “dummy” ni Amante si Andal sa ilang trasaksyon sa Mall.
Ayon pa rin sa nasabing Information, PhP 30,000.00 ang “recommended bailbond” nina Amante at Andal para sa kanilang pansamantalang paglaya.
Kabilang sa mga testigo sa nasabing kaso sina Commission on Audit personnel Teresita R. Del Mundo at Mario A. Corcega at Atty. Galileo P. Brion.
Napag-alaman pa ng DERETSO mula sa source nito sa Sandiganbayan na nakatakdang basahan ng kaso sina Amante at Andal sa ika-3 ng Nobyembre 2005. Kasunod na rin aniya ang posibleng “three-month suspension” ni Amante.
Abutin pa kaya ng pasko ang kasong ito?
1 Comments:
Is this true o baka naman isang political gimik 'lang para mapagusapan si tengbits? Syanga pala, congrats sa mga taga-Deretso for comimg out with this alternative kind of news -- "ulat pananaw". Ayos to, hamong mabasa ng buong mundo mga katarantaduhan nina amante at garapal na mga konsehal. May balak ba kayong ilagay din ang countdown sa pagreresign nina amante together with der pictures? Hope kahit man lamang sa mga ganitong forum eh maka-solicit kayo ng mga opinyon ng taumbayan. Again, CONGRATS sa mga taga-DERETSO. Sana 'lang lagi ninyo itong i-update ha?
Post a Comment
<< Home