Labor leader, pinatay
Ulat pananaw ni Iring D. Maranan
DING “Ka Fort” FORTUNA hanggang sa huli nanindigan
Ito ang malalim na tanong ng mga taga-Laguna kaugnay sa nangyaring pagkabaril na siyang naging sanhi ng kamatayan ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, 52-taong gulang at residente ng Brgy. Ponciano ng lungsod na ito noong ika-22 ng Setyembre, humigit kumulang alas-sais kinse ng gabi. Nakasakay sa kanyang motorsiklo si Fortuna nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa mismong lugar ng kanyang barangay.
Mariing kinondena ng Bayan Muna – Southern Tagalog at Karapatan – Southern Tagalog, na pawang nakabase sa Lipa City, ang pagpatay na ito na ipinadala sa DERETSO.
Ayon sa pahayag, dumalo pa si Fortuna ng araw na iyon sa isang all leaders meeting ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Purok Industriyal (ALMAPILA) at matapos noon ay binisita niya ang picket line ng Nestle Philippines na na nasa Brgy. Niugan, Cabuyao, Laguna,
“Si Ding Fortuna ang Tagapangulo ng Unyon ng Manggagawa sa Nestle
Ayon pa kay Arman Albarillo, tagapagsalita ng BAYAN MUNA-ST, naniniwala silang may “kinalalaman ang pamamaslang kay Ka Fort sa kasalukuyang deadlocked ng CBA sa Nestle. Walang maaaring gumawa nito.”
Sinabi pa ni Albarillo na “Isa si Ka Fort sa pinakamasigasig na lider manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan at kasakasama naming nananawagan para sa agarang pagpapatalsik kay Gloria. Nakalulungkot na ang katulad niya na naghahangad ng pagbabago at pag-angat ng kabuhayan ng kapwa niya manggagawa ay siya pang pinapaslang”
Hinamon din ng Bayan-ST ang administrayong Arroyo na lutasin at parusahan ang may kagagawan sa pagpaslang at linisin ang kanyang pangalan sa pangyayari.
Ayon naman sa Karapatan-ST, “Walang ibang gagawa nito kundi ang mga taong naglagay sa mga pangunahing unyon at organisasyon sa Order of Battle ng PNP at AFP, malinaw ang kanilang ginawang paglalahad sa mga ginaganap na presentasyon sa Camp Vicente Lim at Military Inteligenceng Group ng ISAFP ang Knowing your Enemy. Ngayon muli na naman nilang ginawa ang walang pakundangan at patraydor na pagpatay sa hanay ng mga manggagawang nakikibaka tulad ni Pangulong Fort “Ding” Fortuna, para lang sa batayang karapatan sa sahod, trabaho at seguridad ng libo-libong manggagawa sa Timog Katagalugan.
“Ilan pa ba ang kailangan nilang patayin upang magbigay lamang sa kanila ng ganansya at mataas na karangalan at posisyon? O marami pa ba silang bibiktimahin?”
“Kung walang kasalanan ang administrasyong ito sa mga nagaganap na pagpatay sa mga lider at kaalyadong organisasyon ay hinahamon namin si Gloria na bigyan ng hustisya ang krimeng ito,” ayon pa kay Albarillo.
“May pagtaya din kami na bahagi ito ng planong pagpapatahimik ng militar upang busalan ang mga sektor na kritikal sa kasalukuyang administrasyon, hindi kasi ito ang una, marami nang nauna at sistematiko nilang ginagawa,” ayon pa rin kay Albarillo.
“Sobra na ito, dahil mula nang maupo sa Malakanyang si Gloria ay umabot na sa 119 ang naging biktima ng pagpatay sa aming hanay at ika 4 na sa buwang ito, sinundan nito ay ang pagpatay kay Pastor Raul Domingo ng Palawan na siyang Pamprobinsyang Tagapag-ugnay naman ng Bayan Muna Partylist doon, na katulad din ni Ka Fort ay binaril malapit sa kanilang tahanan,” pagtatapos ni Albarillo.
Kaugnay ng naturang pangyayari, pinangunahan ng Bayan-ST at Karapatan-ST ang isang indignation rally noong ika-4 ng hapon ng Setyembre 23 sa Crossing sa lungsod na ito at doon ay kinondena ang naganap na pagpatay kay Ka Fort at sa iba pang biktima. Naglunsad din ng candle lighting ang grupo matapos ang programa.
Matapos na patayin sa Kongreso ang usapin ng impeachment, all out war na nga ba si Gloria sa mga naghahangad na mapatalsik siya sa puwesto?
Ilan pang Ka Fort, Ka Pastor Raul ng Palawan, Ka Jun Bico ng San Pablo City, Ka Romy Malabanan ng Bay, Laguna, Ka Mila Belga ng Magdalena, Laguna, Nanay Cely ng Sta. Rosa City, Ka Manuel Isyu ng Lopez, Quezon, Ka Elpie Bersimina ng Mindoro, Ka Boket Tagumpay ng Anakpawis, Ka Eden Marcellana at Ka Edie Gumanoy ng Karapatan, at sa patuloy na humahabang listahan pa ng mga pinatay ang kailangang ialay sa altar ng pagbabago upang maganap ang hinahangad na kalayaan sa hindi pagkakapantay-pantay na pamumuhay?
Siguro nga’y marami pang dugo ang ibubuwis hangga’t nananatili sa palasyo ng kapangyarihang pulitikal ang mga kawangis ni Gloria.
God Bless the
0 Comments:
Post a Comment
<< Home