SPCWD employees, tutol na sa LWUA representative
Ulat pananaw ni Iring D. Maranan
San Pablo City—Naglabas ng isang pormal na pahayag ng pagtutol ang SPCWD Employees Association-Courage sa patuloy na pananatili ni Engr. Antonio Magtibay na kinatawan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) bilang 6th member sa board of directors ng San Pablo City Water District.
Sa dalawang pahinang pahayag na pirmado ng 120 kasapi ng SPCWDEA, na may petsang ika-8 ng Setyembre, sinabi nila doon ang limang kadahilanan kung bakit pinaaalis na nila si Magtibay.
Una, “nakikiisa” sila sa “pagpapatupad sa adhikain ng pamahalaan na makatipid sa mga gastos na hindi na kailangan o puwedeng iwasan na hindi naman makakaapekto sa pagpapatakbo ng isang ahensiya ng gobyerno;”
Ikalawa, “dahilan na rin sa kinakaharap na kakapusan sa pananalapi ng distrito, makakatipid ang SPCWD ng may PhP 250,000 kada taon sa director’s fee na ibinabayad sa LWUA. Hindi pa kasama dito ang gastos sa gasoline at driver na sumusundo at naghahatid (kay Magtibay) tuwing may board meeting;”
Ikatlo, “napalagay si Magtibay kasama pa ang dalawang opisyales ng LWUA nang masuspinde ng tatlong buwan ng Sandiganbayan noong 2003 ang tatlong director ng SPCWD.” Natapos na ang nasabing suspension at nakaalis na rin ang dalawang opisyales ng LWUA, “subalit nanatili pa rin si Magtibay” bilang ika-6th member nga ng board of director ng SPCWD.
Ikaapat, “isa sa panuntunan sa pagkakaroon ng kinatawan mula sa LWUA ay kung delikwente sa pagbabayad sa kanila ng utang ang water district.” Sa pananaliksik ng employees association, “nakakabayad naman ng utang ang SPCWD batay na rin sa napagkasunduan.” Katunayan anila, “matatapos na ang inutang para sa Phase 1 Improvement Project.”
Ikalima, wala aniyang “naitutulong ang LWUA 6th member (na si Magtibay) para maibsan ang paghihirap ng mga kawani sa SPCWD at bilang engineer ay walang gabay na naibibigay sa mga kawani ng technical team para maisaayos ang daloy ng tubig sa
Ipinadala sa LWUA central office ang nasabing pahayag noong ika-27 ng Setyembre at hanggang sa sinusulat ang artikulong ito ay wala pang kaukulang kasagutan ang nasabing ahensiya.
Pananaw ng DERETSO
Ano nga ba meron sa San Pablo City Water District at tila nga yata ang napapalagay na director doon ay ayaw ng umalis? Anong klaseng pulot-pukyutan meron doon upang lahat ng klase ng regulasyon at probisyon sa batas ay tahasang suwayin ng perceived honorable and decent men?
Walang nagawa sina Pablo’y nang magtaas ng taripa ng tubig nitong Agosto ang mga taga-SPCWD sapagkat ayon sa justification ng management ng distrito’y “pinakamura sa buong Southern Tagalog ang singil ng tubig sa San Pablo,” “gagastusin sa mga nakaplanong proyekto upang mapagbuti ang daloy ng tubig-inumin,” “matagal nang ‘di nagtataas ng singil ng tubig ang distrito,” etc., etc., etc.
Lahat ng mga mabubulaklak na dahilan ay tanggap na nina Pablo’y, subalit bakit ayaw aminin nina nunung brion, carding fabros, rudy estiva, aris mitra, lerma prudente, tonyo magtibay, rugir borja at tisi rivera na nilulustay nila ang pondo ng distrito sa paggastos sa mga nakahaing habla sa iba’t ibang korte?
Habang sina Pablo’y ay patuloy na kumakalam ang sikmura upang may maipambayad lamang sa kinunsumo nilang tubig ay heto ang mga nabanggit na mararangal na tao sa San Pablo’t halos linggu-linggo’y nagsasalo sa masarap na pagkain tuntunga’y once a week board meeting!
Napasaoli na ba ang ipinambayad na piyensa ni rugir nang ito’y dakpin ng NBI dahilan sa kanyang pagsunod sa kaanuhan nina nunung maraming taon na rin ang nakaraan? Naibalik na rin ba ni rugir ang ipinambayad na backwages kina Raquel Tolentino at Evelyn Eje na halos dalawang milyong piso batay na rin sa kautusan ng Commission on Audit at ng Korte?
Sa mata nina Pablo’y ay matagal ng iligal at squatter sa loob ng board room si nunung, at maging si rudy, mapabalik pa kaya ang lahat ng mga pondong nakuha ng mga ito sa distrito kapag napika na ang korte at ipatupad ang dapat ipatupad?
Hindi maiiwasan ng DERETSO na muli’t muli’y ungkatin ang mga nabanggit na usapin sapagkat hanggang sa sinusulat ang pananaw na ito’y hindi pa rin nareresolba ang mga kaanuhan sa nasabing ahensya ng pamahalaan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home