| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Saturday, October 29, 2005

Habla ng GMA7 kina Beligan, Aquino at Dimayuga, nasa Ombudsman na

Ulat ni Fermin M. Sikat

San Pablo City—Pormal ng inutusan ng Office of the Ombudsman ang City Prosecutor’s Office ng lunsod na ito na ipagharap na ng kaukulang kaso sa Korte sina SPO4 Edison T. Beligan, SPO2 Noel Taronas, PO3 Nonilon Bondad, D’John A. Aquino, Brgy. Chairman Emilio Dimayuga ng Brgy. San Gabriel at Luciano Judilla kaugnay sa kasong Theft na nangyari noong madaling araw ng a-diyes ng Mayo 2004 sa mismong barangay ni Dimayuga.

Matatandaan na noon ngang madaling araw na iyon, nagkaroon ng komprantasyon ang grupo nina Beligan at mga taga-GMA7 kasama si Dodie Banzuela, associate publisher ng DERETSO hinggil sa ginawang election coverage ng mga taga-media, na kung saan, “ninakaw” diumano ng grupo ni Beligan ang DVD tape matapos na sapilitang kunin nito (Beligan) ang mini-video camera na gamit ng taga-GMA7. Sinapok pa diumano ni D’John, panganay na anak ni dating mayor Boy Aquino, si Nowell Cuanang, reporter ng Imbestigador.

Kinatigan ng Ombudsman ang ginawang preliminary investigation ni assistant city prosecutor Florante Gonzalez.

September 29, 2004 nang ganap na maaprubahan ni Deputy Ombudsman for the Military & Other Law Enforcement Offices ang nasabing Resolution.

Kasabay nito, ipinagutos pa ng Ombudsman na isailalim kaagad si Beligan “to administrative adjudication for Misconduct by this Office.”

Sa Sinumpaang Salaysay ni Judilla, inamin nito na siya ang “sapilitang kumuha” ng nasabing video camera at hindi si Beligan.

“Patunayan nila iyon sa Korte. Binalaan ko na sila noong madaling araw ng May 10 na quits na ‘lang kami tutal pare-pareho naman kaming gumaganap ng aming tungkulin sa bayan. Sabagay, kami totoong mamamayan ang kinakalangan namin noon, ewan ko ‘lang sila,” ayon kay Banzuela.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home