| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Saturday, October 29, 2005

“Kasuwapangan” ng mga cellphone companies, pinaiimbestigahan ni Bueser

Ulat ni Dodie C. Banzuela

San Pablo City—”Hindi makatarungan ang pagpapataw ng expiration period sa mga prepaid cards at e-load na ibinebenta ng mga cellphone companies,” ito ang buod ng House Resolution No. 302 na isinumite ni Congressman Danton Q. Bueser (LP, 3rd District-Laguna) sa Kongreso kamakailan.

Pangunahing layunin ng nasabing House Resolution na “Investigate in aid of legislation the unjustly short expiration periods of electronic cellular phone loads and transferred load credits that effectively make the puportedly affordable services actually prohibitive to the ordinary prepaid cellular phone subscriber.”

Sa panayam ng DERETSO kay Bueser kamakailan, sinabi nito na “pinalalabas ng mga cellphone companies na nakakamenos sa mga prepaid cards at e-load subalit sa katotohanan ay mas mahal ito sapagkat pinupuwersa ang cellphone user na ubu-sin kaagad ang load sa nakatakdang panahon. In effect, minamanduhan ang mga subscriber na gamitin iyon oras-oras kahit na nga hindi kailangan sapagkat ma-wawalan na iyon ng saysay pagsapit ng takdang panahon.

“Papaano kung ang halagang 25 pesos na ikinarga ay kayang pata-galin ng kahit isang buwan sapagkat talagang sa mga mahahalagang komunikasyon lamang nagagamit iyon? Dahilan na rin sa halos isang araw ang expiration period noon, mapipilitan tuloy gamitin iyon kahit sa hindi mahahalagang komunikasyon. Marami rin ang nagparating sa akin ng mga reklamo na may pagkakataong nauubos na kaagad ang low denomination na ikinarga sa pamamagitan ng e-load kahit na nga nakakaisa pa lamang gamit noon.

“Ano ang bottomline? Luxury at hindi necessity ang konsepto ng pagkakaroon ng expiration period sapagkat nagreresulta iyon sa paggastos ng sobra-sobra ng may mahigit sa 25 milyong subscribers, na ang karamihan naman dito’y mga ordinaryong tao na pinipilit lamang maka-agdon sa pang-araw-araw nilang buhay.”

Napag-alaman naman ng DERETSO na kasalukuyang may nakahayin ng ganoong usapin sa National Telecommunications Commission.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home