Governors at mayors ng Calabarzon, inisnab ang RDC meeting?
Toyota City, Santa Rosa City – Panay “congressmen” na naman ang dumalo sa nakaraang 4th Quarter 2005 Full Council Meeting ng CALABARZON RDC tulad din ng nakaraang 3rd Quarter meeting nila noon namang July 28, 2005 na ginanap sa TESDA Women’s Center sa Taguig City. Mga “congressmen” dahil panay kinatawan ng mga governors, mayors at ilang line agencies ng pamahalaan ang dumalo. Ito ang naging biruan ng ilang mga taga-media na kumober sa nasabing okasyon noong ika-27 ng Oktubre.
Isang mayor lamang ang dumalo, na super late naman ang pagdating, at ‘di talaga maiiwasang hindi siya dadalo sapagkat siya ang host city sa nasabing meeting – si
Ika siyam ng umaga ang nakalagay na simula ng meeting at dapat matapos ng hanggang ala-una ng hapon. Ika-10:05 na ng umaga nang magsimula nga ang meeting. 10:36 naman ng umaga nang dumating si Catindig.
Pagpupulong iyon kung papaano pauunlarin ang Calabarzon growth area upang makasabay sa super bilis na pagunlad ng karatig bansa. Subalit kung sa pagsunod pa lamang sa oras ng pagpupulong ay mabagal ng makasabay ang mga governor, mayor at ilang hepe ng line agencies, asahang talagang magiging usad pagong pa rin ang pagunlad ng Calabarzon.
Sa panayam ng ilang taga-media kay RDC Chairman Richard Albert I. Osmond, dating Region 4 Director ng Department of Trade and Industry, sinabi niya na hindi niya alam kung bakit nga hindi governor ang chairman ng RDC sa Calabarzon. Ayon pa sa kanya, dalawa lamang silang chairman nga ng RDC na hindi gobernador, “si Chito Ayala ng Region 11 ang isa.”
Sa patakaran ng RDC, maaaring maging chairman ang governor, mayor o private sector. Naging RDC chairman sina dating Batangas Governor Mandanas at dating
Formality na lamang ang ganitong quarterly meeting sapagkat ayon pa kay Osmond, “napagusapan at napagdebatehan na ‘yan sa committee level.”
Iba naman ang naging obserbasyon ng mga kumober ngang taga-media: “Lagi na lamang iisnabin ng mga governor at mayor ang RDC meeting sapagkat hindi sila ang chairman.”
Walang malinaw na dahilan kung bakit ‘di nakadalo si
“Birthday ‘nya kasi at doon ibubulgar ang vision niya sa pag-unlad ng San Pablo sa tulong nina Senator Jinggoy Estrada,” pagbibiro ng DERETSO sa ibang taga-media.
“Ahh, ‘yan si Amante hanep mag-isip kung papaano pauunlarin ang kanyang birthday celebration,” ganting biro naman ng isang taga-media din.
Binantayan din ng mga taga-media ang pagdating ni Batangas Governor Armand Sanchez upang matanong siya kung tinatanggap niya ang hamon ni
Maging si Laguna Governor Teresita Lazaro ay matiyagang hinintay din ng mga taga-media upang matanong kung joke ‘lang ang ginawa niya diumanong pamamato ng plastic ng mineral water sa isang taga media kamakailan.
Nais ding maitanong ng mga taga-media kay Lazaro ang hinggil sa proposed bond floatation by the provincial government of Laguna na 450 milyong piso upang gastusan ang pagpapaunlad ng Laguna Provincial Hospital sa bayan ng Santa Cruz at ang J.P. Rizal Memorial Hospital na nasa Calamba City. Talaga nga bang sa paniniwala ni Lazaro ay “advantageous to the government” ang bond floatation kesa pagutang naman sa bangko?
Ayon kasi kay Laguna Provincial Treasurer Manuel Leycano, Jr., sa fees pa lamang ay gagastos na ang pamahalaan ng mahigit sa 61 milyong piso kung bond floatation, samantalang 2.5 milyong piso naman kung sa regular bank loan.
Time is gold, ika nga ng mga
Papaano masusukat ang tamang pamamaraan sa pagpapaunlad ng rehiyon at lugar kung ang mismong mga elected public officials ay hindi dumadalo sa mahahalagang pulong dahilan lamang sa hindi sila ang chairman ng regional development council?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home