| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, November 01, 2005

Resulta ng 4th Quarter 2005 Full Council Meeting ng CALABARZON RDC

Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela

SLEX ‘di na dadaan sa may paanan ng Bundok Banahaw


Toyota City, Santa Rosa City – “Santo Tomas, Batangas – Lucena Extension.” Ito ang naka-plano sa Toll Road 4 project na isasagawa ng pinagsanib na Philippine National Construction Corporation (PNCC) at MTD Manila Espressways, Inc (MTDME) o ang dating Hopewell Crown Infrastructure, Inc. upang mapagbuti at maibsan na ang daloy ng trapiko sa nasabing mga lugar.

Nakasaad iyon sa briefing materials na ibinigay sa DERETSO ng secretariat ng Regional Development Council (RDC) sa isinagawa nilang 4th Quarter 2005 Full Council Meeting ng CALABARZON RDC noong umaga ng Oktubre 27 sa headquarters ng Toyota Motor Philippines Corp., Brgy. Pulong Sta. Cruz sa lunsod na ito.

Nilinaw sa DERETSO ni Art Aguilar, NDCC general manager na hindi na nga itutuloy ang naunang napabalitang plano na dadaan ang extension ng South Luzon Expressway (SLEX) sa may paanan ng Bundok Banahaw at San Cristobal.

“Magiging parallel na ang bagong plano sa existing Maharlika Highway,” paglilinaw pa ni Aguilar.

Ganoon man, matatagalan pa aniya ito upang misagawa dahilan na rin sa problema sa right of way at sa mismong pondong gagastusin doon.

Ang nakakatiyak aniya, mauunang gawin ang Calamba-Sto. Tomas Extension (Toll Road 3) na magkokonekta sa SLEX at STAR o ang Southern Tagalog Arterial Road. Gagawin iyong four-lane expressway na may habang 7.8 kilometer.

Ang Toll Road 4 ay kabibilangan ng: TR 4a – Sto. Tomas to Alaminos, Laguna (14 kms.); TRb – Alaminos to Tiaong, Quezon (13.4 kms.); TRc – Tiaong to Candelaria (12 kms.) at TRd – Candelaria to Lucena City (15 kms).



0 Comments:

Post a Comment

<< Home