| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Monday, April 24, 2006

Arraignment nina Amante at Andal Reset sa May 26, ‘06

Pang-mayor talaga ng San Pablo. . . at Munti?

(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, Abril 22, 2006) San Pablo City – MULING NA-RESET sa May 26, 2006 ang pagbasa ng sakdal kina Mayor Vicente Amante at Abdon Andal sa First Division ng Sandiganbayan kaugnay sa kinakaharap nilang kasong graft and corruption na isinampa naman ng Office of the Ombudsman noon pang April 2005.

Muling nauntol ang arraignment kina Amante at Andal noong March 10 dahilan na rin sa pagsusumite nila ng Motion to Quash noong March 8. Ginawa ang nasabing Motion ng Magsino Santiano & Associates Law Offices na may tanggapan sa Ermita, Manila.

Nauna rito, ilang ulit na ring naantala ang pagbasa nga ng kaso sa dalawang akusado dahilan na rin sa pagsusumite nila ng mga motions at pleadings. Kabilang sa isinumiteng “panalangin” ni Amante ay ang ‘di pagsipot nito sa January 17, 2006 arraignment dahilan na rin diumano sa pagkakaroon nito ng “essential hypertension” bunsod sa naging “hectic schedule” nito sa nakaraang “January 14, 2006 selebrasyon ng city fiesta.” Si Atty. Danilo Cunanan ng Santa Mesa, Manila ang gumawa ng nasabing “panalangin” na may petsang January 26 at natanggap naman ng Sandiganbayan noong January 27.

Nakatakda sanang basahan na ng sakdal sina Amante at Andal sa darating na April 28 matapos na hindi panigan ng Sandiganbayan ang inihain nilang Motion to Quash noon ngang March 8 subalit ine-reset nga ito sa May 26 matapos namang maghain ang panig ng tagausig ng Motion for Attachment of Amended Information.

Sa panayam ng DERETSO sa isang staff ng office of the executive clerk of court ng First Division ng Sandiganbayan noong April 17, sinabi niya na “mooted” na ang usapin ng Motion to Quash dahilan nga sa nakatakdang pagsusumite ng prosecution ng “amended information.”

Ayon pa sa nasabing staff ng Sandiganbayan, “pasasagutin pa sina Amante ng within 15 days matapos na matanggap ng mga ito ang isusumite naman ng prosecutor na sinasabing amended information.”

Sa analisa ng isang abogado na nakapanayam ng DERETSO subalit nakiusap na huwag ng banggitin pa ang kanyang pangalan, nangangahulugan aniya ito na “palalakasin pa ng Ombudsman ang kaso laban kina Amante at Andal.”

“Ayokong pangunahan ang Sandigabayan, pero, ang tinitiyak ko sa inyo, wala ng kawala sina Amante at Andal kung hindi talagang harapin ang kaso. Wala na silang uurungan. Sinayang kasi nila ang January 17. Sana sa halip na medical certificate kuno ang isinumite nila, ‘eh dapat sana rumekta na kaagad sila ng motion sa Supreme Court. Alam ng abogado kung anung motion iyon. Siguro, kinulang sa pisi kaya ‘yun na lamang medical certificate ang ginawa.”

Talaga aniyang uubusin nina Amante ang sa palagay ng publiko na delaying tactic na proseso sa arraignment pa lamang sapagkat kakabit aniya noon ay ang automatic suspension.

‘Pag minamalas-malas pa aniya ay baka suspendido si Amante habang “on-going” ang kaso nito sa Sandiganbayan. Kung magkakagayon pa aniya at matutuloy ang eleksyon sa 2007, mahihirapan na itong mangampanya. Ano aniyang sasabihin nito sa mga botante, ‘iboto ninyo ako kasi may kaso pa akong kinakaharap sa Sandigabayan?’ Papaano kung mapatunayang talagang may kasalanan siya at palagay ng manalong muli siya sa 2007 eleksyon, puwede ba siyang magpatakbo ng ating lungsod habang ito’y nasa National Bilibid Prison sa Muntinlupa?

Kung tutuusin, talagang pang-mayor si Amante… mayor ng San Pablo, at maaari ding maging mayor ng Munti.



2 Comments:

At 2:22 AM, Anonymous Anonymous said...

Sana nga madale na si mayor amante. Tama 'yung kumakalat na text messages na binoto nga naman si amante sa unang 9 years 'nya upang tayo ay pagsilbihan, na posibleng nagawa 'yun. Ngayon nga naman e muli siyang mayor hindi upang pagsilbihan tayo, ngunit para nakawan! Tama 'yung nasa text. Kahit papano may nakakatulong na ang Deretso sa paghataw sa walanghiyang mga amante. Dumami pa sana ang matapang sa San Pablo tulad ng Deretso!!!!

 
At 7:10 AM, Anonymous Anonymous said...

wala na kayo talo na si DAMNTONELADA QRAKOT BWISET!!!
PURO KAYO PANINIRA KALA NYO BA MANINIWALA PA ANG TAUMBAYAN SA INYO??? ASA PA KAYO

 

Post a Comment

<< Home