Rizal, binabastos ng mga taga-San Pablo?
(DERETSOng ipinarating kay Dodie C. Banzuela, Abril 8, 2006)
Ito humigit kumulang ang ipinarating na hinaing ng isang concerned citizen na taga-Laguna hinggil sa patuloy na paglapastangan ng mga tagalunsod na ito sa rebulto ni Gat. Jose P. Rizal na nakatayo sa mismong city plaza.
Partikular na pinuna niya ang patuloy na pagdami ng mga kung anu-anong streamer na nakalagay nga sa paligid ng mismong fountain sa may city plaza na kung saan andoroon din nga ang rebulto ni Rizal.
“Sa tuwing pagbisita ko sa San Pablo’y unang hinahanap ko ang rebulto ni Rizal, na alam kong nakalagay sa inyong plaza, subalit lagi na lamang tumatambad sa akin ang mga kung anu-anong klase ng streamer,” ayon pa sa nasabing concerned citizen.
Pati mga taga-local media’y naging bulag na rin sa sitwasyon ng paligid ng city plaza sapagkat sobra silang abala sa pagtalakay ng pampulitikang usapin, parating na hinaing pa ng concerned citizen.
Ganoon din aniya ang lahat ng mga socio-civic club sa lungsod na ito’y tila nalambungan na rin ang mga mata sa itsura ng city plaza sapagkat may mga pagkakataon pang sila mismo’y naglalagay ng kanilang naglalakihang mga streamer doon.
Bakit nga naman ang Simbahang Katoliko, na kapitbahay lamang ng city plaza’y nakapagsabatas na bawal maglagay ng anumang mga pa-anunsiyo sa kanilang bakod, maliban na lamang sa maliliit na paalalang “Bawal Maglagay ng Anumang Steamer” doon.
Kay kikisig nga naman ng mga taga-San Pablo na magtalumpati tuwing okasyon ng Rizal Day, subalit hindi naman isinasabuhay ang mga talumpating iyon.
Hindi pangkaraniwang bayani si Rizal. Kalabisan ng sabihing siya ang pambansang bayani ng Pilipinas na lagi-lagi na lamang ay sinasabi nating “inspirasyon siya ng mga kabataan.”
Taga-Laguna si Rizal at kuna-unahan ang
“I’m sorry po, totoong kami man sa DERETSO’y nawaglit ang kahalagahan ng rebulto ni Rizal,” nasambit na lamang natin sa nasabing concerned citizen.
Kailan nga ba nagsimula ang pambabastos na iyon sa rebulto ni Rizal? Siguro nga’y hindi na kailangang alamin pa kung kailan iyon nagsimula, ang mahalagang masagot ay kailan ihihinto ng mga taga-San Pablo ang pambabastos sa rebulto ni Rizal?
1 Comments:
Good observation by who ever is that concerned citizen.. Tama siya, hindi dapat agawin ang atensyon kay Rizal, lalo na kung ang aagaw ng atensyon ay isang bulok at magnanakaw na pulitiko na tulad ni mayor vic amante.
Pakiaalis na nga agad 'yung nakakasukang picture ni amante sa plaza!!!
Post a Comment
<< Home