| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Sunday, April 23, 2006

PBA Song: A dream come true

(Ni Concon E. Exconde, Abril 8, 2006) -- Ano nga ba meron ang basketball at tila ito na nga ang pambansang taga-aliw sa mga Pinoy kahit sa gitna ng problema’t krisis? Ano nga ba ito na patuloy na kinababaliwan ng bata’t matanda? Ano ang karisma nito?

Philippine Basketball Association o PBA. Ito na nga ang hanggang sa ngayo’y naging tagapag-aliw sa mga basketball fanatics.

Sa simula’y naging palaisipan sa akin kung ano nga ba ito. Hanggang isang araw noong 7 seven years old pa ‘lang ako ay namalayan kong isa na rin ako sa kanila. Excited kapag may laro ang team ko.

Wala akong pinalalampas na game ng koponan ko. Lagi na rin akong nakasubaybay sa bawat laban.

Naaalaala ko pa na minamadali ko noon sina Daddy at Mama sa paguwi ng bahay kasi gusto ko masaksihan ang laro ng paborito kong team. Pilit ko iyong itinago sa mga parents ko kasi masisira daw ang pag-aaral ko. Kaya naman lagi akong nagkukulong sa kuwarto sa panonood. Solong-solo ko ang paborito kong team. Ako ‘lang at sila.

Tahimik akong naiyak pag natatalo sila. At tahimik din akong sumisigaw kapag nanalo sila. Minsan nga ‘di ko napagilan ang napatili nang sa last second ay maka-shoot ang paborito kong player. Nang katukin ng Mama ko ang pinto ng kuwarto ko at tanungin kung anung nangyari, naisigaw ko na ‘lang na naipit ang daliri ko sa kama.

Si Richie Ticzon ang una kong naging idolo. Nung hindi na siya naglaro sa Shell, ang akin namang naging pangalawang inidolo ay si Alvin Patrimonio, kasi sa kanya ko nakita ang isang puso ng kapitan upang laging manalo ang kanilang team sa bawat laro. Nagretiro na siya, pero hindi naman nagretiro ang paghanga ko sa kanya.

Ngayon, 18 years old na ako, Brgy. Ginebra Gin Kings ang aking pinakapaborito sa lahat ng team sa PBA. Lagi kong sinusubaybayan ang numero uno sa puso ng mga tagahanga na tandem nina Jayjay “The Fast” Helterbrand and Mark “The Furious” Caguioa at Rommel “The General” Adducul. Hanggang ngayon ay Gin Kings fan ako. Lahat ng tanong nagkaroon ng kasagutan.

Sa pagdaan ng panahon, naramdaman ko na hindi na lamang ako nakukuntento sa panonood sa kanila. Nais kong maging bahagi ng PBA. Nandoon ang usbong ng damdamin na nais kong iparating sa kanila ang aking paghanga sa kanilang lahat.

Kaiba ang aking nararamdaman kapag nakikita ko ang mga fans ay tuwang-tuwa, lumulundag, sumasayaw at sumisigaw habang nanonood ng games. Naisip ko ‘lang, sa hirap ng buhay ngayon ng mga Pilipino na tila nga ba wala na itong katapusan ay nakakatuwang panoorin na nakakapagsaya pa sila ng ganito dahilan sa PBA. Kahit man lang saglit ay nakakalimutan nila ang lahat-lahat at tutok ang mga mata sa bawat galaw ng mga PBA players sa hardcourt. Para bang sa pagkakatitig na iyon ay ayaw na nilang matapos ang labanan. Isa ngang pambansang taga-aliw at tagapagpalimot ng suliranin ang PBA.

Ito ang nagtulak sa akin na gumawa ng isang tula na inedit ng aking dating teacher sa Holy Infant Jesus Montessori sa San Pablo City at matalik na kaibigan na si Sir Chrisan Gutierrez. Ang aking naging problema’y paano ko ito mapapadala sa PBA? Hindi ko alam ang address. Kanino ko ipapadala?

Mahilig akong mag-internet. Isang araw nagulat ako sa message na natanggap ko mula sa executive secretary ni commissioner Noli Eala na si Tita Coy Montemayor at nakikipagkaibigan sa akin. Hindi ko mailarawan ang aking kaligayahan. Bakit parang isinugo siya sa akin ng kapalaran?

Ipinadala ko sa kanya ang aking tula. Sumagot siya sa akin at sinabing maganda daw at impressing ang message, pero mas maganda daw ito kung malalagyan ng melodiya at gawing isang kanta.

Naku, wala naman akong alam sa pagcompose ng kanta, kaya humingi ako ng tulong kay Tricel Tiquis, anak ng isa ko pang dating teacher na si Teacher Mavic. Nilapatan niya ito ng melody at inawit at tsaka ko ipinadala sa PBA.

Nagkaroon ng konting revisions at ginawa ang ilang mga suggestions. Ipinakanta ko ito sa aking kaibigan na si Mark Jason Tan. Nilapatan at inarranged naman nina Mark Banayo at Ronald (key boardist ng Layg-Laya).

Nagustuhan ito ng mga taga-PBA at ipinarinig sa kanilang mga fans noong March 4, 2006 sa Gerry’s Grill, Libis Branch sa Quezon City.

At dahil nagustuhan iyon ng mga PBA fans, formal na inilunsad ang awiting aking ginawa noong March 8, 2006 sa Big Dome, Araneta Colesium sa half time break ng game.

This is really a dream come true, sinabi ko sa aking sarili. At last, ang pinaghirapan ko for six months ay nagkabunga din.

Sa paghahatiran namin ng mensahe thru e-mail ay naging close kami ng PBA staff. And one time, Tita Coy told me that I am the youngest member of PBA family. Ang sarap pakinggan. Imagine from a mere fan, ngayon kapamilya na ako ng PBA.

I never stop dreaming. This time, ang dream ko ay makatulong sa ating mga kabataang taga-San Pablo na maging PBA player someday. Kung papano ko ito sisimulan at gagawin, ewan ko. Pero ang salalayan ko’y bukod sa hilig at galing nila sa paglalaro, dapat ding magaling silang mag-aaral. Dapat masunurin sila sa kanilang parent. Walang bisyo. At may pagmamahal sa Panginoong Diyos. At kapag nangyari iyon, I will consider this a great accomplishment na katuparan ng isang pangarap ng PBA fan and future Pablo’y PBA player.

Maraming bagay ang napatunayan ko sa aking sarili. Kapag ginusto mo ang isang bagay, paghihirapan mo itong abutin. Gawin mo lahat ng ito at ialay sa Panginoong Lumikha… sabayan ng paghingi ng Kanyang tulong at gabay at tiyak magtatagumpay ka…

PBA Song

Pinasikat na liga noon at ngayon

Kasama pa rin lumipas man ang panahon

Tatlong beses isang lingo, kita-kita tayo

‘San man magpunta laging dinarayo

Sa TV man, sa Araneta, o kahit sa Cuneta

Hinihintay gusto nakikita

Sa pagsigaw, sabay-sabay sa palakpak walang humpay

Chorus:

San Miguel, Air 21 express, Alaska

Purefoods, Coca Cola at Sta. Lucia

Redbull, Talk & Text at Barangay Ginebra

Silang lahat sa puso ay nag-iisa

Tahanan ng superstars, PBA walang duda

Hardcourt heroes and idols mga astig sila

Inspirasyon ‘yan kayo bata at matatanda

Salamat PBA sa dulot ‘nyong ligaya

(Chorus): Mahal naming PBA

Let’s go! Watch na tayo!

Laban na kung laban!

(Chorus): Mahal naming PBA



2 Comments:

At 2:39 AM, Anonymous Anonymous said...

Ang galing mo naman, nakapag-compose ka ng kanta that will stay in the mind of PBA fans! Ako ay fans din ng San Miguel team noon, talagang magandang bagay ang mayroong pinaglilibangan ang mga pinoy, tulad dito sa Italy ang mga italians ay mahilig manood ng soccer. Pwede mo bang i-send sa akin ng mp3 format yung kanta? my e-mail is plpk90@yahoo.it Thank you very much!

 
At 2:17 AM, Anonymous Anonymous said...

nice to see this journal about the PBA SONG BUT YOU KNOW THE FACT THAT YOU ARE NOT THE ORIGINAL COMPOSER OF THE SONG...GOD KNOWS KUNG SINO TALAGA ANg DAPAT MARECOGNIZED AS THE COMPOSER AND THE ORIGINAL SNGER... KUNG CNO ANG NAGHIRAP AT NAGPUYAT PARA MABUO NG KNTA... AT KUNG CN PA ANG MGA TAONG NAABALA...ANYWAY THAT IS JUST ONE SONG NA COMPOSE NG ORIGINAL COMPOSER AT SNGER...MARAMI PA XANG KANTA NA NAGAWA AT GINAGAWA...BAKA GUSTO MO PA NG ISA...HEHEHE...PARA PATUNAYAN KUNG CNO TALAGA ANG COMPOSER ..BAKA GUS2 MO MAGING PRODUCER NA LANG MALAY MO DOON KA AANI NG TAGUMPAY...GIVE TO THE PEOPLE THE RECOGNITION WHAT IS DUE TO THEM SO THAT THE LORD WILL TRULLY BLESS YOU...BYE..

 

Post a Comment

<< Home