Sa Bulwagan ng Konseho: SHOWDOWN
Mayor Vic Amante vs. Konsehal Martin Ilagan
(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, Abril 8, 2006) San Pablo City – TALAGA nga bang isa ng rubber stamped ang konseho ng lungsod na ito upang sa malayang pamamahayag ni Konsehal Martin Ilagan sa regular session ng konseho noong April 4 ay sumugod doon si mayor Vicente Amante at personal na tuligsain ang pamamahayag na iyon?
“Clarification lamang,” ito ang ilang ulit na sinabi ni Amante nang simulan niyang sagutin ang mga naunang katanungan ni Ilagan.
“Sayang ang oras! Sayang ang aircon! Sayang ang koryente! Huwag na tayong magpagandahang lalaki dito sa Sanggunian!” humigit kumulang nanggigigil na talak pa ni Amante sa Sanggunian.
Nag-ugat ang panunugod na iyon sa imbitasyon naman ni konsehal Edgardo Adajar upang personal nitong pasagutin si Amante sa mga payak na katanungan ni Ilagan hinggil sa ilang mga usaping may kinalalaman sa paggastos sa pondo ng bayan.
Partikular na nais malaman ni Ilagan “kung ano na ang kalagayan ng 60 milyong pisong diumano’y ipinangako nina Vice President Noli De Castro at iba pang kaibigang senador ni Amante.” Inatasan ni Ilagan ang secretariat ng Sanggunian na sulatan ang city treasurer at city accountant hinggil dito.
Bunsod ang pagtatanong na iyon ni Ilagan sa kanyang personal na nakitang kalagayan ng biniling 3.05 ektaryang lupa noon pang December 2004, na walang titulo sa halagang 25.6 milyong piso, sa may Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) upang pagtayuan ng sports complex.
Ang pagbili ng nasabing lupa ang siya namang naging dahilan ng DERETSO sa pagsasampa ng kaso noong January 5, 2005 sa Office of the Ombudsman laban kina Amante, vice mayor Lauro Vidal, 8 konsehal at 4 na hepe ng city government offices.
“Sa akin pong pagbisita kamakailan sa DLSP ay nakita ko pong nakatiwangwang pa rin ang lupang iyon, maliban na lamang sa mga pinutol na puno at pag-grader ng lugar. Dalawang taon na po ang nakalipas, ano na ang nangyari sa ipinangakong 60 milyong piso nina vice president at ilang senador?” humigit kumulang ayon pa sa malayang pamamahayag ni Ilagan.
Kabilang sa itinanong ni Ilagan ang hinggil sa white elephant na city emergency hospital na nasa Greenvalley Subdivision, Brgy.
Tugon naman ni Amante dito’y: “Kumpara sa national government na nagbebenta ng property, tayo naman ay bimibile at marahil daig din natin ang mga munisipalidad at probinsiya na tayo lamang ang nakakabili ng property.
Hinamon pa ni Amante ang Sanggunian na “kung may bibili ng more than sa capitalization ay ibenta natin ang property. Subalit tayo kaya’y payagan ng taumbayan sa public hearing?”
Sa pananaw ng DERETSO, tahasang naglubid ng kasinungalingan at pangloloko sina Amante at Adajar upang maitago ang kanilang patuloy na paggalpong sa kaban ng lungsod.
Nakakakilabot madinig mula kay Amante ang salitang “public hearing” gayong tahasan niyang ipinagsigawan sa isang flag ceremony kamakailan na “tama na ang maikling diskusyon sa konseho” sa pagpapasa sa kanyang mga hinihiling, lalo na’t may kinalalaman sa paggalpong ng pondo ng bayan.
May katotohanan nga pala ang minsa’y napasulat na sa pahina ng DERETSO na pagbo-broker ng lupa ang trabaho ni Amante ngayon sa lokal na pamahalaan at hindi pagme-mayor.
Sinabi ni Amante na “kailangan ng gastusin ang pera sapagkat end of the year na” sa panayam sa kanya noong December 14 sa DZSP. Anong “labis na pera” ang gagastusin gayong nagsumite noong October 2004 ang city accountant na “deficit pa ng 117 milyong piso ang kaban ng lunsod”?
Ipinaggiitan nina Amante noong December 2004 na lalagyan ng oval at sports complex ang 3.05 ektaryang lupa para magamit ng mga mag-aaral sa DLSP, subalit ngayon nama’y pagtatayuan daw iyon ng iba’t ibang government building kabilang na ang pangarap niyang San Pablo City General Hospital, engineering office atbp. “Tipong one-stop shop,” ayon pa kay Amante.
Sa pagtatayo ng
“Nasusuwelduhan ng tama sa oras ang mga guro,” pagyayabang pa ni Amante. Iilan na nga lamang ang direktang naka-payroll sa city government na mga high school teacher ay lagi pang nadedelay ng mahigit tatlong buwan ang suweldo ng mga ito dahilan na rin sa patuloy na kakulangan ng pondo sanhi naman ng walang patumanggang pagbili ng lupa.
Usapin pa lamang ng 60M ang itinatanong ni Ilagan ay tila napipikon na sina Amante at Adajar, papaano pa sa ibang usapin na may kinalalaman pa rin sa kung papaano gastusin ang pondo ng bayan?
Kung ang mga Hapones ay may Kamikaze, meron naman sina Pablo’y na maaaring itawag kay Amante, Adajar at alipores ng mga ito -- KINAKASI (Kinabuyaw na’y pulos Kasinugalingan pa).
1 Comments:
Napanood ko sa Telmarc chanel 17 ang showdown between Konsehal Martin Ilagan & mayor Vic Amante and i agree sa post analysis nina Ka Dodie Banzuela at Ka Iring Maranan, that, si martin na nga ang alternative na leader if we want to oust kurakista amante.
Talagang the alternative ay dapat kabaliktaran ng kinaiiyamutan: kurakot, dapat honest; babaero, dapat one-woman; gurang, dapat mas bata; hambog, dapat magalang; bastos, dapat humble; blablabla...
I hope the san pableños wll do their share tulad ng gnagawa ng mga taga deretso balita. I also agree with Ka Dodie: HUWAG NA TAYONG MATAKOT SA MGA AMANTE!!! PARE-PAREHO LANG TAYONG KUMAKAIN NG KANIN AT TINATALABAN NG BALA.
SAN PABLEÑO, GISING!!!
More power sa Deretso Balita!
Post a Comment
<< Home