Taliwas sa pahayag ng Spanish gov’t na suicide: Pinay DH sa Spain, posibleng pinaslang?
Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela
Ito humigit kumulang ang naging resulta sa ginawang awtopsiya ng mga taga-Commission on Human Rights (CHR) at Health Alliance for Human Rights (HAHR) sa bangkay ni Ivy Collantes-Bautista, 27-taong gulang, may asawa, ina ng isang pitong taong gulang na lalaki at halos pitong buwan pa lamang na domestic helper (DH) sa Spain na unang napaulat sa media na diumano’y nagpatiwakal noong ika-27 ng Setyembre 2005.
Matagal na nanirahan sa Brgy. Dolores, San Pablo City si Bautista na kasalukuyan namang naninirahan sa Brgy.
Isinagawa ang nasabing second autopsy noong hapon ng ika-27 ng Oktubre sa Ben Lim De Mesa Funeral Parlor sa bayang ito makaraang maiuwi ang bangkay ni Bautista noon lamang a-bente ng Oktubre upang malaman ang tunay na sanhi ng ikinamatay nito.
Si Dr. Arnel Amata, forensic doctor ng CHR ang nagsagawa ng second autopsy sa tulong naman
“Hindi self-implicted ang natamong sugat ng biktima,” humigit kumulang pahayag ni Amata.
Ilalabas nina Amata ang official result ng kanilang findings sa susunod na linggo kapag ganap na iyong napirmahan ng kanyang superior. Nakatakda namang makipag-diyalogo sa a-dos ng Nobyembre ang pamilya ni Bautista sa mga taga-DFA at Spanish Embassy.
Pamilya ng biktima duda sa naging pahayag ng DFA
Madaling araw ng ika-28 ng Setyembre agad nakipag-ugnayan ang pamilya ni Bautista dito sa Pilipinas sa national media at maging sa tanggapan ni Congressman Danton Bueser, 3rd District Laguna. Noong araw ding iyon, nagpahayag ang Department of Foreign Affairs sa media na “suicide” ang ikinamatay ni Bautista batay naman sa mga dokumentong natanggap nila mula sa Criminal Investigation Department ng Regional Police Headquarters ng Santander, Cantabria, Spain. Sinabi pa sa pahayag ni DFA Undersecretary Jose Brillantes na taga-Calauag, Quezon ang biktima.
Agad namang nakipag-ugnayan ang tanggapan ni Bueser sa DFA at hiniling doon ang masusing imbestigasyon sa naging sanhi ng kamatayan ni Bautista.
Nang unang pumutok sa national media ang hinggil nga sa sinapit ni Bautista, nakaugnay din ng kanyang pamilya ang mga taga-Migrante, isang samahan na nagtataguyod sa kapakanan ng mga OFW. Mula sa ugnayang iyon hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y naging kaagapay na ng pamilya ni Bautista ang mga taga-Migrante.
Pinakamadaling proseso upang maiuwi agad ang bangkay ay “tanggapin ng pamilya ang pahayag ng DFA na nag-suicide nga ito.” Hindi agad iyon matanggap ng pamilya sapagkat mga limang buwan pa lamang si Bautista sa kanyang among si Anna Maria Garcia Arce, maybahay ng isang maipluwensiyang fiscal sa nasabing bayan sa Spain, ay ipinaalam sa kanila ni Bautista na “nakakainitan” siya ng kanyang amo.
Sa mga tawag sa telepono ni Bautista sa kanyang pamilya sa Calauan, sinabi nito na isinumbong niya sa kanyang amo ang isa niyang kasamahang DH na si Lenice, isang Espanyola na nahuli niyang nagnakaw sa kanyang amo. Ginawa niya ang pagsusumbong sapagkat natatakot siyang mapagbintangan. Sinampahan ng kaso ng kanyang amo si Lenice at ginawa pa siyang testigo (Bautista).
Subalit bago ganap na pinaalis ng kanyang amo si Lenice ay pinapirmahan muna ito sa isang kasulatan na kung anuman ang mangyari kay Bautista ay siya (Lenice) ang mananagot.
Ilang araw bago natagpuang patay si Bautista, naiparating din nito sa kanyang mga kaanak sa Calauan na “nagbago na ang pakikitungo sa kanya ng among babae – pinagseselosan na ito at pinagbantaang kakastiguhin.”
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan nina Bueser, Migrante at ng pamilya ng biktima sa DFA, hiniling nila na sa
Napahinuhod lamang ang pamilya ni Bautista na huwag na ngang magsagawa ng second autopsy sa Spain nang sabihin ng taga-DFA na madaling maiuuwi ang bangkay kapag hindi na kinuwestyon ang naging resulta ng imbestigasyon ng Spanish government, dagdag pa rito, ibibigay na lamang diumano sa pamilya ni Bautista ang anumang magagastos sa pagpapapunta sa Spain ng dalawang kaanak ng biktima na sasaksi sana sa gagawing second autopsy doon.
Subalit pakiramdam ng pamilya ng biktima’y “nalansi” lamang sila ng mga taga-DFA sapagkat hindi naman nakarating sa itinakdang panahon na a-dos ng Oktubre ang bangkay ni Bautista. October 12, nagpasiya ang pamilya ng biktima na bawiin ang nauna nilang napagkasunduan ng DFA. Mariin nilang hiniling na ituloy na ang second autopsy sa Spain sapagkat ayon nga sa kanila’y “nagtatagal na rin naman doon ang bangkay.”
At nito ngang ika-20 ng Oktubre ganap na ika-walo ng gabi, dumating ang bangkay ni Bautista sakay ng Lufthansa Airline.
Sa panayam ng DERETSO kay Bueser, sinabi nito na “sapat ang proteksyon sa batas ng mga OFW,” mas malimit pagkaminsan aniya’y sa “pag-iimplement ng batas nagkakaproblema.” Agad niyang isusulong sa Kongreso ang malalimang imbestigasyon “in aid of legislation” upang malaman aniya kung anung ahensiya ng pamahalaan ang nagkulang.
Pananaw ng DERETSO
“Buhay na Bayani.” Ito ang turing ng pamahalaan sa mga OFW. Iisa ang dahilan kung bakit ganito ang turing sa mga OFW – dollar remittances.
Bayani dahilan sa dollar remittances ng mga buhay na OFW at para namang basahan at nakakadiring may sakit ang turing sa mga namatay na OFW – dahil gagastos ang pamahalaan sa pagpapauwi ng bangkay, at pagkaminsan pa’y baka nga maapektuhan ang relasyong panglabas kapag pinalalim ang sanhi ng pagkamatay ng OFW sa ibang bansa.
Hindi ngayon lamang nangyari ang kuwentong ito nina Ivy Collantes-Bautista, Flor Contemplacion, Delia Magat at iba pang kababaihang OFW. Marami pang kuwento ng mga Buhay ng Bayaning bumalik sa bansa na nawalan ng katinuan sa isip na kalimitang dahilan ng pamahalaan ay “dahil sa kalungkutan” subalit kung susuriing mabuti at aarukin ng malalim ay dahilan naman sa pagmamalupit ng amo, and worse, nagahasa.
Papaano nga ba ipapakita sa buong mundo na kahit na nga mahirap na bansa ang Pilipinas ay may mataas at malalim naman itong pagpapahalaga sa sarili? Papaano ipamumukha sa mayayamang amo sa ibang bansa na ang puri’y isa ng mahalagang yaman ng isang mahirap na OFW? Papapaano ipapadama sa mga mayayamang amo sa ibang bansa na ang katapatan sa tungkulin ng mahihirap na OFW ay taal na katangian ng mga Pinoy?
Posible ngang sapat na ang proteksiyon sa batas ng mga OFW at tanging sa pagpapatupad na lamang nagkakaproblema.
Saan ginagamit ng OWWA ang may isang daang milyong pisong nakalaan para sa pagpapauwi ng mga OFW na nagkaproblema, patay man o buhay? Kaninong bulsa napapapunta ang isandaang milyong piso pa rin para naman sa mga legal assistance ng nagkaproblemang OFW? Pera ng mga OFW ang pondong hawak ng OWWA na kinakaltas sa kanila sa panahon na nagpapaalipin sila sa ibang bansa.
Kung gayon, hindi nga ang mahihirap na Pinoy at OFW ang problema… ang ilan sa may hawak ng kapangyarihan ang siyang problema.
Kaya nga’t kung ang mismong nasa poder ay hindi kayang ipatupad ang dapat ipatupad, mas dapat na ngang isulong ang People’s Court.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home