Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela
San Pablo City – “Dalawang tahirang congressmen ng Laguna ang nagpakitang gilas sa Malakanyang sa pagboto nila ng YES sa ganap na pagpatay sa impeachment process noong Setyembre 7, samantalang dalawa namang bagito ang matapang na humarap sa sambaanan at nagsabing NO.” NANINDIGAN si Cong. Danton Q. Bueser para sa kaunlaran ng Ikatlong Distrito ng Laguna.
Ito ang naging lead ng DERETSO sa edition nito noong Setyembre 10–16, 2005 matapos ang kontrobersyal na pagbobotohan sa Kongreso hinggil sa usapin ng impeachment laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sina Congressmen Uliran Joaquin, 1st District at Danton Bueser, 3rd District ang Yes at sina Justin Chipeco, 2nd District at Benjamin Agarao, 4th District naman ang No.
The rest is history ika nga, sa usa-ping nabanggit. Subalit hindi dapat ganap na iwan ang kasaysayang iyon nang hindi nahihimay ang mga pangyayaring nagtulak sa apat na mambabatas ng Laguna na manindigan sa kanilang paniniwala. Partikular na dapat pagtuunan ng pansin ay ang naging pana-naw ni Bueser kung bakit nga ba sa paniniwala niya’y dapat ibasura ang impeachment laban kay Arroyo.
Sa panayam ng DERETSO kay Bueser, ipinahayag nito ang kanyang kalungkutan sa naging proseso ng pagdinig sa Kongreso. Hindi ganap na nabuo ang proseso ng impeachment nang tahasang mag-walked-out at ipagtapunan pa ng ilang mga opposition congressmen ang mga dokumentong may kinalalaman nga sa impeachment.
“Tagisan ng katwiran at paninindigan ang Bulwagan ng Kongreso. Bilang abogado at isa ngang mambabatas, tungkulin ko na suriing mabuti ang mga isyung bumabalot sa anumang usapin. Nakahanda na ako noon na bigyang halaga ang kabuuan ng impeachment, subalit nang maganap nga ang walked-out at ang paghahagis ng mga dokumento sa gitna ng mainit na pagtatalo ay gumuho ang aking paniniwala na panigan iyon,” ayon kay Bueser.
Hindi nakaiwas si Bueser sa negatibong pagpuna ng iilang tutol sa pagbasura nga sa impeachment. Sa lunsod na ito lamang ay kumalat ang ilang streamer na tahasang tumuligsa, hindi lamang kay Bueser, ngunit pati na rin kay Arroyo.
“Mamamayan ng ika-3 distrito ng Laguna, kumilos, lumaban, patalsikin si Gloria-Bueser” “Bueser magkano mo ibinenta ang tindig ng ika-3 distrito ng Laguna? 5 milyon at 45 milyon CDF ba?” Ayon sa ilang naglabasang streamer na ikinabit sa mismong pusod ng lungsod na ito. Hibong may “kalayaan” pa sa lungsod na ito kaya’t doon nga sa mismong pusod ng lungsod ibinandera ang nasabing mga streamer. Kaya naman hindi maiwasang isipin ng mga tagalunsod: “Nasa likod ng mga streamer na iyon ang kasalukuyang liderato ng San Pablo na nakipagkutsaba sa progresibong samahan dahilan lamang sa maduming laro sa pulitika.”
Taliwas naman ang sinasabi ng ilang streamer na iyon sa opisyal na pahayag ng limang mayor mula sa 3rd District.
“Congratulations on your excellent performance as Representative of our district during the impeachment debate at the House Committee on Justice as well as the articulation of your ‘yes’ vote at the plenary session,” ayon sa sulat na ipinadala ni Alaminos Mayor Samuel F. Bueser.
“Your impartial upholding of the law during the impeachment debate of the House Committee on Justice and your articulation of the YES vote at the plenary session hall has brought unity to the country in upholding the constitution and the law,” ayon kay Calauan Mayor Buenafrido Berris.
“The municipality would like to extend our sincere appreciation for your commendable effort in support to our Honorable President of the Republic, Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo on her battle to uplift the morale of this nation and provide a better life for the Filipinos,” ayon kay Liliw Mayor Cesar Sulibit.
“Ang inyo pong lingcod ay buong pusong sumusuporta sa paninindigan n gating mahal na Kinatawan – Kgg. Danton Bueser sa nakaraang plenary session,” ayon kay Nagcarlan Mayor Rosendo Corales.
“In behalf of the entire populace of Victoria, Laguna, I would like to extend our admiration for an exemplary work well done and we are very much honored and proud the way Cong. Danton Bueser is performing in our district and the way he is supporting the administration of our president, Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo,” ayon naman kay Victoria Mayor Dwight Kampitan.
Sinabi naman ni Bueser na nakabatay sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng countrywide development fund o CDF ng bawat mambabatas sa Kongreso at Senado na ang lahat naman ng mga iyon ay nakalaan sa bawat distrito.
“Sumasalamin ang demokrasya sa nakakarami at pagpapasiya ng mayorya. Iginagalang ko ang anumang pagpuna sa akin at itinatala ko ang anumang suhestiyon ng ilang hindi sangayon sa aking paninindigan. Sana nama’y ganun din sila,” paha-yag pa ni Bueser.
Para sa mamamayan ng ikatlong distrito
Paninindigan batay sa reyalidad. Ito ang isa sa malalim na pinagbatayan ni Bueser nang sabihin nga niyang, “Oo” dapat ibasura ang usapin ng impeachment. Na sa dako pa doo’y kahulugan din ng “oo” na dapat hindi maputol ang daloy ng pagpapaunlad ng bansa, lalo na ang mga nasa kanayunan.
“Nakasalalay dito ang mga proyektong sabay nating pinangarap simula pa nang katawanin ko ang ating distrito halos siyam na taon na rin ang nakaraan,” ayon kay Bueser.
Isa nang reyalidad sa sistema ng politika sa ating bansa na laging nakasalalay sa kung sino ang namumuno sa sentro ng kapangyarihang pulitikal ang anumang proyektong makapagpapaunlad sa bansa at kanayunan. At isa nga ito sa pinagbatayan pa rin ni Bueser.
Nakaplano na ang halos isang bilyong pisong proyekto sa 3rd district na siyang magiging katuparan sa binuong sama-samang panaginip, halos siyam na taon na rin nga ang nakaraan: San Pablo City-Lipa City National Road; Alaminos-San Pablo City Diversion Road; Calauan-Liliw Provincial Road; Calauan-Nagcarlan Provincil Road; suporta sa mga farm inputs ng magsasaka; suportang gamit pangaisdaan ng mga mangingisda sa baybayin ng bayan ng Victoria; atbp.
Lahat ng mga government projects ay nakalaan sa mamamayan. Tulay lamang ang mga opisyales ng pamahalaan upang matupad ang anumang proyekto. Kaya nga’t bukod sa paggawa ng mga kaukulang batas, nakatuon din ang isipan ni Bueser sa ganap na pagpapatupad ng mga kaunlarang iyon. At ito nama’y unawa ng limang mayor sa 3rd district na ipinarating pa rin nila kay Bueser.
Ayon pa kay Mayor Berris, “We appreciate very much your support to President Gloria Macapagal-Arroyo. With the government back on its track in implementing its project, we seek its full implementation especially in the town of Calauan and also to the 3rd District of Laguna.”
“May this lights for a more bright and future development in our municipality of Victoria beholding more projects and programs ahead of us,” ayon din kay Mayor Kampitan.
“Like the overwhelming majority of local officials, we appreciate your support for President Gloria Macapagal-Arroyo. This will bring more projects not only to Alaminos but to entire 3rd District,” ayon kay Mayor Sam.
“We would like to express our deep gratitude for the support you have given to this municipality on all our projects and programs. May you continue to serve as an inspiration to all public servants like me. And may we continue to work hand in hand to achieve our one goal, to ensure the welfare of our people,” ayon naman kay Mayor Sulibit.
Maging ang mga pangkaraniwang mamamayan sa 3rd district ay iisa din ang ipinarating kay Bueser: “Hindi po dapat huminto ang mga nasimulang proyekto at ang mga nakaplano pang proyekto sa ating distrito. Lubos ang aming pagtitiwala sa inyong paninindigan.”
Bueser sa Kongreso
Sa pananaliksik ng DERETSO sa website ng House of Representative, napag-alaman na sa halos siyam na taon sa Kongreso ni Bueser, kabilang ito sa 20 mahahalagang komitiba: 1. Justice, Vice Chairman; 2. Public Works and Highways, Vice Chairman; 3. Southern Tagalog Development, Vice Chairman; 4. Rules, Deputy Majority Leader; 5. Agriculture & Food, Member for the Majority; 6. Appropriations, Member for the Majority; 7. Basic Education and Culture, Member for the Majority; 8. Constitutional Amendments, Member for the Majority; 9. Dangerous Drugs, Member for the Majority; 10. Foreign Affairs, Member for the Majority; 11. Games ang Amusements, Member for the Majority; 12. Good Government, Member for the Majority; 13. Higher and Technical Education, Member for the Majority; 14. Interparliamentary Relations and Diplomacy, Member for the Majority; 15. Legislative Franchises, Member for the Majority; 16. National Defense and Security, Member for the Majority; 17. Public Order and Safety, Member for the Majority; 18. Trade and Industry, Member for the Majority; 19. Transportation, Member for the Majority; 20. Ways and Means, Member for the Majority.
House Bills & Resolutions na inihatag ni
Bueser sa Kongreso
Nagsumite din ito ng 19 na House Bill at 10 House Resolutions na pawang mahahalaga sa kapakanan ng 3rd district.
Edukasyon
Alam ni Bueser ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t isa ito sa pinagtuunan niya ng pansin sa paghayin ng mga sumusunod na panukala:
-HB02972: An Act Establishing a National High School in Barangay San Vicente, City of San Pablo in Laguna, to be known as the San Vicente National High school and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB02973: An Act Establishing a National High School in Barangay San Agustin, Municipality of Alaminos province of Laguna, to be known as the San Agustin National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB02974: An Act Establishing a National High School in Barangay San Benito, Municipality of Alaminos, province of Laguna, to be known as the San Benito National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB02975: An Act Establishing a National High School in Barangay Maravilla, Municpality of Nagcarlan, province of Laguna, to be known as the Maravilla National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB02976: An Act Establishing a National High School in Barangay Banca-Banca, Municipality of Nagcarlan, province of Laguna, to be known as the Lowland National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB02977: An Act Establishing a National High School in Barangay Tuy-Baanan, Municipality of Liliw, province of Laguna, to be known as the Tuy-Baanan National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2004-10-25.
- HB03321: An Act Converting the Laguna State Polytechnic College in the province of Laguna into a State Polytechnic University to be known as the Laguna State Polytechnic University and appropriating funds therefor and for other purposes
Status: Pending with the Committee on Higher and Technical Education since 2004-11-24.
- HB03794: An Act Establishing a National High School in Barangay Mabacan, Municipality of Calauan, province of Laguna, to be known as the Mabacan National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2005-02-28.
- HB03980: An Act Establishing a National High School in Barangay San Bartolome, City of San Pablo, province of Laguna, to be known as the San Bartolome National High School and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Basic Education and Culture since 2005-03-17.
Drug Rehabilitation Center
Hindi rin pinikitan ni Bueser ang lumalalang usapin ng droga sa 3rd district kaya naman naghayin ito ng HB03392: An Act Establishing a Drug Rehabilitation Center in the City of San Pablo, province of Laguna, to be known as the San Pablo City Drug Rehabilitation Center, and appropriating funds therefor
Status: Pending with the Committee on Dangerous Drugs since 2004-12-07
Pagpapatatag sa mga Barangay Tanod
Kinilala ni Bueser ang kahalagahan ng serbisyo publiko ng mga Barangay Tanod, kaya’t hindi ito nagdalawang isip sa paghahayin ng HB01847: “An Act Providing for a Magna Carta for Barangay Tanods”
Status: Pending with the Committee on Local Government since 2004-08-04.
Good Governance
Sa hangaring maisabuhay ang good governance sa ating pamahalaan, inihayin niya ang HB01854: An Act Disqualifying from Filing a Certificate of Candidacy for any Position in any National or Local Election Persons Charged with and Detained For or Convicted of Non-bailable Offenses
Status: Pending with the Committee on Suffrage and Electoral Reforms since 2004-08-09.
Kasabay din nito ang paghahayin ng isang resolusyon upang maging bukas sa publiko kung saan tuwirang ginagastos ang discretionary at intelligence fund na nakasaad sa HR00241: Resolution Directing the Appropriate Committee of the House of Representatives to Investigate in Aid of Legislation which of the Departments or Agencies of the Government were Appropriated and Allotted Discretionary/Intelligence Funds under the 2003 Budget and the 2004 Reenacted Budget and for What Particular Purposes the Funds were Expended to Determine which of the said Appropriations and Expenditures were Unwarranted and should be Dispensed with in the next budget
Status: Adopted Resolution (Pending with the Committee on Appropriations since 2004-12-09).
Proteksyon sa mga prepaid cellphone users
Nang iparating kay Bueser ng mga cellphone users ang kanilang hinaing hinggil sa paniniwala nilang “pagabuso ng mga cellphone companies”, agad itong naghain ng isang Resolusyon na nagsasaad ng: HR00302: Resolution Directing the Appropriate Committees of the House of Representatives to Investigate in Aid of Legislation the Unjustly Short Expiration Periods of Electronic Cellular Phone Loads and Transferred Load Credits that Effectively make the Purportedly Affordable Services Actually Prohibitive to the Ordinary Prepaid Cellular Phone Subscriber
Status: Adopted Resolution (Pending with the committee on Information Communications Technology since 2004-12-09).
Proteksyon sa mga magsasaka
Lagi ring nakaprayoridad kay Bueser ang kapakanan ng mga magsasaka, kaya naman naghayin ito ng dalawang resolusyon upang maprotektahan ang interes ng mga maggugulay at magniniyog:
- HR00111: Resolution Directing the Appropriate Committees of the House of Representatives to Investigate in Aid of Legislation the Failure of the Government Authorities to Curb the Smuggling of Vegetables into the country Adversely Affecting the Interests of our Local Vegetable Farmers
Status: Adopted Resolution (Pending with the committee on Good Government since 2004-11-09).
- HR00737: Resolution Directing the Committee on Agriculture and the Committee on Good Government to Investigate, in Aid of Legislation, the Questionable Manner in which Coco Levy Funds are Allocated by the Department of Agriculture that have Deprived Coconut-Producing Provinces Access to Coconut Development Projects for which the Funds should be Utilized
Status: Pending with the Committee on Agriculture & Food since 2005-04-26.
Proteksyon sa mga electric consumers
Maging ang hinaing sa pagpapakabit ng serbisyo ng koryente sa Meralco ay agad ding ginawan ni Bueser ng kaukulang resolusyon,
- HR00928: Resolution Directing the Committee on Energy, the Committee on Legislative Franchises and other appropriate committees of the House of Representatives to Investigate in Aid of Legislation the Prohibitive Requirements Imposed by the Manila Electric Company on Applications for Installation of Electrical Service Facilities in Gross Violation of the Franchise Granted thereto by the Congress under Republic Act no. 9209
Status: Pending First Reading (Filed last 2005-08-24).
Alaminos-San Pablo City Bypass Road
At bilang pagsasabuhay sa matagal na ring pangarap ni Bueser na maibsan ang trapiko sa Maharlika Highway sa pagitan ng Alaminos-San Pablo ay naghayin ito ng kaukulang resolusyon:
- HR00530: Resolution Urging the Department of Public Works and Highways and the National Economic Development Authority to Prioritize the Construction of the Alaminos-San Pablo City Bypass Road which has been Found by the DPWH Project Management Office as the Most Viable Option that would Address the Worsening Traffic Congestion along the said section of the Pan-Philippine Highway in the Province of Laguna
Status: Pending with the Committee on Public Works and Highways since 2005-01-18.
Sa kabuuan, hindi dapat balewalain sa pagsusuri ang mga ginawa at gagawin pa ng isang nanunungkulan sa pamahalaan lalo’t higit nakabubuti iyon sa mas nakakaraming mamamayan. Kasabay nito ang pagsasaalangalang sa reyalidad ng kapaligiran at ang tunay na saloobin ng mga mamamayan… mga mamamayang naging kaisa na ni Bueser sa paghabi ng pangarap para sa ikauunlad ng ikatlong distrito ng Laguna simula pa nang ito’y manungkulan bilang kanilang kinatawan sa Kongreso.
Kasaysayan na ngang maituturing ang naganap sa usapin ng impeachment ngayong 2005 laban kay Arroyo sa Bulwagan ng Kongreso… subalit may mas mahalaga pang kasaysayan ang dapat pa ring isulat sa ikatlong distrito ng Laguna – ang ganap na pagpapatupad sa nasimulang pangarap.
At alam ng mga mamamayan kung papaano nila muli’t muli’y gagamiting tulay si Bueser sa pagsulat ng kasaysayan ng kaunlaran sa ikatlong distrito ng Laguna at maging sa Lunsod ng San Pablo... tunay na kaunlaran para sa mga mamamayan at ‘di sa pansariling interes lamang na siyang inihahasik ng kasalukuyang liderato ng Lungsod ng San Pablo.