| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Sunday, November 13, 2005

466.5M piso 2006 budget ng San Pablo City

Pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, Nobyembre 14, 2005) – KUNG ANG INTENSYON NG ELECTED OFFICIAL AY TUNAY NA MAGLINGKOD SA BAYAN, KAHIT ANUNG LIIT NG BUDGET AY MAPAPAGKASYA IYON PARA SA MAMAMAYAN. SUBALIT KUNG ANG INTENSYON AY MAGNAKAW SA BAYAN, KAHIT GAANO KALAKI ANG PONDO NG BAYAN, KULANG AT KULANG PA RIN IYON!

466,555,256.35 milyong piso ang hinihinging budget ni Mayor Vicente Amante sa 2006 na malaki ang posibilidad na maaprubahan kaagad ito “without thinking” ng Sangguniang Panglunsod bago matapos ang December 2005.

Sa pahapyaw na pagsusuri’y anti-poor at pro-kurakot naman ang budget na ito knowing Amante’s style of governance: hindi transparent sa mga government transactions at tila nga nagiging kultura na niya ang maglagay ng kaukulang halaga sa mga proyektong gagawin subalit sa bandang huli’y realign dito, realign doon patungo sa kanyang bulsa.

Ganito gagalpungin ni Amante ang pondo nina Pablo’y (sampol pa lamang) sa 2006:

· Magbabayad ng consultancy fee na tig-PhP 144,000.00/year sa mga sumusunod na consultant: Financial, Traffic, Agricultural at Senior Citizen;

· Babayaran naman ng PhP 180,000.00/year ang Medical consultant;

· Bibili na naman ng ambulansya (para pandeliber ng epektos) na magkakahalaga ng 1.6 milyong piso;

· Ibubulsa ang intelligence fund na PhP 1.5 milyong piso;

· Gagastos ang general services office ng PhP 321,816,805.74.

Hulaan nga natin kung sinu-sino ang makikisig na consultant na iyon: Financial Consultant, si Nercy Amante? Maybahay daw ang taga-hawak ng budget ng tahanan. Traffic, Dante Amante? Buffer daw pag tuluyang magkahigpitan sa video karera. Agricultural, Amben Amante? Kasi nagtapos daw ito ng kursong foreign service. Senior citizen, Gener Amante? Buffer din daw kapag naisipang magbitiw na bilang ABC president. At sa medical ay si Dr. D? (Doc Danny Dequito?).

Sa kabuuang budget na mahigit nga sa 466.5 milyong piso, lampas sa 55% ang “automatic appropriations” na may kabuuang PhP 315,215,666.76. Ang “automatic appropriations” ay nakalaan sa pagbabayad ng utang ng lunsod at personal services o pagpapasuweldo sa may halos isang libong regular employee ng lungsod.

PhP 118,440,002.15 ang nakalaan sa pagbabayad ng utang sa Landbank of the Philippines. PhP 196,775,664.61 ang para naman sa personal services. Bukod pa dito ang lampas sa 16 na milyong pisong pasuweldo naman sa mga casual (na hanggang ngayo’y hindi malaman kung ilan ang bilang ng mga iyon dahilan nga sa hindi naman transparent si Amante).

Nangangahulugang mahigit sa 151 milyong piso lamang ang maaaring “paglaruan” ng ilang miyembrong sanggano sa Sangguniang Panglunsod?

Naglaan ng may 18.3 milyong piso para sa education & culture, na ito nama’y sasailalim sa special education fund (SEF) na hahawakan ng school board na si Amante ang chairman. Asahang mamamayagpag na naman doon ang kung anu-anong repair sa mga public elementary & high school buildings, bibilhing libro, desks & chairs. At asahang kopo na naman ng mga taga-Central School ang lahat halos ng pondo mula nga sa SEF. Nakakatiyak din, mga mahihirap ngunit matatalino na namang mag-aaral ang gagastos sa pagsali nila sa mga provincial & regional contests dahil hindi sila paglalaanan ng panggastos na mula nga sa SEF.

22.5 milyong piso para sa health services, na ang nakakatiyak na naman nito’y uubusin sa pagmimintina ng mobile clinic na mas malapad at mahaba pa sa Tritran bus. Angal nga ng mekaniko, “Papaano ‘di masisira ‘eh ang bigat ng dalawang dambuhalang litrato nina Biteng Amante at Damusak Vidal na nakapagkit doon?”

PhP 90,000.00 sa buong taon ng 2006 para sa pagbili ng kung anu-anong agricultural supplies kasama na ang patuka sa mga sasabunging manok na nasa iba’t ibang farm na nakakalat sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

2.2 milyong piso para sa pagbili ng mga instructional materials ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) na baka nga kakailanganin ng bagong binigyang item na Associate Professor na si Baby Adajar at Teacher 1 Janquil Bumagat. Naglaan din ng kalahating milyong piso para sa pagbili ng libro, ngunit nilinaw ni Amante na puwede pa ring magreseta ng sariling libro ang ilang mga faculty member na bibilhin naman ng mga mag-aaral sa inereseta ding tindahan ng titser.

Mahigit sa 12 milyong piso ang inilaan sa social services upang may magalpong ang city disaster coordinating council. Gagalpungin iyon sa pag-iimbento ng deklarasyong “tinamaan ng kalamidad” ang isang partikular na barangay o ang mismong siyudad upang makabili ng mga give aways na ipamimigay sa mga kakampi at kabit sa araw ng Pasko.

Mahigit sa 90 milyong piso para sa “economic program” na nakalaan naman iyon sa operasyon ng San Pablo City Public Market & Shopping Mall upang siguro nga’y mapagtakpan ang patuloy na pagkalugi ng operation noon.

Gagastos ang siyudad sa buong taon ng 2006 ng may 22.4 milyong piso para sa konsumo ng koryente na baka nga pati bahay ng mga kabit ng ilang city officials ay naka-tap sa linya ng city government.

Mga 2 milyong piso naman para sa landline telephone at mahigit sa PhP 100,000.00 sa mobile phone para ‘di maputol ang minu-minutong pagtawag sa mga kabit at kakabitin pa.

Magbibigay din ng donasyon ang siyudad ng may 6.1 milyong piso sa mga posibleng kamag-anak ng kabit at kakabitin pa.

At magbabayad din ang siyudad ng mahigit sa PhP 185,000.00 sa buong 2006 para sa advertisement sa magku-courier ng mga pekeng balita ng siyudad.

Matatandaan na simbilis ng kidlat na naaprubahan ng mayoryang miyembro ng Sangganuhang Panglunsod ang hiningi ni Amante na 300 milyong pisong standby-credit sa Development Bank of the Philippines. Simbilis din ng kidlat na naaprubahan ang isa pang 300 miyong pisong standby-credit sa Landbank of the Philippines.

Dipensa ni Amante, apat na proyekto ang pagkakagastusan ng nasabing mga halaga: Pagpapagawa ng Bagong Palengke; Pagpapagawa ng Food Terminal; Pagpapagawa ng Central Transportation Terminal; at Pagsasagawa ng San Pablo-Alaminos By-passed Road.

Sa mga susunod na araw ay ipo-post natin ang ilan pang impormasyong nakatala sa 2006 City Budget ng San Pablo na masinop na iginuhit ng mga bata ni Amante kung papaano ito lulustayin.



2 Comments:

At 12:32 AM, Anonymous Anonymous said...

Wow!!! Ok, sumama total, less yung automatic fund e pwede ng nakawin nina mayor amante yung natitirang budget? Ang hirap dito sa atin e tila deretso balita na lamang ang ma tapang na magbulgar ng mga pagnanakaw nina amante. Nakabasa ako minsan ng ibang local paper, naku po!!! e panay praise relis ni amante. kaya nga siguro kailangang magnakaw ni amante ng malaking pera e bukod sa panglagay nito sa mga korte dahil sa kanyang mga kaso e nagbabayad din siya sa ibang local media. San Pablo will not prosper hangga't si amante ang mayor..itaga nyo to sa bato!!
Ang problema'y dami pa ring utuutong taga san pablo, sa konting shabu, jueteng & video karera money at sa pananakot ng mga amante brothers e binoboto pa rin si biteng.

 
At 12:16 AM, Anonymous Anonymous said...

Lintik lang talaga gagambamz si amante ngayon. tama ka, panay pagnanakaw na ang iintindihin niyan kasi nga magbabawi sa mga nauna na niyang ipinamigay noong unang mag-mayor ito. Suma tutal, lumabas na nga ang tunay na ugali -- magnanakaw din pala sa kaban ng bayan!
Bakit nga ba ganoon si Amante ngayon? Kasi hindi niya binago ang lifestyle niya simula nang bitiwan na niya ang pagdi-diyep. Malakas nga ang kita nya noon kasi nag-aasembol pa siya ng diyep kaya't ang pagme-mayor e parang pang-social services lang niya. Ang siste nga e bumagsak ang industriya ng diyep. So? unti unti e nakutkot ang inipon hanggang sa talaganf maubos na ang cash sa bulsa. E 'di binago ang pambabae at iba pang bisyo, 'yun, tuluyang natalpog ang cash on hand.
Utang dine, utang doon. Eto namang mga nautangan, sa kagustuhan silang mabayaran ni amante na may tubo pa e hayun at sinuportahan pa sa eleksyon. Kaya nga't parang tumama sa lotto ang mga nagpautang kay amante, mababayaran na, nasa kapangyarihan pa!
Oks lang, kasi tayo lang namang mga aba ang kawawa, lalo na yung mga nasa bukid na kay daling utuin ng amante brothers.
O deretso, ano pang masasabi mo!?

 

Post a Comment

<< Home