| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Sunday, November 06, 2005

Amante, naka-gimik sa Sandiganbayan?

Ulat pananaw ni Iring D. Maranan

San Pablo City, (November 5, 205) – “Motion for Reinvestigation.” Ito ang naging tugon ni Mayor Vicente Amante ng lungsod na ito sa isinagawang arraignment sa kanyang kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan noong November 3, 2005.

Nagbigay naman ang First Division ng Sandiganbayan ng hanggang January 2006 hinggil nga sa nasabing Motion ni Amante. Hanggang sa sinusulat ang balitang ito’y wala pang tiyak na petsa at oras kung kailan nga sa January isasagawa ang muling pagdinig sa kaso.

Matatandaan na sa Criminal Case No. 28112 ng People of the Philippines versus Vicente B. Amante and Abdon S. Andal, partikular na tinukoy ng Office of the Ombudsman sa Information na isinumite nito sa Sandiganbayan noong April 26, 2005 ang tahasang paglabag (nina Amante at Andal) sa probisyon ng Section 3 (h) of Republic Act No. 3019 na nagsasaad ng “Directly or indirectly having financial or pecuniary interest in any business, contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity, or in which he is prohibited by the Constitution or by any law from having any interest.”

Kaugnay naman iyon sa isinagawang comprehensive audit report ng Commission on Audit (COA) noong June 2001 na kung saan, sinabi doon na “nalugi ang city government ng San Pablo ng may 130 milyong piso due to improper implementation of the guidelines for the availment of rights.”

Batay na rin sa nasabing audit report ng COA, “ginamit ni Amante ang kanyang tungkulin bilang mayor ng Lungsod ng San Pablo noong July 30, 2000 at nakipagsabwatan ito kay Andal sa pagpapaupa ng isang bahagi sa 3rd Floor ng San Pablo Public Market and Shopping Mall sa San Pablo Information Computer Institute, Inc. (Informatics).”

Napagalaman din ng COA na humigit sa 700 libong piso ang personal na tinanggap ni Amante mula sa Informatics para naman sa kanilang “down payment of deposit and advance rental payment.” Wala namang tala sa City Treasurer Office na isinulit iyon doon ni Amante.

Sa ilalim ng “contract of sub-lease,” magbabayad ang Informatics ng “monthly rental fee na PhP 85,872.50” kay Andal. Subalit naberipika ng COA na walang natanggap ang City Treasurer Office, simula pa noong October 2000, hinggil sa sinasabing pagpapaupa.

Sa kasalukuyan din, may nakabinbin pang civil case sa Regional Trial Court sa lunsod na ito simula pa noong 2001 hinggil naman sa pagresolba kung sino nga ba ang nagmamay-ari ng 3rd Floor ng San Pablo City Public Market & Shopping Mall.

Inaangkin kasi ni G. Cheung Tin Chee, isang Tsinoy na tagalunsod na ito, ang pagmamay-ari sa may 4,878 square meters noon.

Nagpahayag kamakailan si Amante sa local media, sa pamamagitan ng kanyang city information office na “hindi papansinin ni Amante ang nasabing kaso sapagkat matagal na naman iyon.” At diumano pa’y “napupulitika” lamang siya.

Pananaw ng DERETSO

Masasabi ngang “matagal na ang kaso” sapagkat noon pang 2002 isinampa ang kasong iyon sa Ombudsman at nito nga lamang April 2005 isinampa naman iyon sa Sandiganbayan.

Kung bakit nagtagal iyon sa Ombudsman, Diyos na lamang ang nakakaalam. At kung muling magtatagal iyon sa Sandiganbayan, your guess is as good as DERETSO’s. Subalit ang nakakatiyak, hindi napupulitika si Amante, sa isang banda’y baka nga siya ang namumulitika upang sumandaling mapabagal ang daloy ng katarungan sa kanyang kinakaharap na kaso.

Suma total, mga tagalunsod ng San Pablo ang talo sa bawat segundong pagkabalam ng kaso sapagkat dugo’t pawis nila ang ipinambabayad sa ipinagpagawa ng San Pablo City Public Market & Shopping Mall.


4 Comments:

At 3:07 AM, Anonymous Anonymous said...

Dyan talaga magaling si biteng amante: ang mangtapal para mapagtakpan ang kasalanan. Pero lahat may hangganan. Sana 'lang eh magising na ang mga taga-San Pablo. Mabuti at may deretso balita. Ma-print o ma-website eh ok ang ulat pananaw nila. Carry on Deretso!!!

 
At 9:41 PM, Anonymous Anonymous said...

lintik lang ang walang ganti! e ano naman ang gingawa ng mga taga San Pablo? tumanga habang nagdedeliver na naman ng shabu sina edwin, damaso at gener gamit ay ambulansya? tabgna na talaga mga amante!!!

 
At 1:26 AM, Anonymous Anonymous said...

Kaya pala nung araw ng arraignment e kalat ang paa ni amante sa panggigipit sa mga negosyante kasi baka nga humingi ng advance mga taga ombudsman. alam nyo ba na personal na si biteng ang nakikipagusap sa mga malalaking negosyante? Babanatan ng malaking singil sa mayor's permit, pero pag pumayag ang negosyante e 10% lang ng amount ang nakaresibo at yung 90% e sa bulsa nya? talagang kailangan ni amante ang lahat ng pera sa san pablo para maipangtapal sa dapat tapalan. HOY MGA TAGA SAN PABLO, GISSSIINNNGGG!

 
At 9:24 PM, Anonymous Anonymous said...

diba si Mercy yung secretarya ni Amante?

 

Post a Comment

<< Home