| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Monday, April 24, 2006

Arraignment nina Amante at Andal Reset sa May 26, ‘06

Pang-mayor talaga ng San Pablo. . . at Munti?

(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, Abril 22, 2006) San Pablo City – MULING NA-RESET sa May 26, 2006 ang pagbasa ng sakdal kina Mayor Vicente Amante at Abdon Andal sa First Division ng Sandiganbayan kaugnay sa kinakaharap nilang kasong graft and corruption na isinampa naman ng Office of the Ombudsman noon pang April 2005.

Muling nauntol ang arraignment kina Amante at Andal noong March 10 dahilan na rin sa pagsusumite nila ng Motion to Quash noong March 8. Ginawa ang nasabing Motion ng Magsino Santiano & Associates Law Offices na may tanggapan sa Ermita, Manila.

Nauna rito, ilang ulit na ring naantala ang pagbasa nga ng kaso sa dalawang akusado dahilan na rin sa pagsusumite nila ng mga motions at pleadings. Kabilang sa isinumiteng “panalangin” ni Amante ay ang ‘di pagsipot nito sa January 17, 2006 arraignment dahilan na rin diumano sa pagkakaroon nito ng “essential hypertension” bunsod sa naging “hectic schedule” nito sa nakaraang “January 14, 2006 selebrasyon ng city fiesta.” Si Atty. Danilo Cunanan ng Santa Mesa, Manila ang gumawa ng nasabing “panalangin” na may petsang January 26 at natanggap naman ng Sandiganbayan noong January 27.

Nakatakda sanang basahan na ng sakdal sina Amante at Andal sa darating na April 28 matapos na hindi panigan ng Sandiganbayan ang inihain nilang Motion to Quash noon ngang March 8 subalit ine-reset nga ito sa May 26 matapos namang maghain ang panig ng tagausig ng Motion for Attachment of Amended Information.

Sa panayam ng DERETSO sa isang staff ng office of the executive clerk of court ng First Division ng Sandiganbayan noong April 17, sinabi niya na “mooted” na ang usapin ng Motion to Quash dahilan nga sa nakatakdang pagsusumite ng prosecution ng “amended information.”

Ayon pa sa nasabing staff ng Sandiganbayan, “pasasagutin pa sina Amante ng within 15 days matapos na matanggap ng mga ito ang isusumite naman ng prosecutor na sinasabing amended information.”

Sa analisa ng isang abogado na nakapanayam ng DERETSO subalit nakiusap na huwag ng banggitin pa ang kanyang pangalan, nangangahulugan aniya ito na “palalakasin pa ng Ombudsman ang kaso laban kina Amante at Andal.”

“Ayokong pangunahan ang Sandigabayan, pero, ang tinitiyak ko sa inyo, wala ng kawala sina Amante at Andal kung hindi talagang harapin ang kaso. Wala na silang uurungan. Sinayang kasi nila ang January 17. Sana sa halip na medical certificate kuno ang isinumite nila, ‘eh dapat sana rumekta na kaagad sila ng motion sa Supreme Court. Alam ng abogado kung anung motion iyon. Siguro, kinulang sa pisi kaya ‘yun na lamang medical certificate ang ginawa.”

Talaga aniyang uubusin nina Amante ang sa palagay ng publiko na delaying tactic na proseso sa arraignment pa lamang sapagkat kakabit aniya noon ay ang automatic suspension.

‘Pag minamalas-malas pa aniya ay baka suspendido si Amante habang “on-going” ang kaso nito sa Sandiganbayan. Kung magkakagayon pa aniya at matutuloy ang eleksyon sa 2007, mahihirapan na itong mangampanya. Ano aniyang sasabihin nito sa mga botante, ‘iboto ninyo ako kasi may kaso pa akong kinakaharap sa Sandigabayan?’ Papaano kung mapatunayang talagang may kasalanan siya at palagay ng manalong muli siya sa 2007 eleksyon, puwede ba siyang magpatakbo ng ating lungsod habang ito’y nasa National Bilibid Prison sa Muntinlupa?

Kung tutuusin, talagang pang-mayor si Amante… mayor ng San Pablo, at maaari ding maging mayor ng Munti.



Ilagan, Arago at Adriano TINUTULAN

Muling pagutang ng city gov’t ng mahigit 50 milyong piso

(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, Abril 22, 2006) San Pablo City – MARIING TINUTULAN nina Konsehal Martin Ilagan, Ivy Arago at Gelo Adriano sa regular session ng konseho noong April18 ang panukala nina Konsehal Karen Agapay at Diosdado Biglete na nagbibigay ng kapangyarihan kay Mayor Vicente Amante “to enter into negotiated contract with the private sector worth 55 million pesos” para sa diumano’y pagde-develop sa dumpsite ng lungsod na ito. Nakapaloob iyon sa agenda Item No. 2006-143.

“Ipagpaumanhin po ninyo, garapal na po ang ginagawang panlilinlang sa bayan,” humigit kumulang pagbibigay diin ni Ilagan.

“Huwag nating gamitin ang mga ganoong salitang ‘garapal’ sa proseso ng ating pagbobotohan,” humigit kumulang tugon naman ni Konsehal at majority floor leader Alejandro Yu.

Nais isantabi muna nina Ilagan, Arago at Adriano ang nasabing panukala nina Agapay at Biglete upang isalang-alang ang isinasaad naman ng Resolution No.2005-2336 na inaprubahan nila noong November 8, 2005 hinggil din sa pagbibigay ng kapangyarihan kay Amante ng paggalpong ng pera ng bayan.

Ayon sa nasabing resolution na ibinigay kay Amante, “to authorize and give full power to negotiate, borrow and request for a loan/credit facility in the amount of P300M with the Landbank of the Philippines” para naman gamitin sa ipagpapagawa ng “food terminal & central terminal in the amount of P245M and for the rehabilitation & construction of controlled dump facility in the amount of P55M SUBJECT TO THE RATIFICATION OF THE SANGGUNIANG PANGLUNSOD… PROVIDED HOWEVER, THAT THE PROPOSE PROJECTS, THEIR PROGRAM OF WORKS & PROPER PROJECT COST ESTIMATE BE SUBMITTED TO THE SANGGUNIANG PANGLUNSOD, PRIOR TO RATIFICATION.”

Subalit gaya ng mga naunang ginawang pagpapaapruba ni Amante sa Konseho sa kanyang mga proyektong may kinalalaman nga sa paggalpong ng pondo ng bayan, nais niyang “huwag ng patagalin pa ang diskusyon” kabilang ang huwag ng idaan pa sa malalimang pagbusisi.

Partikular na nais ding malaman nina Arago at Adriano ang konkretong plano sa proseso ng pagsasara ng kasalukuyang tapunan ng basura at ang pamamaraan din ng waste segration from the source upang maibsan ang dami ng basurang itinatapon.

Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y wala pa kahit isang barangay chairman sa lungsod na ito ang nagpapaabot sa DERETSO na nagpapatupad na sila ng payak na proseso sa tamang pangangalaga ng basura.

Sa palengke na lamang ng lungsod na ito’y lahat pa rin ng klase ng basura’y itinatapon doon gayong halos lahat ng iyon ay maaaring gawing compost at fertilizer. Mas naiintindihan ng mga barangay chairman sa paligid ng palengke kung papaano araw-araw silang makakakolekta na possible pang hindi naman napapasulit sa kaban ng barangay.

Ipinahayag pa ni Biglete sa nakaraang sesyon na “may nagawa ng plano si city environment & natural resources officer Ramon De Roma hinggil sa waste management.” Diumano pa, naisumite na iyon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Kinumpirma naman ng isang miyembro ng city waste management board na wala pa namang ipiniprisinta sa kanila na sinasabing plano na ginawa si De Roma. Ang grupong ito kasi ang siyang naatasang gumawa ng mga kaukulang hakbang hinggil nga sa pagbabasura ng lungsod na ito.

Muling babangitin ng DERETSO na matagal na rin naming isinusulong ang hinggil nga sa proseso ng segration, recycle and reduction of waste mula sa barangay level. Tila hanggang ngayo’y hindi ito gagap nina Agapay, Biglete, Yu at mayoryang kabig na mga konsehal ni Amante. Mas naiintindihan nila’y ang pagbili ng milyong halaga ng lupa, tarpoline, sasakyan, proteksyon sa video karera, jueteng, fruit game at droga at kung anu-ano pang mas madaling pagkakitaan.

Sumasangayon ang DERETSO sa tinuran ni Ilagan na talagang “garapal” na nga ang Administrasyong Amante sa paggalpong ng pondo ng bayan.



Toyota, pinangunahan ang Earth Day 2006 celebration

"Driven By The Will To Serve"

(Ulat ni Byron R. Emralino, Abril 22, 2006) Santa Rosa City – IPINAGDIWANG sa lungsod na ito noong April 18 ang Earth Day sa compound ng Toyota Special Economic Zone (TSEZ) bilang pagkilala sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.


Magkatuwang dito ang Toyota Motor Philippines Corporation (TMP), Toyota Motor Philippines Foundation, Inc. (TMPF) at ang pamahalaan ng Lungsod ng Santa Rosa.

Aktibong nakipagtulungan din sa pagkakasatuparan ng Earth Day ang Toyota Autoparts Philippines (TAP), Tokai Rica Philippines, Hikari Seiko, Santa Rosa Business Club, at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Sa pagbubukas ng programa noong araw na iyon, isang motorcade ang isinagawa mula city plaza ng lungsod na ito hanggang sa TSEZ na pinangunahan nina Mayor Joey Catindig, Vice Mayor Arlene Arcillas-Nazareno kasama na rin ang ilang miyembro ng konseho ng lungsod na ito.

Naging tampok sa nasabing motorcade ang Toyota’s Prius Hybird Car, Toyota LPG-fueled car, at ang Toyota CME-fueled car.

Sa compound ng Toyota, mainit namang tinanggap nina TMP president Hiroshi Ito at TMPF president Dr. David Go ang mga pangunahing panauhin na kinabibilangan nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) undersecretary Ramon Paje at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) director-general Lilia de Lima.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang tree planting ceremony sa “Chairman’s Forest”, isang 15-ektaryang kagubatan sa gitna ng TSEZ na matagal ng nasimulan ni TMP chairman Dr. George S.K. Ty. Naging kalahok sa nasabing tree planting activity sina Paje, De Lima, Catindig, Nazareno, Ito, at Go.

Sa Eco Plant Tour, nakita ng mga dumalo ang iba’t ibang pamamaraan ng community-friendly manufacturing processes ng TMP at TAP, pangongolekta ng recyclables materials, exhibit na nagpapakita ng community development program ng Toyota, ganun din ang ibang participating private and public organizations and non-government organizations (NGOs).

Nakibahagi din sa okasyon na ito ang Santa Rosa Labor Management Council, ang Save Silang Santa Rosa River Project, Philippine Association of Labor Management Councils, Ecology Foundation, Metrobank Foundation, ABS-CBN Foundation, Knowledge Channel Foundation, Inc., League of Corporate Foundations, Personnel Management Association of the Phils., Philippine Recyclers Association, Ayala Foundation, Inc., Laguna Chamber of Commerce & Industry, Laguna Labor Management Council, Santa Rosa City Business Club, at ang Rotary Club of Santa Rosa.

“Doing good business entails not only profitability, but also responsibility. It is in this light that we at Toyota also take the lead in putting investment in our environment,” pahayag ni TMP president Ito.

“Protecting the environment is not a one-time activity. It is a constant process that we have to carry on,” paliwanag pa ni Mr. Ito. “The Toyota Group is here to inspire and lead our suppliers, dealers, and the public in a collective effort of protecting our environment to guarantee a prosperous 21st century for the next generation.”

Sinabi naman ni Dr. Go na, “By our participation in this year’s celebration, we hope to highlight the essentials of environmental protection:
borderless cooperation, environment and community-friendly manufacturing and business processes, cleaner surroundings - cleaner air, cleaner water - and, core business expertise shared with the community.”

“We hope to impart our experiences, as well as the experiences of the other TSEZ locators, of successfully working together with the Santa Rosa communities on environmental protection programs. We want, not only to show that Toyota cares for the environment, but also to encourage a continuous stream of environmental projects by other companies, organizations, and the public,” pagbibigay diin pa ni Dr. Go.

Ayon naman kay De Lima, “kapakanan ng mga manggagawa at sustainable environment” ang dalawang kondisyong sinasabi nila sa mga mamumuhunan sa EPZA na non-negotiable.

“Hindi tayo lagi na lamang withdraw ng withdraw, kailangan din tayong mag-deposit ng mga bagay para matiyak nating hindi ganap na masisira ang ating kalikasan,” ayon pa kay De Lima.

Sinabi naman ni Paje na lubhang napakabilis na ng pag-unlad ng teknolohiya sa mundo subalit napapagiwanan ang pamamaraan kung papaano naman pangangalagaan ang kapaligiran.

Ayon sa kanya, 70% ng air pollution sa ating bansa ay nagmumula sa mga sasakyan. Sa Japan aniya, patuloy ang mga scientist doon sa pagtuklas ng mga alternative fuel, gaya ng paggamit ng tubig. May mga chemical na ring ginagamit sa mga commercial products ang ipinagbawal na sa Canada.

Patuloy aniya ang DENR sa pagsasagawa ng mga ptoyekto na may kinalalaman sa susutainable environment at ang isa dito ay ang Adopt-A-Street-Program.

Napag-alaman ng DERETSO na matagal ng ginagawa ng Toyota ang ganitong proyekto. Katunayan, gumastos sila ng may 70 milyong piso para sa waste water treatment. Binuhay din nila ang Santa Rosa River na ngayon ay muling pinamamahayan ng mga isdang ilog. Patuloy silang gumagawa ng mga pamamaraan upang malimitahan ang pollution. Simula pa’y pinatutupad na nila ang tamang waste segregation and disposal.

Katuwang din nila ang komunidad at mga paaralan sa kanilang regular na clean & green project at tree planting. At sila din ang matiyagang nagtuturo sa mga kabataan ng kahalagahan ng waste segration and recycling.

At dahilan na rin sa kanilang patuloy na pangunguna sa pangangalaga ng kalikasan, sila ang kauna-unahang automotive company sa Pilipinas na ginawaran ng ISO 14001 noon pang July 1998 (Bicutan plant), November 2003 (Bicutan & Sta Rosa City Plant), November 14, 2004 (Companywide). Pagpapatunay ito na maaaring mabuhay ng mapayapa sa isang pamayanan.


Gov. Ningning Lazaro Cup 3rd Level Shooting Match

(Ulat ni Iring D. Maranan, Abril 22, 2006) San Pablo City – Mahigit sa 300 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtatagisan ng pagbaril sa May 5-7, 2006 na itinataguyod naman ng Seven Lakes Pistol & Riffle Association, Inc. (SLPRA) na gaganapin sa kanilang firing range na nasa Sitio Biuyan, Brgy. Sto. Angel, San Pablo City.

Tinagurian ang nasabing competition ng “Gov. Teresita ‘Ningning’ Lazaro Cup, a LEVEL III, Philippine Practical Shooting Association (PPSA) & International Practical Shooting Confederation (IPSC) Sanctioned Match.”

Sa panayam ng DERETSO kay Barangay Chairman Fernando “Totoy” See ng Brgy. 7-D at siya ding pangulo ng SLPRA, sinabi niya na ito ang kauna-unahang pagkakaton na magtataguyod sila ng Level III competition na sunctioned naman ng Philippine Practical Shooting Asso. (PPSA) at ng International Practical Shooting Confederation (IPSC). Nakapagtaguyod na rin sila ng ibang level ng shooting competition.

Itinatag ang nasabing samahn noong 1988 at unang ginamit na firing range ang lugar sa may bahagi ng Sitio DI, Brgy. San Francisco, lungsod na ito. At ngayon nga ay nasa mas malawak na firing range sa Sitio Biuyan, Brgy. Sto. Angel.

“Accuracy, Power and Speed,” ito aniya ang guiding principle ng isang “practical marksmanship.”

Bukas din aniya ang kanilang samahan sa lahat ng mga nais na maging miyembro ng practical shooting “without regard to occupation and not limited to public servants.”
Mapoprotektahan aniya ng isang indibidwal ang kanyang sarili at pamilya kung may kaalaman siya sa practical shooting sapagkat nahuhubog dito ang kumpiyansa kung kailan dapat o hindi magpaputok.

Tulad din ng mga may alam ng martial arts o mga kauri nito, mas nagiging responsable ang isang indibidwal sa pagkakaroon ng praktikal na kaalaman sa paghawak ng baril, taliwas naman sa iniisip ng iba na baka magamit lamang iyon sa hindi tama.

“Pinaka-basic ay malaman mo ang kahalagahan ng isang bagay kung ano ang dadalhin nitong buti sa iyo. Sa bahagi ng practical shooting, hindi lamang competent sa iyong sarili ang nade-develop ngunit pati na rin ang maging responsible sa iyong kapuwa at ang safety measure sa paghawak nga ng baril,” ayon pa kay See.

Tumatanggap din sila aniya ng menor-de-edad na miyembro bilang junior shooter, “provided na sasamahan siya ng kanyang guardian o parents sa bawat araw ng pagsasanay at kompetisyon.”
Mga live bullet ang ginagamit nila sa kanilang pagsasanay gayun din sa bawat competition. At sa gagawing Level III shooting competition ay inaasahang uubos ng mahigit na 300 bullets ang bawat kalahok.


Patalsikin: Anti-mamamayan at Anti-manggagawang rehimeng Arroyo


(Mula sa Abril 2006 Editoryal ng Ang Bayan) – Gugunitain ng uring manggagawa sa Pilipinas ang nalalapit na Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa ilalim ng isa sa mga pinaka-anti-manggagawang rehimen sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ito ang rehimeng ni minsan ay hindi nagkaloob ng anumang pangkalahatang umento sa sahod ng mga manggagawa at patuloy na nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa malaon nang iginigiit na 125 pesos na pagtaas sa minimum na arawang sahod. Ito rin ang rehimeng nagpapakana ng “cha-cha” sa pagnanais na gamitin itong instrumento upang lalong apihin at pahirapan ang mga manggagawa at supilin ang kilusang paggawa.

Ang rehimeng Arroyo rin ang sistematikong nagkakait ng pondo para sa mga serbisyong panlipunang dapat pakinabangan ng mga manggagawa at iba pang naghihikahos. Sa halip, ang binibigyang prayoridad nito sa badyet ay ang mga pinagkakautangang dayuhang bangko at ang militar at pulis na nagtatanggol sa bulok, pasista at di lehitimong paghahari nito.

Ganap nitong ibinubukas ang buong ekonomya sa pagsasamantala ng mga imperyalista sa pwersa ng paggawa at likas na yaman ng Pilipinas. Ang dustang kalagayan ng mga manggagawa ay bahagi ng pangkalahatang pagkawasak ng mga pwersa ng produksyon sa Pilipinas bunsod ng pananalasa ng “globalisasyon” na todong itinutulak ng rehimen alinsunod sa dikta ng mga amo nitong imperyalista.

Hungkag na pangako ang tanging naibigay ni Arroyo sa labis na disgustadong mga manggagawa. Matapos ang dalawang taon, walang kinahinatnan ang pantastikong pangakong lilikha siya ng isa’t kalahating milyong bagong trabaho bawat taon hanggang 2010 para lutasin ang malawakang disempleyo sa bansa. Sa halip na madagdagan ang empleyo, malawakang tanggalan ang nagaganap.

Ayon mismo sa Labor Force Survey nitong Enero 2006, nawalan ng trabaho ang 95,000 sa sektor ng industriya; 75,000 sa konstruksyon; 52,000 sa komunikasyon; at 32,000 sa sektor ng kalusugan at serbisyong panlipunan.

Samantala, sinasalamangka ng rehimen ang mga datos hinggil sa paggawa para pagtakpan ang nagdudumilat namang katotohanan ng lumalalang disempleyo sa Pilipinas.
Subalit di nito mapagtakpan ang katotohanang sa kabuuan, halos kalahati na ng pwersa ng paggawa ang wala o di sapat ang hanapbuhay sa harap ng patuloy na malawakang tanggalan at pagkalugmok ng produksyon.

Bilang “solusyon” sa disempleyo, hinihikayat ni Arroyo ang mga dayuhan na mamuhunan sa mga call center na walang dulot na estratehikong kabuluhan sa lokal na ekonomya at labis na nagsasamantala sa pamamagitan ng mababang pasahod at laganap na kontraktwalisasyon.
Wala ring patumangga ang kampanya ni Arroyo na magtrabaho sa ibang bansa ang mga manggagawang Pilipino. Sa pamamagitan nito, bahagyang nababawasan ang bilang ng mga manggagawang walang hanapbuhay, subalit hindi ito naghahatid ng pangmatagalang solusyon. Sabik na sabik din si Arroyo sa ipinapasok na dolyar na ipinambabayad lamang naman sa dambuhalang panlabas na utang at nilulustay sa iba pang bagay na hindi produktibo.
Di pa nagkasya sa panloloko at panggigipit, inaalipusta pa ng rehimeng Arroyo ang mga manggagawa. Mismong kalihim ng Department of Trade and Industry ang nagsabi kamakailan na kaya lang daw maraming Pilipinong walang trabaho ay dahil sila’y “pihikan sa pagpili ng trabaho” o kaya’y “walang pagnanais na magtrabaho”. Kulang na lang na sabihin niyang tamad ang mga manggagawang Pilipino at ayaw lamang maghanap ng empleyo.

Sa harap ng patung-patong na krimen at kawalanghiyaan ng rehimen sa mga manggagawang Pilipino, libu-libo ang nangangahas na ipaglaban ang kanilang karapatan.
At ano ang ganti sa kanila ng Malakanyang?

Binabantaan sila. Mismong si Gloria Arroyo ang nagbansag na mga “terorista sa pabrika” ang mga unyonistang naglulunsad ng mga aksyon para igiit ang dagdag na sahod at benepisyo at mapabuti ang kalagayan sa paggawa. Babala ito sa kanila na itigil ang kanilang mga pagkilos at kung hindi’y tutugisin sila bilang mga teroristang kaaway ng estado.

Ibinibilanggo sila. Tinupad kalaunan ni Arroyo ang gayong pagbabanta nang kanyang ipaaresto nang walang mandamyento noong Pebrero si Crispin “Ka Bel” Beltran, batikang lider-manggagawa at isa sa mga kinatawan ng progresibong partidong Anakpawis sa Kongreso.
Pinapaslang sila. Mula Setyembre 2005 hanggang Marso ng taong kasalukuyan, 21 nang lider manggagawa, unyonista at tagapagtaguyod ng karapatan sa paggawa ang pinaslang ng mga berdugo ng rehimen. Di pa kabilang dito ang mga welgistang minasaker noong Nobyembre 2004 sa Hacienda Luisita bunsod ng kautusan ng mismong kalihim ng Department of Labor and Employment na buwagin ang piketlayn.

Sukdulan na ang kasalanan ng rehimeng Arroyo sa uring manggagawa at sa buong sambayanan. Wala ito ni katiting na karapatang manatili pa sa kapangyarihan. Wala nang ibang masusulingan ang masang manggagawang dustang-dusta sa ilalim ng rehimeng Arroyo kundi ang sarili nilang lakas at pagkilos sampu ng lakas at pagkilos ng milyun-milyong mamamayan sa mga lansangan at kabukiran.

Wala nang mas tataas pang parangal sa mga manggagawang Pilipino ngayong Mayo Uno kundi ang pagbabagsak sa anti-manggagawa at anti-mamamayang rehimen.


Manipulasyon sa estadistika ng disempleyo

(Mula sa Abril 2006 edisyon ng Ang Bayan) – Ang “husay” sa ekonomya ng ekonomistang si Gloria Arroyo ay makikita sa “husay” ng kanyang manipulasyon sa estadistika ng disempleyo. Kaya naman nitong Enero 2006, kumpara noong Abril 2004, ang bilang ng mga “walang trabaho” ay bigla-biglang nabawasan nang 2.149 milyon!

Susi sa salamangkang ito ni Arroyo ang pagbabawas sa bilang ng pwersa ng paggawa sa pamamagitan ng pagbabago sa depinisyon ng “walang trabaho” na ginawa ng National Statistical Coordination Board (NCSB) noong Oktubre 2004.
Dito, hindi na itinuturing na bahagi ng pwersa ng paggawa yaong mga manggagawang lagpas anim na buwan nang hindi naghahanap ng trabaho—karaniwa’y bunga ng kawalan ng oportunidad na makapaghanapbuhay.
Sa ganitong madayang paghihigpit sa depinisyon, mahigit 1.285 milyon ang awtomatikong nabawas sa pwersa ng paggawa. Ito’y kahit pa lumaki nang
1.054 milyon ang populasyon ng mga Pilipinong may edad na 15 taong gulang pataas, na siyang dapat kabilang sa pwersa ng paggawa sa karaniwang pakahulugan nito. Dahil dito, mapanlinlang ding napalalabas na tumaas ang tantos ng empleyo (mula 86.3% tungong 91.9%).

Kung tutuusin, ang pagbabago ng depinisyong ito noong Oktubre 2004 ay pinakahuli lamang sa ginagawang pandaraya sa datos ng empleyo. Bago pa ito, malaking tipak na ng mga manggagawa na nakaka-tegoryang maybahay (housewife) ang hindi na ibinibilang sa pwersa ng paggawa. Kung tutuusin, sa mahigit 20 milyong populasyong inalis na sa pwersa ng paggawa nitong Enero 2006, umaabot sa 15.3 milyon ang pwede sanang maghanap-buhay kung may makikita lamang na trabaho. Kung idaragdag pa ang upisyal na datos sa disempleyo, sa minimum ay 18.14 milyon ang aktwal na walang trabaho (o 36.8% at hindi 8.3% tulad ng ipinagma-malaki ng rehimen).

“Nababawasan” din ng gubyerno ang disempleyo sa pamamagitan ng pagsasabing may trabaho yaong mga kung tutuusi’y walang regular na empleyo o tuluy-tuloy at sapat na mapagkakakitaan. Pinalalabas nga lamang na “di sapat” ang trabaho (underemployed) ng mga ito, na umaabot sa pitong milyong katao. Kabilang sa kategoryang ito ang mga may sariling maliliit na tindahan at talyer at ang mga kapamilyang karaniwang pinatatrabaho sa mga ito nang wala o maliit lamang ang bayad. Ibinibilang din sa mga “di sapat” ang trabaho ang mga naglalako sa lansangan, “bar-ker” sa mga terminal ng dyip at iba pang sa katunayan ay nabubuhay nang isang kahig, isang tuka. Samakatwid, sa kabuuan, 25.059 mil-yon o halos 50% ang bilang ng mga walang trabaho at hindi sapat ang kinikita.


Sunday, April 23, 2006

Socdems bat anew for credible COMELEC

(By Agapito ‘Peping’ M. Lugay, Head, PDSP Public Information Department, April 15, 2006) -- PRESIDENT Macapagal-Arroyo should appoint more men of integrity and capability to the Commission on Elections in order to make the poll body credible once again.

The Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) pointed out that while the President cannot remove officials of the Comelec, she can exercise persuasive powers to convince top poll officials linked to anomalies to resign to pave the way for badly needed electoral reforms.

The Comelec chairman and the commissioners can only be removed by impeachment.

The PDSP welcomed the appointment of Presidential Adviser on the Peace Process Rene Sarmiento as Comelec commissioner, saying he was a good choice for the post.

However, the party stressed that the President should also fill in the two other vacancies in the Comelec with upright, dedicated individuals who will work to improve the electoral system and bring back the people’s trust in the commission.

“Comelec Chairman Benjamin Abalos and the other commissioners linked to the anomalous computerization program should step down before any genuine reforms can be implemented. Rebuild a damaged institution starts with installing leadership with very high credibility,” said lawyer Jose “Nonong” Ricafrente, PDSP spokesperson.

He said Comelec officials should heed the growing clamor for their resignation. A recent Pulse Asia survey showed that 52 percent of Filipinos want the current coterie of poll officials to quit.

“These officials are impeding reforms and doing the country a great disservice by clinging to their posts. The government cannot hope to regain the people’s trust in the poll body and in the electoral process if these officials tainted with anomalies remain in power,” Ricafrente said.

“With another electoral exercise approaching, we need a Comelec that is beyond reproach. It’s time to sweep out the old system and introduce changes that will make the country’s electoral exercises credible once more,” Ricafrente said.

The anomalous purchase of automated counting machines worth P1.3 billion, the controversy involving former commissioner Virgilio Garcillano and allegations that some election officials helped rig the results of the 2004 national elections have greatly damaged the reputation of the poll body.

The recent admission of Commissioner Resurreccion Borra that there was indeed cheating sparked more outrage and fuelled public outcry for a change in leadership at the Comelec.



‘Protect environment, people from indiscriminate mining’

(By Agapito ‘Peping’ M. Lugay, Head, PDSP Public Information Department, April 15, 2006) -- Now that the Supreme Court has upheld the constitutionality of the mining law, the government should institute measures to ensure that the environment and the people are protected from indiscriminate operations.

The Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas said that the Department of Environment and Natural Resources should see to it that mining companies strictly comply with environmental laws to prevent accidents and abuses that may not only ruin the eco-system but pose hazards to health as well.

While the country would certainly benefit from fresh infusion of foreign and local investments, officials should not forget their paramount responsibility, which is to protect the fragile ecology and people living in mining communities, the PDSP announced.

“The DENR should make sure that the expected mining boom will not doom the environment and the people. They should not sacrifice our natural resources and the people’s health for the promise of gold or nickel,” said PDSP spokesperson Atty. Jose “Nonong” Ricafrente.

The social democratic party noted that aside from strictly implementing environmental laws, officials should warn mining companies to also provide more protection and benefits to miners who face daily peril under the pits of the earth.

With the Supreme Court decision, mining, exploration and expansion projects would go full blast as more foreign and local companies are poised to pour in more investments this year.

Already, four companies are set to expand operations and invest some $1.4 billion. Leading the pack is Coral Bay Mining Corp., which plans to double its nickel production capacity by opening a second plant in Palawan.

Other firms that are set to start or expand operations are Climax-Arimco, Indophil and Sagittarius Mines, Benguet Corp., and Apex Mining.

Ricafrente acknowledged that the huge investments from the mining sector would definitely boost the country’s hobbling economy. However, he warned that mining could open the key to economic progress but at the same time unlock the door to ecological disaster if preventive measures are not drawn and mining companies are allowed to operate beyond the guidelines set by the law.



Sa Bulwagan ng Konseho: SHOWDOWN

Mayor Vic Amante vs. Konsehal Martin Ilagan

(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, Abril 8, 2006) San Pablo City – TALAGA nga bang isa ng rubber stamped ang konseho ng lungsod na ito upang sa malayang pamamahayag ni Konsehal Martin Ilagan sa regular session ng konseho noong April 4 ay sumugod doon si mayor Vicente Amante at personal na tuligsain ang pamamahayag na iyon?

“Clarification lamang,” ito ang ilang ulit na sinabi ni Amante nang simulan niyang sagutin ang mga naunang katanungan ni Ilagan.

“Sayang ang oras! Sayang ang aircon! Sayang ang koryente! Huwag na tayong magpagandahang lalaki dito sa Sanggunian!” humigit kumulang nanggigigil na talak pa ni Amante sa Sanggunian.

Nag-ugat ang panunugod na iyon sa imbitasyon naman ni konsehal Edgardo Adajar upang personal nitong pasagutin si Amante sa mga payak na katanungan ni Ilagan hinggil sa ilang mga usaping may kinalalaman sa paggastos sa pondo ng bayan.

Partikular na nais malaman ni Ilagan “kung ano na ang kalagayan ng 60 milyong pisong diumano’y ipinangako nina Vice President Noli De Castro at iba pang kaibigang senador ni Amante.” Inatasan ni Ilagan ang secretariat ng Sanggunian na sulatan ang city treasurer at city accountant hinggil dito.

Bunsod ang pagtatanong na iyon ni Ilagan sa kanyang personal na nakitang kalagayan ng biniling 3.05 ektaryang lupa noon pang December 2004, na walang titulo sa halagang 25.6 milyong piso, sa may Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) upang pagtayuan ng sports complex.

Ang pagbili ng nasabing lupa ang siya namang naging dahilan ng DERETSO sa pagsasampa ng kaso noong January 5, 2005 sa Office of the Ombudsman laban kina Amante, vice mayor Lauro Vidal, 8 konsehal at 4 na hepe ng city government offices.

“Sa akin pong pagbisita kamakailan sa DLSP ay nakita ko pong nakatiwangwang pa rin ang lupang iyon, maliban na lamang sa mga pinutol na puno at pag-grader ng lugar. Dalawang taon na po ang nakalipas, ano na ang nangyari sa ipinangakong 60 milyong piso nina vice president at ilang senador?” humigit kumulang ayon pa sa malayang pamamahayag ni Ilagan.

Kabilang sa itinanong ni Ilagan ang hinggil sa white elephant na city emergency hospital na nasa Greenvalley Subdivision, Brgy. San Francisco; ang nakatiwangwang na Mall 2 na ginastusan ng may 100 milyong piso; ang lupa sa San Brgy. Gregorio at ang may 20 milyong pisong halaga ng lupa sa Sitio Balok, Brgy. Sto. Niño.

Tugon naman ni Amante dito’y: “Kumpara sa national government na nagbebenta ng property, tayo naman ay bimibile at marahil daig din natin ang mga munisipalidad at probinsiya na tayo lamang ang nakakabili ng property.

Hinamon pa ni Amante ang Sanggunian na “kung may bibili ng more than sa capitalization ay ibenta natin ang property. Subalit tayo kaya’y payagan ng taumbayan sa public hearing?”

Sa pananaw ng DERETSO, tahasang naglubid ng kasinungalingan at pangloloko sina Amante at Adajar upang maitago ang kanilang patuloy na paggalpong sa kaban ng lungsod.

Nakakakilabot madinig mula kay Amante ang salitang “public hearing” gayong tahasan niyang ipinagsigawan sa isang flag ceremony kamakailan na “tama na ang maikling diskusyon sa konseho” sa pagpapasa sa kanyang mga hinihiling, lalo na’t may kinalalaman sa paggalpong ng pondo ng bayan.

May katotohanan nga pala ang minsa’y napasulat na sa pahina ng DERETSO na pagbo-broker ng lupa ang trabaho ni Amante ngayon sa lokal na pamahalaan at hindi pagme-mayor.

Sinabi ni Amante na “kailangan ng gastusin ang pera sapagkat end of the year na” sa panayam sa kanya noong December 14 sa DZSP. Anong “labis na pera” ang gagastusin gayong nagsumite noong October 2004 ang city accountant na “deficit pa ng 117 milyong piso ang kaban ng lunsod”?

Ipinaggiitan nina Amante noong December 2004 na lalagyan ng oval at sports complex ang 3.05 ektaryang lupa para magamit ng mga mag-aaral sa DLSP, subalit ngayon nama’y pagtatayuan daw iyon ng iba’t ibang government building kabilang na ang pangarap niyang San Pablo City General Hospital, engineering office atbp. “Tipong one-stop shop,” ayon pa kay Amante.

Sa pagtatayo ng SPC General Hospital, saan kukuha ang siyudad ng mga doctor at nurses gayong ang mismong mga provincial hospital sa Laguna ay nagkakandaubos na ang mga doctor at nurses? Maging isang puting elepante rin kaya ang general hospital na ito na gaya ng unang ipinatayo niyang City Emergency Hospital sa Greenvalley Subdivision sa Brgy. San Francisco?

“Nasusuwelduhan ng tama sa oras ang mga guro,” pagyayabang pa ni Amante. Iilan na nga lamang ang direktang naka-payroll sa city government na mga high school teacher ay lagi pang nadedelay ng mahigit tatlong buwan ang suweldo ng mga ito dahilan na rin sa patuloy na kakulangan ng pondo sanhi naman ng walang patumanggang pagbili ng lupa.

Usapin pa lamang ng 60M ang itinatanong ni Ilagan ay tila napipikon na sina Amante at Adajar, papaano pa sa ibang usapin na may kinalalaman pa rin sa kung papaano gastusin ang pondo ng bayan?

Kung ang mga Hapones ay may Kamikaze, meron naman sina Pablo’y na maaaring itawag kay Amante, Adajar at alipores ng mga ito -- KINAKASI (Kinabuyaw na’y pulos Kasinugalingan pa).



Rizal, binabastos ng mga taga-San Pablo?

(DERETSOng ipinarating kay Dodie C. Banzuela, Abril 8, 2006) San Pablo City – “MAG-TIME OUT muna kayo sa pagbanat sa mga pulitiko. And this time, banatan ‘nyo ang mga sarili ninyo!”

Ito humigit kumulang ang ipinarating na hinaing ng isang concerned citizen na taga-Laguna hinggil sa patuloy na paglapastangan ng mga tagalunsod na ito sa rebulto ni Gat. Jose P. Rizal na nakatayo sa mismong city plaza.

Partikular na pinuna niya ang patuloy na pagdami ng mga kung anu-anong streamer na nakalagay nga sa paligid ng mismong fountain sa may city plaza na kung saan andoroon din nga ang rebulto ni Rizal.

“Sa tuwing pagbisita ko sa San Pablo’y unang hinahanap ko ang rebulto ni Rizal, na alam kong nakalagay sa inyong plaza, subalit lagi na lamang tumatambad sa akin ang mga kung anu-anong klase ng streamer,” ayon pa sa nasabing concerned citizen.

Pati mga taga-local media’y naging bulag na rin sa sitwasyon ng paligid ng city plaza sapagkat sobra silang abala sa pagtalakay ng pampulitikang usapin, parating na hinaing pa ng concerned citizen.

Ganoon din aniya ang lahat ng mga socio-civic club sa lungsod na ito’y tila nalambungan na rin ang mga mata sa itsura ng city plaza sapagkat may mga pagkakataon pang sila mismo’y naglalagay ng kanilang naglalakihang mga streamer doon.

Bakit nga naman ang Simbahang Katoliko, na kapitbahay lamang ng city plaza’y nakapagsabatas na bawal maglagay ng anumang mga pa-anunsiyo sa kanilang bakod, maliban na lamang sa maliliit na paalalang “Bawal Maglagay ng Anumang Steamer” doon.

Kay kikisig nga naman ng mga taga-San Pablo na magtalumpati tuwing okasyon ng Rizal Day, subalit hindi naman isinasabuhay ang mga talumpating iyon.

Hindi pangkaraniwang bayani si Rizal. Kalabisan ng sabihing siya ang pambansang bayani ng Pilipinas na lagi-lagi na lamang ay sinasabi nating “inspirasyon siya ng mga kabataan.”

Taga-Laguna si Rizal at kuna-unahan ang San Pablo na naging lunsod sa Laguna. Huwag sabihing kakabit pala ng pagiging isang lunsod ay ang pagbabalewala naman sa mga makasaysayang landmark lalo na’t iyon ay ang rebulto ng pambansang bayani.

“I’m sorry po, totoong kami man sa DERETSO’y nawaglit ang kahalagahan ng rebulto ni Rizal,” nasambit na lamang natin sa nasabing concerned citizen.

Kailan nga ba nagsimula ang pambabastos na iyon sa rebulto ni Rizal? Siguro nga’y hindi na kailangang alamin pa kung kailan iyon nagsimula, ang mahalagang masagot ay kailan ihihinto ng mga taga-San Pablo ang pambabastos sa rebulto ni Rizal?



PBA Song: A dream come true

(Ni Concon E. Exconde, Abril 8, 2006) -- Ano nga ba meron ang basketball at tila ito na nga ang pambansang taga-aliw sa mga Pinoy kahit sa gitna ng problema’t krisis? Ano nga ba ito na patuloy na kinababaliwan ng bata’t matanda? Ano ang karisma nito?

Philippine Basketball Association o PBA. Ito na nga ang hanggang sa ngayo’y naging tagapag-aliw sa mga basketball fanatics.

Sa simula’y naging palaisipan sa akin kung ano nga ba ito. Hanggang isang araw noong 7 seven years old pa ‘lang ako ay namalayan kong isa na rin ako sa kanila. Excited kapag may laro ang team ko.

Wala akong pinalalampas na game ng koponan ko. Lagi na rin akong nakasubaybay sa bawat laban.

Naaalaala ko pa na minamadali ko noon sina Daddy at Mama sa paguwi ng bahay kasi gusto ko masaksihan ang laro ng paborito kong team. Pilit ko iyong itinago sa mga parents ko kasi masisira daw ang pag-aaral ko. Kaya naman lagi akong nagkukulong sa kuwarto sa panonood. Solong-solo ko ang paborito kong team. Ako ‘lang at sila.

Tahimik akong naiyak pag natatalo sila. At tahimik din akong sumisigaw kapag nanalo sila. Minsan nga ‘di ko napagilan ang napatili nang sa last second ay maka-shoot ang paborito kong player. Nang katukin ng Mama ko ang pinto ng kuwarto ko at tanungin kung anung nangyari, naisigaw ko na ‘lang na naipit ang daliri ko sa kama.

Si Richie Ticzon ang una kong naging idolo. Nung hindi na siya naglaro sa Shell, ang akin namang naging pangalawang inidolo ay si Alvin Patrimonio, kasi sa kanya ko nakita ang isang puso ng kapitan upang laging manalo ang kanilang team sa bawat laro. Nagretiro na siya, pero hindi naman nagretiro ang paghanga ko sa kanya.

Ngayon, 18 years old na ako, Brgy. Ginebra Gin Kings ang aking pinakapaborito sa lahat ng team sa PBA. Lagi kong sinusubaybayan ang numero uno sa puso ng mga tagahanga na tandem nina Jayjay “The Fast” Helterbrand and Mark “The Furious” Caguioa at Rommel “The General” Adducul. Hanggang ngayon ay Gin Kings fan ako. Lahat ng tanong nagkaroon ng kasagutan.

Sa pagdaan ng panahon, naramdaman ko na hindi na lamang ako nakukuntento sa panonood sa kanila. Nais kong maging bahagi ng PBA. Nandoon ang usbong ng damdamin na nais kong iparating sa kanila ang aking paghanga sa kanilang lahat.

Kaiba ang aking nararamdaman kapag nakikita ko ang mga fans ay tuwang-tuwa, lumulundag, sumasayaw at sumisigaw habang nanonood ng games. Naisip ko ‘lang, sa hirap ng buhay ngayon ng mga Pilipino na tila nga ba wala na itong katapusan ay nakakatuwang panoorin na nakakapagsaya pa sila ng ganito dahilan sa PBA. Kahit man lang saglit ay nakakalimutan nila ang lahat-lahat at tutok ang mga mata sa bawat galaw ng mga PBA players sa hardcourt. Para bang sa pagkakatitig na iyon ay ayaw na nilang matapos ang labanan. Isa ngang pambansang taga-aliw at tagapagpalimot ng suliranin ang PBA.

Ito ang nagtulak sa akin na gumawa ng isang tula na inedit ng aking dating teacher sa Holy Infant Jesus Montessori sa San Pablo City at matalik na kaibigan na si Sir Chrisan Gutierrez. Ang aking naging problema’y paano ko ito mapapadala sa PBA? Hindi ko alam ang address. Kanino ko ipapadala?

Mahilig akong mag-internet. Isang araw nagulat ako sa message na natanggap ko mula sa executive secretary ni commissioner Noli Eala na si Tita Coy Montemayor at nakikipagkaibigan sa akin. Hindi ko mailarawan ang aking kaligayahan. Bakit parang isinugo siya sa akin ng kapalaran?

Ipinadala ko sa kanya ang aking tula. Sumagot siya sa akin at sinabing maganda daw at impressing ang message, pero mas maganda daw ito kung malalagyan ng melodiya at gawing isang kanta.

Naku, wala naman akong alam sa pagcompose ng kanta, kaya humingi ako ng tulong kay Tricel Tiquis, anak ng isa ko pang dating teacher na si Teacher Mavic. Nilapatan niya ito ng melody at inawit at tsaka ko ipinadala sa PBA.

Nagkaroon ng konting revisions at ginawa ang ilang mga suggestions. Ipinakanta ko ito sa aking kaibigan na si Mark Jason Tan. Nilapatan at inarranged naman nina Mark Banayo at Ronald (key boardist ng Layg-Laya).

Nagustuhan ito ng mga taga-PBA at ipinarinig sa kanilang mga fans noong March 4, 2006 sa Gerry’s Grill, Libis Branch sa Quezon City.

At dahil nagustuhan iyon ng mga PBA fans, formal na inilunsad ang awiting aking ginawa noong March 8, 2006 sa Big Dome, Araneta Colesium sa half time break ng game.

This is really a dream come true, sinabi ko sa aking sarili. At last, ang pinaghirapan ko for six months ay nagkabunga din.

Sa paghahatiran namin ng mensahe thru e-mail ay naging close kami ng PBA staff. And one time, Tita Coy told me that I am the youngest member of PBA family. Ang sarap pakinggan. Imagine from a mere fan, ngayon kapamilya na ako ng PBA.

I never stop dreaming. This time, ang dream ko ay makatulong sa ating mga kabataang taga-San Pablo na maging PBA player someday. Kung papano ko ito sisimulan at gagawin, ewan ko. Pero ang salalayan ko’y bukod sa hilig at galing nila sa paglalaro, dapat ding magaling silang mag-aaral. Dapat masunurin sila sa kanilang parent. Walang bisyo. At may pagmamahal sa Panginoong Diyos. At kapag nangyari iyon, I will consider this a great accomplishment na katuparan ng isang pangarap ng PBA fan and future Pablo’y PBA player.

Maraming bagay ang napatunayan ko sa aking sarili. Kapag ginusto mo ang isang bagay, paghihirapan mo itong abutin. Gawin mo lahat ng ito at ialay sa Panginoong Lumikha… sabayan ng paghingi ng Kanyang tulong at gabay at tiyak magtatagumpay ka…

PBA Song

Pinasikat na liga noon at ngayon

Kasama pa rin lumipas man ang panahon

Tatlong beses isang lingo, kita-kita tayo

‘San man magpunta laging dinarayo

Sa TV man, sa Araneta, o kahit sa Cuneta

Hinihintay gusto nakikita

Sa pagsigaw, sabay-sabay sa palakpak walang humpay

Chorus:

San Miguel, Air 21 express, Alaska

Purefoods, Coca Cola at Sta. Lucia

Redbull, Talk & Text at Barangay Ginebra

Silang lahat sa puso ay nag-iisa

Tahanan ng superstars, PBA walang duda

Hardcourt heroes and idols mga astig sila

Inspirasyon ‘yan kayo bata at matatanda

Salamat PBA sa dulot ‘nyong ligaya

(Chorus): Mahal naming PBA

Let’s go! Watch na tayo!

Laban na kung laban!

(Chorus): Mahal naming PBA



Silip sa Likod ng Balita

Kursong Nursing, niraraket? Part 3


(Ipinarating kay Dodie C. Banzuela, Abril 8, 2006)
“PROHIBITING HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS (HEIs) FROM FORCING THEIR GRADUATES AND GRADUATING STUDENTS TO ENROLL IN THEIR OWN REVIEW CENTERS AND/OR REVIEW CENTERS OF THEIR PREFERENCE.”

Ito ang titulo ng Memorandum Order No. 13, series 2006 mula sa Commission on Higher Education (CHED) na may petsang March 15, 2006 at lagda ni Chairman Carlito Puno na natanggap ng DERETSO noong April 3 mula sa isang concerned parent na may anak na nakapagtapos ng kursong nursing.

Kasunod nito, lumabas iyon sa isang broadsheet bilang isang paid advertisement at naiulat din sa TV Patrol ng ABS-CBN ang hinggil sa nasabing kautusan ng CHED.

Ayon sa mga taga-CHED, bunsod aniya ang paglalabas na iyon ng kautusan sa mga natanggap nilang reklamo mula naman sa mga concerned parent sa iba’t ibang panig ng bansa na may mga anak nga na kumukuha ng kursong nursing.

Kung nataon man ang pagputok na iyon ng balita sa national media, nakatulong naman ng malaki iyon sa ginawang pagtalakay ng DERETSO sa lokal na usapin patungkol sa nasabing kurso.

Ayon pa sa CHED Memorandum Order No. 13:

“That following prohibitions shall be strictly implemented to all public and private Higher Education Institutions (HEIs):

“1. Forcing their graduates and graduating students to enroll in their own review centers and/or in review centers of their preference;

“2. Charging exorbitant review fees; and

“3. Withholding of grades and other school records of students and graduates who cannot enroll in these review centers.”

Ayon pa sa ibinigay na impormasyon ng nasabing concerned parent, ang breakdown ng P 37,000.00 na halaga ng pagre-review ay: P 28,000.00 sa board & lodging (Ambassador Hotel for 60 days); Garden Plaza Hotel for 3 meals except Saturdays & Sundays and cost of transportation; P 8,500.00 Kaplan review fee; and P500.00 as incidental fee (na siya naman diumanong napapapunta sa kasamang clinical instructor).

Sa nakaraang dalawang magkasunod na linggo, hindi namin tinukoy kung anong eskwelahan ng kursong nursing ang sa paniniwala ng mga concerned parent ay “nangraraket” sa kanilang mga anak.

Pagkakaroon ng transparency sa mga babayarin sa pagpapaaral ang siyang naging salalayan ng DERETSO sa pagtalakay ng nasabing isyu, na nagkataon namang tila nga mas matindi ang raket sa kursong iyon na ang posibleng dahilan ng mga nangraraket ay “dolyares naman ang susuwelduhin ‘nyo pag naging nurse na kayo.”

Nalathala sa pahina ng DERETSO noong June 11 - 17, 2005 ang hinggil sa isang artikulong mula sa internet na sinulat naman ni Mr. Jaeyoun Kim isang mag-aaral sa Pilipinas mula sa South Korea.

Sa paiwarang na English, na en toto namang inilathala ng DERETSO’y, nasabi ni Jaeyoun Kim na pagmamahal sa kanilang bansa ang naging dahilan ng kanyang mga kababayan kung bakit nangibang bansa ang mga iyon matapos ang Korean war, na mismong inatig pa ng kanilang pangulo noon na si President Park.

Ayon sa essay ni Jaeyoun Kim:

Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism. Koreans did not work just for themselves but also for their neighbors and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism.

President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build factory. They had to go through a horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried when they saw President Park. They asked him, ‘Mr. President, when can we be well-off?’ That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well-off if everyone works hard for Korea. The President of Germany got a strong impression on them and lent money to Korea. So, President Park was able to build many factories in Korea.

“He always asked Koreans to love their country from the heart. Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developed our country because they wanted our country to be well-off.

“Though they received very small salary, they did their best for Korea because they always hoped that their children would live in a well-off country such as South Korea.

“Koreans have a great love for their country so that we were able to share our wealth with our neighbors. The owners of factories and companies distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their children.

“Please love your neighbors and country. Jesus Christ said that whatever we do to others we do unto Him.

“In the Philippines, there is God for people who are abused and abandoned. There is God who gives love. If you have a child, teach them how to love the Philippines. Teach them why they have to love their neighbors and country.

“God will be very happy if you love others.

“Now I will ask you: Is the Philippines worth crying for...?

“Who will shed tears for your country?

“Who will lend a hand to lift her spirit… to hold the lonely Flag that symbolize her name?”

Ngayon, halos lahat na ng aplliances ay nagagawa na ng South Korea. At nakakagawa na rin sila ng sariling sasakyan, sa kabila na wala naman silang gasinong natural resources.

Hindi lamang mayaman ang bansa natin sa mga natural resources, mayaman din tayo sa mga white & blue collar job employee. At marami din tayong mga inbentor at scientist.

Pero, bakit hanggang ngayo’y patuloy na dumarami ang mahihirap na Pinoy sa kabila ng pagkakaroon natin ng poverty alleviation committee sa Kongreso? Bakit hanggang ngayo’y lubog pa rin sa utang ang ating bansa sa kabila ng pagpapatupad ng kung anu-anong buwis? Bakit sa dami ng OFW ay ganoon din kadami ang nawawasak na pamilya ng mga OFW gayong kinakaltasan naman ang mga ito ng butaw ng mga taga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)? Bakit kung hindi pa sila napatay sa ibang bansa’y hindi pa nila makukuha ang kailangang biyaya? Bakit sa kabila ng pagkakaroon ng batas hinggil sa iligal recruiter ay marami pa rin ang hanggang ngayo’y nabibiktima ng panloloko na ang nanloloko pa’y kapuwa Pinoy?

Noong isang taon ay nabalita na halos kalahati ng mga nurses at doctor sa provincial hospital sa Santa Cruz, Laguna ay mga nag-abroad, dahilan upang ipasara ang isang gusali ng nasabing pagamutan. Pagmamahal kaya iyon sa ating lalawigan o kailangan lamang talagang maisalba ang kani-kanilang pamilya sa kagutuman at ‘di pantay na pagkakataong mabuhay ng disente dito sa ating bansa?

Pagmamahal sa kanilang bayan ang naging battle cry ng mga taga-South Korea nang magtungo at magpaalipin ang mga iyon sa ibang bansa.

Pagkahulagpos sa tanikala ng kahirapan ang siya namang hanggang ngayo’y pangunahing dahilan ng mga kababayan natin sa pagtungo sa ibang bansa.

Nakakalungkot nga lamang isipin na tila naman nagiging kultura na sa ilang antas ng lipunan ng mga Pinoy ang panglalamang at pangraraket sa kanyang kapuwa Pinoy.

Bakit nga hindi’y, mantakin ninyong kursong nursing pa lamang ay niraraket na ng mismong ilang nagpapatakbo ng nursing course sa isang paaralan? In short, mismong kabataang Pinoy niraraket ng ilang nagpapatakbo ng paaralan!?

Naisulat na rin minsan sa pahina ng DERETSO ang hinaing ng mga nursing student sa mga tricycle driver na naniningil sa kanila ng singkwenta pesos mula sa main building ng kanilang paaralan patungo sa pagamutan. “Dolyares naman ang kikitain ‘nyo pag nakagraduate kayo!” Ito diumano ang pasinghal na tugon ng ilang mga magta-tricycle kapag nagrereklamo ang mga nursing student sa paniniwala nilang pagsasamantala ng mga magta-tricycle.

Aling sektor pa nga ba ng ating lipunan ang mangraraket sa ating mga nursing student and graduates?

Sa Part 1 & 2 ng artikulong, Kursong nursing, niraraket? ay naipakita natin kung papaano ang mismong ilang opisyales ng nursing department sa isang paaralan ay raketin ang mga mag-aaral. At sa pagkakataong ito’y mapapagtanto natin na kung hindi pa direktang nakialam ang CHED ay patuloy na raraketin ang pagrereview ng mga nursing graduates.

Sabi nga ng Koreanong si Jaeyoun Kim: “Walang magmamahal sa Pilipinas kung hindi ang mga Pilipino din.”

Muli, nais naming ibahagi ang ilang mga text messages na natanggap namin matapos na lumabas sa national media ang hinggil sa kautusan ng CHED. At muli, hiniling ng mga nagpadala ng mensahe na huwag ng banggitin ang kanilang cellphone numbers.

“April 1 ‘lang daw po nila natanggap ang CHED Memorandum Order kaya next school year na ‘lang daw nila ipapatupad ‘yun. Hindi na daw maaaring mag-back out kasi nakapagpareserba na ang school sa review center at sa hotel. Ito po ang sinabi sa amin ni dean kahapon.” (April 6, 2006 / 11:23:18)

“Puwede na daw po mag back out dun sa review center ng school kaya ‘lang ang tanong bakit ngayon ‘lang nila sinabi na kaiba sa nauna nilang statement noong April 5 na hindi na puwedeng mag-back out kasi nakapag-reserba na sila sa review center at hotel. Gahol na sa oras at matagal pa bago ma-refund pera namin. Saan kami kukuha ng pera ‘e nasa kanila na nga ang pera namin?” (April 7, 2006 / 10:51:35)

“April 16 simula na ng review. Gahol na kami sa oras sa paghahanap ng bahay sa Maynila at wala na nga magagamit na pera kasi naibayad na namin sa kanila. I-expect na daw namin na ‘di marerefund ang pera before the holy week. Minadali nila kaming magbayad, pero ngayong binabawi na namin ang pera namin ‘e pinahihirapan na nila kami? Eskwelahan nga ba ‘yan o talagang yungib ng mga ganid?” (April 7, 206 / 11:12:17)

“Mga 180 ang gumaradweyt, pero hindi na po ‘yun lahat makakapag-review sa offer ng school. Nagkanya-kanya na po halos lahat kasi mas marami pa ang bumabagsak doon. Ibig sabihin, halos walang nakaka-take one sa review center na ‘yon. Kaming mga bayad na, walang choice. ‘Un ngang halagang P1,700 ‘e inabot po ng isang buwan at isang linggo bago nairefund sa amin. Sa bangko pa namin kinuha ‘yun. E ‘yun pa kayang halagang P37,000.00?” (April 7, 2006 / 11:24:31)

“Wala kasing student organization sa nursing department kasi mahigpit na ipinagbabawal ng eskuwelahan kaya’t naaabuso ng ilang namamahala ng nasabing kurso ang mga nursing student. Kung hindi pa may pailan-ilang mag-aaral ang nagrek-lamo’y baka lalala pa ang pangraraket ng school. Ang problema namin ngayon ay hinahanap na ng mga bataan ni Dean kung sino daw ang nanghu-Hudas na nursing student. Hudas pa bang matata-wag ang nagsasabi lamang ng katotohanan?” (April 7, 2006 / 12:38:41)

“Iniisip ko po, mas mabuti pa siguro na ang magtatag ng isang organisasyon na siyang magiging tinig namin sa paaralan ay ang aming mismong mga magulang sapagkat sila naman po ang unang tinatamaan ng pangraraket. Malimit po kasi kaming pagbintangan ng aming mga magulang na nangungupit sa kanila kapag linggu-linggo na lamang ay nahingi kami ng 100 o 200 pesos para ipambayad sa kung anu-anong singilin ng mga CI. (April 7, 2006 / 13:16:28)



Pamilya Quinto, nagsampa na ng reklamo vs. Drs. Abril & Jamias

(Ulat pananaw nina Iring D. Maranan at Dodie C. Banzuela, Abril 1, 2006) San Pablo City – RECKLESS Imprudence Resulting to Homicide. Ito ang reklamong isinampa ni Angelina A. Quinto, 55-taong gulang, residente ng Brgy. San Benito, Alaminos, Laguna at biyuda ni Antonio, ang pasyenteng namatay sa Community Hospital noong March 15, 2006, laban naman kina Doctors Dennis Abril at Martin Jamias.

Matatandaan na napaulat sa DERETSO noong nakaraang edition na namatay nga si Antonio sa Community Hospital matapos namang maoperahan ito doon ni Abril.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Angelina sa himpilan ng pulisya sa lungsod na ito noong March 26 kay PO1 Heather Marie de los Santos Ponce de Leon, sinabi nito na unang na-confined sa San Pablo Medical Center noong January 23, 2006 ang kanyang asawang si Antonio “dahilan sa laging hinahapo.”

Sina Abril at Jamias diumano ang siyang tumingin sa kanyang asawa at na-confine ito sa nasabing pagamutan ng limang araw. At matapos aniya ang 5 araw at makabitan ng tubo sa tagiliran ng katawan ang kanyang asawa ay pinayagan na silang lumabas ng nasabing ospital.

Habang nasa bahay na sila aniya ay nakita niyang maayos naman ang lagay ng kanyang asawa. Subalit makalipas ang tatlong linggo’y “muli na namang hinapo” si Antonio kaya’t muli niyang dinala sa “clinic ni Dr. Abril subalit hindi na sa Medical Center kungdi sa Community Hospital.”

Sinabi diumano sa kanya ni Abril “na magsasagawa ng x-ray upang malaman kung ano ang pinagmumulan ng pagkahapo” ng kanyang asawa. Nang “lumabas na ang resulta ng x-ray ay sinabi” diumano sa kanya ni Abril na “pipihitin ang tubo na nakakabit sa baga para maalis ang hangin kaya’t dinala sa emergency room.” At makaraan nito’y umuwi na sila sa kanilang bahay.

“Habang nasa bahay,” napansin diumano ni Angelina “na malimit na ang pagkahapo” ni Antonio kaya’t minabuti nilang muli itong ibalik sa Community Hospital. Dumeretso na aniya sila sa emergency room.

Agad ipinaabot ni Angelina kay Jamias ang kalagayan ng kanyang asawa. Sinabi diumano ni Jamias na “muling isailalim sa x-ray” ang kanyang asawa “upang malaman ang pinagmumulan ng hapo.”

Matapos mabasa diumano ni Jamias ang resulta ng x-ray, “nagmungkahi ito na tatangalin at ililipat, subalit babaguhin ang pwesto ng tubo na nakakabit” sa kanyang asawa. Diumano’y si Abril ang gumanap ng nasabing pagpapalit ng tubo.

Ayon pa sa Salaysay, nakita ni Angelina ang ginawa ni Abril na pagpapalit ng tubo. Matapos ang pagpapalit ng tubo at bago ganap na makaalis sina Abril at Jamias, nagreseta pa diumano si Jamias ng gamot na maaaring inumin ni Antonio.

Nang makuha na ni Angelina ang kaukulang bill na babayaran sa ospital, umalis ito upang maghanap ng pera. Iniwan niya sa emergency room ang kanyang anak na si Alma Quinto-Redemano na siya namang nagbantay kay Antonio.

Nang makabalik na sa nasabing ospital si Angelina, sinabi nito sa kanyang asawa at anak na “maggayak na para makauwi.” Sinabi diumano sa kanya ni Antonio na “masakit ‘yong kinabit sa kanya at siya ay giniginaw.”

Napansin ni Angelina na “ang lumalabas sa tubo ay dugo sa halip na tubig at hangin. Na sa pagkakataong iyon ay marami na ang mga nurse sa loob ng emergency room gayun din ang isang doctor na sa tingin” niya’y “naka-duty ‘lang.” Nakita din diumano niya na “may tinatawagan at tinetext ‘yung nurse at doktora.” Hindi lamang masabi ni Angelina kung sino ang tinatawagan ng nasabing mga nurse at doktora.

Sinabihan na siya ng doktora na “kailangan ilipat na sa intensive care unit” si Antonio “dahil malubha” na ito at “bawal” na diumano “magtagal sa emergency room.”

Nadala na sa “isang silid” ang kanyang asawa at nakita niya na may “oxygen na ito at nebulizer” at “nakita” din niya “na pahina ng pahina” si Antonio “hanggang sa mawalan na ito ng blood pressure.”

“Kritikal na ang lagay”, ito diumano ang isinagot sa kanya ng doktora nang tanungin niya hinggil sa kalagayan ng kanyang asawa.

Mga bandang 11:15 ng gabi ng March 15 ay namatay si Antonio.

Sa buong panahon ng critical period ni Antonio ay hindi diumano nakita ni Angelina sina Abril at Jamias.

Sa payak na paniniwala ni Angelina, ang naging sanhi ng kamatayan ng kanyang asawa ay dahilan na rin sa “maling pagkakasaksak ng tubo” sa kanyang asawa, “na sa halip na tubig at hangin ang lumabas ay dugo.”

Nirerespeto ng DERETSO ang naunang pahayag nina Jamias at Abril na “pinayuhan” sila ng kanilang abogado na huwag ng magpahayag ng kanilang panig sa media lalo na ngayon at may pormal ng nakasampang reklamo sa city fiscal’s office.

Lubos na naniniwala ang DERETSO na ginawang lahat nina Jamias, partikular ni Abril, ang kanilang magagawa upang maibsan ang dinaranas na sakit ni Antonio.

Subalit ang mahalagang dapat pa ring malaman ay sa critical hour ni Antonio, sino nga ba ang mas dapat na kagyat na tumugon dito?

Nang ilipat ni Abril ang tubo, tama kaya ang naging proseso? Kung tama, bakit sa halip na “tubig at hangin” ay “dugo ang lumabas sa tubo”?

Wala pang batas ng medical malpractice sa bansa, subalit may kaukulang batas naman sa kapabayaan na nagresulta nga sa kamatayan.

Ipinahayag sa DERETSO noong nakaraang edition ni Dr. Aristeo Alvero, medical director ng Community Hospital na hindi pa siya makakapagsagawa ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa nangyari hangga’t walang pormal na reklamo siyang natatangap mula sa pamilya ni Antonio.

Ang nangyari kay Antonio ay isa lamang sa mga insidente ng posibleng kapabayaan ng isang doctor.

Halos sampung taon na ang nakaraan, isang sanggol ang halos wala pang isang minutong nabuhay matapos na dumaan sa ceasarian operation ang kanyang ina.

Narinig pa ng ina ang biglang “pagiyak ng kanyang sanggol” kasunod noo’y ang paimpit na sigaw ng “putang ina!” ng nag-operang doctor.

Official na tala ng pagkamatay ng sanggol ay diumano’y conginetal bullshit! Ayon sa medical director ng pagamutan (hindi ng nag-opera): “Mabuti na nga at namatay ang bata kasi sa paglaki noo’y lalaki din ang ulo.” Tinanong pa ng nasabing medical director ang isa sa kaanak ng bata kung may history sila ng “pagkabaliw”.

Mariin ang bilin ng hospital staff na agad ilibing ang bata at huwag ng bihisan sapagkat “baka makahawa pa ang sakit na taglay”.

Sinunod naman iyon ng ama ng sanggol sa kabila ng kagustuhan ng isang kaanak na mabihisan ito at ng matingnan din kung ano nga ba ang pisikal na kalagayan ng sanggol.

Baka nga tama ang hinala ng kaanak na posibleng tumagos sa likod ng bata ang pagkakahiwa ng doctor sa tiyan ng ina… na baka kaya nangyari iyon ay dahilan sa nababalutan pa ng ispiritu ng alak ang katawan ng nagoperang doktor.

Ibinaon na lamang sa limot ng mga magulang ng sanggol ang insidenteng iyon sa kanilang panganay. Katwira’y puwede pang gumawa ng panibagong bata.

Noong mauso ang SARS, dahilan sa pagkakaroon ng Chinese na apelyido’y namatay ng hindi man lamang nalapatan ng kaukulang lunas ang isang batang ama ng nagiisa niyang anak at bata pa ring maybahay sa isang pagamutan sa lungsod.

“Sumpa man! Peks man! Hindi po ako kaylanman sa tanang buhay ko na lumabas ng Pilipinas. Ni wala nga po akong passport kahit magtanong kayo sa DFA,” humigit kumulang mga tugon ng batang namatay nga dahil napagbintangang may SARS, sa sunod-sunod na tanong sa kanya ng hospital staff kung “nagpunta ng Hongkong at mainland China, kailan, sino pang kasama.”

Tuminding sakit ng ulo at tiyan ang naging dahilan kung bakit nakumbinsi ng kanyang batang asawa na magpa-ospital ito. Inakalang sa pagdadalhang ospital ay malulunasan ang kanyang sakit na naramdama’y lalo pa iyong tumindi nang pandirihan nga siya ng mga hospital staff sa paniniwalang ang sakit nga niya’y SARS. Kumalat pa sa pamilihang lungsod na diumano nga’y may pasyenteng may sakit sa SARS ang pagamutan. Kung sino ang nagkalat ng malisyosong balitang iyon ay nakakatiyak, hindi ang DERETSO.

Nang dalhin ang pasyente sa Alabang na pagamutan ng mga di-pangkaraniwang sakit ay nagalit pa ang mga doctor doon at humigit kumulang ay sinabing: “Ganoon ba katatanga ang mga doctor sa San Pablo? Dahilan lamang sa apelyidong Instik ay aakalaing ang sakit nito ay SARS?”

At nagdesisyon ang pamilya na ilibing na rin lamang sa limot ang pagkamatay na iyon ng kanilang kaanak.

Masalimuot ang paghahanap sa katotohanan. “Namemera ‘lang ang pamilya ng namatayan kaya ganyan!” Pangkaraniwang maririnig sa mga hindi nakakadama sa damdamin ng mahihirap na namatayan kapag naghahanap na ang mga ito ng tamang kasagutan.

“Sa gagawin ninyong pagbabalita, mauubos ang mga doktor sa Pilipinas!” Ito ang malungkot na sinabi ni Dr. Abril sa unang panayam sa kanya ng DERETSO at ni Sol Aragones ng ABS-CBN.

Talagang mauubos ang mga doctor sa Pilipinas dahil sa kapabayaan… kapabayaan ng pamahalaan na tugunan ang kahirapan at ang pagkakaroon ng tamang oportunidad na kumita ng maayos ang hanay ng mga professional doctor, nurses, engineer, architect, bla, bla, bla.

Ano pa rin ang bottomline?

Kung kaya ng tao na lusutan ang batas na kanyang nilikha dito sa mundo, ang nakakatiyak, wala siyang lusot sa batas ng Panginoong Diyos.