Mga kaanuhan ng ilang hepe sa kapitolyo ng San Pablo
Pananaw ni Dodie C. Banzuela (
Napapabigay nga ba sa mga totoong indigent ang may sampung libong pisong monthly indigent fund ng (CSWD), o nauubos nga lamang ito sa Bingo Pinoy?
Hindi nakarating kay Mayor Vicente Amante ang isang letter complaint laban kay Grace Adap na ipinadala naman ng isang concerned citizen. Hinarang ang nasabing sulat ng isang Norie Guilatco, isa sa mga bataan ni Amante.
Ibinigay ni Norie Guilatco ang nasabing sulat kay Grace.
Galit na galit na hinarap at sinapak ni ALWIN ADAP si ROLLY CABRERA, lehitimong hepe ng CSWD na itinapon ni Amante sa palengke. Sinapak ni Alwin Adap si Rolly Cabrera dahil pinagbintangan nito (Alwin Adap) si Rolly Cabrera na siyang nagpadala ng nasabing anonymous letter.
Isang casual employee si Alwin Adap na naka-assign sa office of the market superintendent at asawa ni Grace Adap.
Anu naman kaya ang konkretong ginawa ni Ms FE ABRIL, market superintendent, sa insidenteng iyon ng pananapak ni Alwin Adap, na isa nga lamang casual employee, kay Rolly Cabrera, na isa namang regular employee?
Bakit nade-dealy ang suweldo ng mga Day Care Workers? Pati ba iyon ay nauubos din ni Grace Adap sa Bingo Pinoy?
Nasusunod ba ang tamang nakalista sa daily menu ng pagkain ng mga biktima ng kung anu-anong karahasan na nasa safe house ngayon ng CSWD? O mas nasusunod ang daily menu ni Grace na pangmiryenda sa consistent nitong pagdalo sa Bingo Pinoy?
Bukod sa tagapaghatid ng anak ni Grace Adap, anu pa ang partikular na gawain ng isang casual sa CSWD?
Bakit nag-aaktong administrative officer at hepe ng CSWD ang isang Teody, na taga Brgy.
ANGELITA M. BELEN, city treasurer ng San Pablo, ikot daw ang puwit sa paghahanap ng may kalahating milyong piso para daw sa ipinagagawa nitong isang resort sa may boundary ng Brgy. Sta. Monica at Brgy. Veronica?
I-lifestyle check si LETA BELEN, ito ang patuloy na kumakalat na text messages sa
Sanhi nga kaya ang resort na iyon kung bakit nadedelay naman ang pasuweldo sa mga regular employee? Iyon din kaya ang dahilan kung bakit LAGI NA LAMANG DELAY ANG SUWELDO NG MGA CASUAL SA KAPITOLYO?
Maisalba nga kaya sa langit si Leta Belen sa pagsusuot nito nang minsan isang linggo ng kulay maroon na damit? At nakalusot na nga kaya ito upang maging full pledge member ng mga nakadamit na kulay maroon?
Ano mang kulay ng damit ang isuot o anumang simbahan ang dasalan ng isang public official ay ‘di makakaligtas sa mapanuring mata ng masa, lalo na’t kung ang public official na iyon ay tila nga wala ng Ngginigg sa paggawa ng kurakot.
“BASTA’T MGA BATA KO, OK ‘LANG MANGURAKOT!” Ito diumano ang tinuran ni mayor VICENTE AMANTE hinggil sa nagaganap na kurakutan sa ilang city government offices ng
Patunay daw nito ay hindi na sinusunod ang mga kaukulang bidding process sa procurement. “Basta’t bata natin, palusutin na lamang ninyo ang papel ng mga iyon,” hirit pa daw ni Amante.
Pati daw mga barangay projects, na gagastusan naman ng mismong barangay fund, ay kopo ng isang hepe at bata ni Amante ang “bidding” kuno nito. Sino ang hepe na iyon? Ahh, ito daw ‘yung nakatulong kay Amante sa panahon ng Matic incident.
4 Comments:
Tangna talaga sina biteng! totoo yang si grace adap laging nasa binguhan. at yang city treas kala mo kung sinong banal yun pala duhapak din. talagang kung ano ang ginagawa ng pinuno, yun din ginagawa ng mga sipsep na lieutenat. Sana may totoong oposisyon namagbibigay ng alternatibo sa mga taga san pablo. iba na talaga ngayon si biteng.kung noon ay namimigay siya ng pera, binabawi na niya ngayon ang mga ipinamigay niya. so? magdusa tao hangga't 'di siya nakukulong!!!
Totoo lahat ang tungkol kay grace Adap, bakit ang lahat ng ito ay nakakalusot kay Mayor Amante, Pila ang bumabalik sa opisina ng DSWD para manghingi ng financial Asst. (AICS) kung tawagin sa opisina ng DWSD pero ang tao sa information desk ang sinasagot walang pondo, asan ang pera? Asan ang 30,000 na pera para sa mga nangangailangan (indigent) bakit palaging nagtuturuan ang mga staff, nakay Grace Adap daw ubos na ba bago mag-undras pa lang?
Ano ba naman Mayor Amante Kahit ba gumagawa ng kabalastugan ayos na sayo basta bata mo?! Bakit hinahayaan mo ang isang Sir teody Ceria ng DSWD na isang driver lamang sa Eng.Office na gumawa ng kapalpakan pati pangalan mo ay dinudungisan, kaya pala nakakautang sa mga 5/6 basta pangalan mo ayos agad sa utangan, may naging utang ka pala sa assosasyon ng mga Day Care? Mrs. Adap nakukusinti mo ito dahil kasali ka rin? Puwede na rin palang mag counter sign ang isang driver lang ask ko lang sayo to Grace Adap? Sir Teody ka dyan mag-isip-isip ka nga ng position mo?! Alam ba ng Human Resource ang pinaggagawa mo? Puwede ba Mayor ibalik mo na sa Mother unit nya yan at ng hindi nakakasira ng view!
Ewan ko lang kung natuloy na isali ng samahan ng mga babaeng carmelite si leta belen kahit na nga umuusok na sa kasalanan suot niyang brown na damit. hindi kaylanman mahuhugasan ang mga ginagawang pagnanakaw ni leta sa pondo ng bayan kahit na anung kulay ng damet ang isuot niya. Siya ang 5-6 queen sa kapitolyo kasosyo si biteng. kaya nga lagi na lamang delay ang suweldo ng mga casual at pagminsa'y pati sa regular employee.
Post a Comment
<< Home