Christmas bonus ng city government, mapapabigay pa ba?
(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, December 18, 2005,
Ito ang ilan sa mga text messages na natanggap ng DERETSO hinggil sa diumano’y hanggang ngayong pagkaka-delay ng Christmas bonus ng mga kawani ng kapitolyo ng lungsod na ito.
“Two months na kaming hindi nasuweldo,” pahabol na text message pa mula naman sa mga taga-Public Safety Assistance Force (PSAF).
Ayon pa sa text messages, “kasama sa 2005 city budget ang 4,500 pesos na Christmas bonus.” Nangangahulugan ito na talagang naka-budget na ang nasabing Christmas bonus.
Kamakailan naman ay nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbibigay ang pamahalaan ng 5,000 pisong Christmas bonus para sa lahat ng mga kawani ng national government.
Dama ng DERETSO ang pagngingitngit ng kalooban ng mga city government employee dahilan nga sa pagkabalam ng nasabing Christmas bonus lalo na’t hindi na nila nakikitang nagpapapasok sa trabaho si Sally Brion, cashier sa city treasurer’s office. Naka-assign kay Brion ang pagre-release ng mga babayarin ng lungsod sa mga local government employee.
Dagdag pa dito ang malimit aniyang pagka-delay ng kanilang regular na sahod at ang wala pa ring katapusang pagkakabalam ng sahod ng mga casual.
120 pesos per day, mula araw ng Lunes hanggang Biyernes ang sahod ng mga casual sa kapitolyo. Walang bayad ang mga araw ng Sabado at Linggo kahit na nga ang karamihan sa mga iyon, lalo na ang mga miyembro ng PSAF at magwawalis ay nagtatrabaho din sa mga nabanggit na araw.
Mahigit naman sa 250 pesos ang minimum wage ng mga government employee.
“Hindi na nga kami nagrereklamo sa 120 per day, ‘eh lagi pang delay ang suweldo namin, papaano na kami mabubuhay niyan,” ayon sa isang PSAF na nakapanayam ng DERETSO.
Hindi tuloy mapigilang isipin ng mga kawani ng kapitolyo na “ninenegosyo” ng ilang matataas na opisyales ng lokal na pamahalaan ang pondong pampasuweldo.
“Nagkalat ang mga nagpa-five-six kapag araw na ng suweldo,” ayon pa sa mga kawani. “Bayad-utang lamang ang aming suweldo, kung makakasuweldo, at panibagong utang na naman sa mga nagpa-five-six kapag hindi kami nakasuweldo,” himutok pa ng mga casual employee sa kapitolyo.
Dala na daw ang mga kawani ng local government kay Amante sa deklarasyong “bonus” sapagkat “hindi naman napabigay ang kanilang amelioration pay noong 1995” sa kabila na aprubado na iyon ng Konseho at may kaukulang budget na hinggil doon.
“Strategy ni Amante ang magpondo ng mga ganoong pabuya na para sa mga kawani, pero kapag nalingat kami ay ire-realigned iyon sa mga hindi nakaprogramang proyekto at doon iyon gagastusin,” ayon sa isang kawani ng kapitolyo.
Noong December 2004, agarang naaprubahan ng Konseho ang may 25.6 milyong pisong ipinambili sa untitled 3.05 ektaryang lupa sa may Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) sa Brgy.
Nitong November 2005, agaran ding inaprubahan ng Konseho ang may 20.3 milyong pisong ipinambili naman sa lupang pagtatapunan ng basura ng lungsod. Paunang tig-iisang milyong piso ang “ibabayad” o posibleng “nabayaran” na ng siyudad, sa nasabing lupa batay na rin sa kasunduan ni Amante at Lilim Cabrera, ang may-ari ng nasabing lupa. Babayaran ng mahigit na tig-aapat na milyong piso ang nasabing lupain sa January at May 2006.
Posibleng gawan ng paraan ni Amante na mapabigay ang Christmas bonus dahilan na rin sa naging deklarasyon ni GMA na Christmas bonus naman sa mga kawani ng national government. Pero puwede pa rin aniyang “lumusot” si Amante para hindi iyon mapabigay kapag inirason nito na “wala namang savings ang kapitolyo.”
“Yon nga ang masakit. Walang pondo para sa mga kawani pero may pondo naman para sa mga hindi nakaprogramang proyekto na milyun-milyong halaga. Sa madaling salita, may pondo para sa kurakot!,” himutok na sabi pa ng kawani.
May katwirang magngitngit ang mga kawani sapagkat hanggang ngayo’y nagtataka ang mga ito kung papaano nakapagpatayo ng isang multi-milyong pisong halaga ng resort si city treasurer Angelita Belen sa may boundary ng Brgy. Sta. Veronica at Sta. Monica. Hinihinala ng mga kawani na “ginagamit” ni Belen ang pondong nakalaan para sa mga kawani para nga sa pansariling interes nito.
Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y hindi pa rin direktang nakakakuha ng dokumento ang DERETSO hinggil naman sa financial status ng city government. Kalimitang palatak na sabi ng mga head of offices na may kinalalaman sa pananalapi ng lungsod ay: “Ihabla na lamang ninyo kami, mahilig naman kayong maghabla!”
Hindi pa rin natin maaalis sa mga kawani ng city government na talagang mawalan na ng tiwala sa mga nagiging pahayag hinggil sa “matatangap na bonus” o “cash gift” sapagkat simula’t sapul kapag dumating na nga ang oras ng pagtanggap ay hindi naman iyon nakakarating sa kanila… dahil napupunta na sa bulsa ng iilang mga matataas na opisyales ng city government.
1 Comments:
Tanga na talaga si biteng amante! pero di nag-iisa ang mga empleyado ng kapitolyo ng san pablo kasi pati si gloria pinako na rin 'yung 5 thou na pinagyabang niya. Ok, kung ganon dapat halos 10 thou matatanggap ng mga taga-kapitolyo kung di lang ninakaw ni bitenbg at nung city treas na si Leta Belen?
Ito na ang tamang panahon ng pagsisisi ng mga taga-san pablo sa pagpapabalik nila sa tinaguriang lawin... lawin pala sa pondo ng bayan.
I salute the young mayor of Sta. Rosa City Jun Catindig sa kanyang sinabi. Talagang tumbok na tumbok yun kina biteng.
Papaano nga taga-san pablo, kayo ga'y nagsisisi na? E dapat ipakita nyo yun sa 2007 kung magkakaeleksyon. O kaya itong pagpasok ng enero e sugurin na ninyo ang sandiganbayan para wag na nilang tanggapin ang anumang pangsuhol ni biteng sa kanyang kaso.
Post a Comment
<< Home