| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, December 06, 2005

Small Town Lottery kapalit ng Jueteng

Mainit na sinusuportahan ng LGUs sa Laguna at Quezon

Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, December 6, 2005) – Kung matatawag mang “the same dog with different collar” ay ito na nga ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) na nakatakdang ipalit sa jueteng ng Philippine Charity & Sweepstakes Office (PCSO).

Sa nakalap ng DERETSO na Kapasiyahan Bilang 2005-013 mula sa “Liga ng mga Bayan sa Pilipinas, Balangay ng Lalawigan ng Quezon”, na pinagtibay noong September 23, 2005 nina Candelaria Mayor David V. Emralino, Pangulo ng Balangay at Tiaong Mayor Raul S. Umali bilang siyang Kalihim ng Balangay, ay sinabi nila na:

“Sapagkat ang mga Punong Bayan sa Lalalawigan ng Quezon ay sumasang-ayon na napapanahon ang Small Town Lottery bilang panibagong gawaing pangkabuhayan na makakalagak din ng karagdagang pondo para sa mga Pamahalaang Lokal;

“Sapagkat, ang pondong magmumula sa operasyon ng Small Town Lottery ay makakatulong ng malaki upang higit pang mapag-ibayo ng mga Pamahalaang Lokal ang pagpapatupad ng mga lingkurang pambayan.

“Dahil dito, sa nagkakaisang mungkahi ng liga:

“Ipinasiya, gaya ng ngayon ay pinagpapasiyahan: Na ipahayon sa Tanggapan ng Swipstik ng Kawanggawa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Tagapangulo at Pangkalahatang Tagapangasiwa nito, ang Kgg. Rosario C. Uriarte, ang nagkakaisang pagtanggap ng Liga ng mga Bayan sa Pilipinas Balangay ng Quezon, sa nagkakaisang pagtanggap sa Small Town Lottery bilang alternatibo sa illegal na jueteng.”

Una ng sinubukang “ipalit” ang STL sa jueteng sa panahon ni dating pangulong Corazon Aquino matapos ang People Power 1986.

Tila sa unang pagpapatupad ng STL ay “pumalpak” kaagad sapagkat nagkanya-kanyang agawan sa pagpapatakbo nito – pulitiko, negosyante, at mismong mga jueteng operator. Kaya naman hanggang ngayo’y may hinahabol pang mahigit sa 800 milyong pisong diumano’y itinakbo ng unang namahala sa national operation ng STL.

At sa muling paginit ng usapin sa jueteng ay nakatakdang muling ipatupad ng PCSO ang STL upang anila pa’y “makabalik” na sa trabaho ang mga dating nawalan ng trabaho sa industriya ng jueteng. Subalit hanggang ngayo’y wala pa ring malinaw na guidelines na inilalabas ang PCSO.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng STL sa Jueteng?

Item Jueteng

STL (Batay pa lamang sa Unang pananaliksik ng DERETSO)

Dami ng numerong paglalabanan

1 – 37 1 – 38

Halaga ng tatamaan

PhP 8.00/centavo PhP 9.00/centavo

Gamit sa pagbola

Buliton na aalugin


sa bote

Katulad ng ginagamit sa Lotto

Listahan ng taya o lastilyas

Puwede kahit sa


palara o kaha ng


sigarilyo

Printed sa newsprint at kailangan ay 3 kopya na gagamitan ng carbon paper

Pag-claim ng tama

Pagkabola ibibigay


na ang tama
Within 24-oras

Pagkuha ng empleyado

Sariling diskarte


ng operator

May endorso mula sa lokal na pulitiko

Scope ng operation

Kahit saan

Ayon sa impormasyon pinagaaralan pa kung: By province or by congressional district

Main operator Kahit sino PCSO
# of sub-operator Kahit ilan

Isa bawat probinsiya or Congressional district

Ganansya ng pamahalaan

Wala

PhP 5M cash bond & PhP 2M cash deposit, at iba pang kaukulang buwis na ipapataw ng pamahalaan


Intelehensya

Regular: Mula Malakanyang Hanggang Barangay Tanod, Kasama na ang AFP & PNP; Media; Religious Sector; Charity Institutions


Irregular: namatayan, Fiesta, irthday, Public & Private Schools atbpng. nais mag-solicit

Wala

Gana ng kubrador


6% commission sa ; pamasahe; engreso bastagan; balato kapag may patama


7% commission sa Engreso

Proteksyon sa kawani

Sagot ng operator ang pampyansa kapag nahuli; anumang oras ay nakakabale; sagot din ng bangka ang upa sa boarding house, personal na gamit (sabon, toothpaste, etc.); pagkain; pang-goodtime


Wala ng huli; security of tenure
Paraan ng pagtaya Lalapitan ng kubrador ang tataya

Ganoon pa rin: Lalapitan ng kubrador ang tataya

Paraan ng pagkubra ng napanalunan

Dadalhin ng kubrador

Wala pang impormasyon ang Deretso



Ayon pa sa impormasyong nakalap ng DERETSO, dapat sana’y nakapagsimula na ang operasyon ng STL noon pang December 1, subalit dahilan nga sa kawalan pa rin ng guidelines na nagmumula sa PCSO ay hindi pa ito maipatupad.

Ayon pa sa source ng DERETSO, posibleng isa sa dahilan ng pagkabalam ay kung papaano nga ba ang sistema sa pagbibigay ng kapahintulutan ng PCSO sa magiging sub-operator nito. Considered na isang government owned and controlled corporations (GOCC) ang PCSO at sa ilalim ng batas hindi ito maaaring pumasok sa isang kontrata o kasunduan sa pagbibigay nga ng permit-to-operate.

Sa operasyon ng Lotto, tanging PCSO lamang ang siyang nag-ooperate nito. At iisa lamang ang kombinasyon ng tamang numero na pinagbabatayan.

Sa STL, na dapat nga’y pamalit sa Jueteng, na kung saan, independent sa bawat isa ang sinumang jueteng operator sa isang lugar, ay mas maraming kumbinasyon ang tatamaan.

Malaki rin aniya ang magagastos ng magiging sub-operator sapagkat siya ang magpapa-imprenta ng sulatan ng taya at siya din ang bibili (exclusive na mabibili lamang sa PCSO) ng gagamitin sa pagbola. Initially, magkakahalaga diumano ang nasabing gamit sa pagbola ng mahigit sa limampung libong piso.

Makakatiyak din aniya ang mananaya na magiging parehas ang labanan sapagkat ang gagamitin nga ay katulad ng ginagamit sa Lotto.

Ganap na nga kayang mawala na ang jueteng sa pagbubukas ng STL? Hindi naman kaya lalo lamang magpatuloy pa uli ang jueteng?

Bakit? Papaano kung ang makakuha ng “prangkisa” o pagiging “sub-operator” ay “amateur” at hindi ang dating operator ng jueteng?

Papaano halimbawa sa San Pablo? Papayag ba si Vener Amante na hindi siya ang maging “sub-operator” ng STL?

Papayag din kaya si Batangas Governor Arman Sanchez na hindi siya ang maging sub-operator ng STL? Ganoon din si Bong Pineda?

At dahil nga sa STL na ito at hindi jueteng, maganyak na nga kaya si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na maging sub-operator?

Ano naman kaya ang masasabi ni Bishop Oscar Cruz sa pagbubukas ng STL?

Kung bumalik na sa Pilipinas si Monsignor Jerry Bitoon mula sa pagtatago nito sa Vatican City, tanggapin na kaya nito ang “donasyon” mula sa STL?



2 Comments:

At 12:44 AM, Anonymous Anonymous said...

Mas dapat na gawin ng legal ang jueteng at hayaang mas madaming operator. The more the marrier: daming mabibigyan ng trabaho, dami pa ring pagpipilian ng tatayaan. Kapag govt na naman ang humawak nito, tyak nanakawn lang ng kung sino ang nakaupo sa malakanyang, bla, bla. Si Caroscoso yung gagong nagtangay ng mahigit sa 800 milyong pisong kita sa STL. Tamo 'yung tarantadong iyon naitakbo na ang dapat sana'y sa pamahalaan.
Manahimik na sana si bishop cruz sa kangangawa tungkol sa jueteng e ang simbahang katoliko bakit hindi nila ilantad magkano kinukurakot nila sa tao? O yung pastor ng mga born again na dumispalko ng abuloy, bla, bla, bla... tama na nga kayong magagaling kayong may moral daw...lahat tayo imoral na sa mata ng diyos kasi patuloy tayong nagpapatayan sa materyal na bagay.
Request lang sa Deretso, pakilaliman pa nga ang pagsusuri sa STL vs. jueteng. Pro-jueteng kasi ako!!!

 
At 2:25 AM, Anonymous Anonymous said...

I don't think papayagan ng malakanyang ang PCSO na ioperate ang STL kasi mawawalan sila ng gatasan, ang jueteng mismo. Pinalalamig lang nila ang isyu ng jueteng gawa ng tarantadong si bishop oscar cruz. Alam mo ba Ka Dodie Y nawala si Jerry Bitoon sa San Pablo at kuno'y nasa Vatican? Well, sige na nga kung nasa Vatican siya ngayon, pero ang punto Y umalis sa gitna ng laban ng mga taga-San Pablo? Para di tuluyang mabisto ang hinggil sa natanggap niyang pera mula sa jueteng at mga nakurakot niya sa ilang mayayamang tanga-san pablo, 'di ba mr. & mrs. ike & lerma prudente? o baka nga kasosyo kayo sa nakurakot ni bitoon? aminin!

 

Post a Comment

<< Home