| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, December 06, 2005

Pagkuha ng voter’s ID, may bayad na bente pesos

Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, December 6, 2005) – Inamin ng source ng DERETSO mula sa Comelec office ng San Pablo City na talagang sinisingilan nila ng bente pesos ang sinumang kukuha sa kanila ng Voter’s ID.

Ayon pa sa source, talagang walang bayad ang Voter’s ID, ang bente pesos na sinisingil nila ay para sa lamination ng nasabing ID.

Kailangan aniyang ilaminate nila ang Voter’s ID bago nila ito ibigay sa nangangailangan upang “hindi ma-tampered” ang nasabing ID.

Karanasan na nila aniya na “nababago” ang ilang mahahalagang impormasyong nakalagay doon kapag ibinibigay nila na hindi iyon nakalaminate.

Mahirap din aniyang ipagkatiwala sa kumukuha ang pagpapalaminate noon sa labas ng kanilang tanggapan.

Isa ang Voter’s ID sa mga official identification card na kinikilala sa anumang pagtatransaksyon, kaya naman, sinisigurado ng mga taga-Comelec office na hindi mababago ang anumang orihinal na impormasyong nakasaad doon.

Nag-ugat ang pagtatanong na iyon ng DERETSO sa taga-Comelec nang makatanggap kami ng text message mula sa isang hindi nagpakilalang tao. Hindi daw “nagbibigay ng resibo” ang mga taga-Comelec sa “paniningil” nga nila ng bente pesos. At hindi rin daw sinasabi ng mga taga-Comelec kung saan ang bente pesos na iyon.

Maaaring kung may nakapaskel na anunsyo sa labas ng tanggapan ng Comelec na nagsasabing: “Bente Pesos ang babayaran sa pagkuha ng Voter’s ID para sa lamination” ay baka nga walang matinding reklamo na ipararating sa DERETSO.

Sa tanong ng DERETSO na “napapapunta ba naman ang bente pesos sa kaban ng bayan?”

“Hindi,” sagot ng taga-Comelec.

Maaaring sa iba’y walang halaga ang bente pesos. Pero papaano ‘yung iba na nais mapapasok sa kaban ng bayan ang kahit isang pera nilang ambag sa pamahalaan?

Panawagan ng mga taga-Bureau of Internal Revenue: “Laging humingi ng kaukulang resibo.”

Kahit saang tingnang anggulo, kapag ang isang mamamayan ay nakipag-transak sa pamahalaan at hindi ito binigyan ng anumang resibo, iba na kaagad ang iisipin ng mamamayan sa pamahalaan.


1 Comments:

At 12:50 AM, Anonymous Anonymous said...

Ka Doddie hayaan na lamang natin ang lowly employee ng comelec na kumita ng konti kasi papasko naman. Sa kabilang banda, sa pagan-on gan-ong gimik ng mga taga-govt nagsisimula ang lahat--ng pangungupit sa pondo ng baan1 HoY!!! mga taga-comelec, magbigay nga naman kayo ng resibo nuh!? kahit na hindi opisyal, basta kahit isinulat sa napkin o diapher basta kailangan may katunayan na tumanggap kayo ng 20 pesos. Eh bakit nga ayaw ninyong magbigay? Natatakot kao? Kow, wag kayong matakot1 E kung si GMA nga at sina Biteng Amante ala ng takot sa pagnanakaw ng milyong milyong piso, e kayo naman 20 pesos lang.

 

Post a Comment

<< Home