14 Pinay OFW, biktima ng misteryosong pagkamatay sa ibang bansa – Migrante International
Ulat pananaw ni Iring D. Maranan (
Sila ang ilan lamang sa Pinay overseas workers na naitala ng Migrante International na misteryosong namatay o kaya’y biktima ng foul play sa kani-kanilang lugar ng work area na nailibing na’t lahat ay hindi pa rin natutukoy ang tunay na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
Ang huli ngang biktima ay si Ivy Collantes-Bautista, na possible pa ring may ganitong insidente sa alinmang panig ng bansa, dangan nga lamang at hindi nalalantad sa media.
Sa nakuha ng DERETSO sa tala ng Migrante International, kalimitang Pinay na misteryosong namatay ay pawang mga domestic helper (DH) sa mayayamang bansa tulad ng Kuwait, Lebanon, Saudi Arabia, Taiwan, South Korea, Singapore, at Netherlands.
Sa idinaos na press conference ng mga taga-Migrante noong November 10, 2005 sa News Desk Restaurant sa
“Iniwan ng mga Pinay ang kani-kanilang pamilya upang disenteng makapagtrabaho sa ibang bansa sapagkat hindi na kaya ng ating pamahalaan na mabigyan sila ng maayos na hanapbuhay. Bitbit nila’y natural na kaugaliang Pinoy na masinop sa trabaho at tapat sa tungkulin. Subalit kalimitan, ang katapatang iyon sa tungkuli’y sinusuklian naman ng ibang hangarin ng mayayamang amo. At ang masakit, kapag namatay na ang isang Pinay DH, standard na dahilan ng host country ay ‘nagpakamatay dahil sa kalungkutan.’”
Matapos ang presscon, tumulak ang grupo ng Migrante, kasama din ang pamilya ni Ivy-Collantes-Bautista at ilan pang miyembro ng pamilya ng mga nasawing Pinay DH, sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City. Subalit hindi hinarap ng mga taga-DFA ang grupo.
“Ito pa ba ang igaganti ninyo sa pamilya ng tinagurian ninyong mga Buhay na Bayani? Ganito na nga lamang ba ang isusukli ninyo sa sakripisyong ginawa ng mga Pinay DH matapos na sila’y misteryosong mamatay sa ibang bansa?” Ito ang naging panaghoy ng grupo ngang nagsagawa ng rally sa harap ng DFA.
Matatandaan na agad “tinanggap” ng mga taga-DFA ang rason na “suicide” ang naging sanhi sa pagkamatay nga ni Ivy Bautista. Mariin naman itong ipinaglaban ng pamilya ni Bautista at sa kasalukuyan ay naghihintay sila sa resulta ng panibagong imbestigasyon na gagawin ng bansang Espanya matapos naman ang isang diyalogo noong November 2 sa pagitan ng mga kaanak ni Bautista at consul general ng
Sa labing-apat na nakatala, lubhang misteryoso ang pagkamatay ni Maricon Gatapia na nagpunta sa
Ilan pang Pinay DH ang kailangang magbuwis ng buhay upang ganap na magising ang mga namumuno ng ating pamahalaan?
Simple lamang naman ang kahilingan ng mga naulila ng ating mga Pinay DH: lumabas ang katotohanan sa naging sanhi ng kamatayan ng kanilang kaanak at makataong asikasuhin naman sila ng mga taga-pamahalaan – ibigay ang dapat ibigay at huwag namang nakawin ng mga nasa pamahalaan.
Sa pananaw pa rin ng DERETSO, higit sa material na bagay ay ang pagpapataas sa antas ng dignidad ng mga Pinay DH. Tulad din ng ilang mga propesyon,
Kung anu-anong seminar ang ibinibigay ng mga taga-pamahalaan bago paalisin ang ating mga Pinay DH upang anila’y “makasabay” sa banyagang kulturang pagsisilbihan. Sapat na daw ang ating batas upang maprotektahan ang ating mga OFW. Subalit bakit nga ba nangyayari pa rin ang misteryosong pagkamatay ng ating mga Pinay DH?
Nang pumutok sa buong mundo ang People Power ’86, sinaluduhan tayo ng mga banyaga. Tumaas ang tingin nila sa atin bilang isang mapayapa, may dignidad at maka-Diyos na citizens of the world.
Subalit makaraan namang pumutok ang kabi-kabilang pandarambong sa kaban ng bayan ng mismong mga Pinoy na nasa kapangyarihang pulitikal, kasama na ring gumuho ang paghangang iyon ng mga dayuhan.
Hindi matatakluban ng halakhakan at ng anuhan ng Big Brother ang mga kaanuhan naman ng ating mga lider sa pamahalaan. Hindi rin porma at sistema ng pamahalaan ang makakapagpaunlad sa ating bayan. Hindi rin e-vat o dagdag na buwis ang makapagpapataas sa kita ng ating pamahalaan.
“Stop Kurakot!” Ito ang unang hakbang na dapat gawin ng mga nasa pamahalaan upang tunay na makamit ang kaunlaran.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home