| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Saturday, December 17, 2005

Project sa Calibato Lake, binaraso na dahil sa “utos ni mayor Amante”?

(Ulat pananawni Dodie C. Banzuela, December 18, 2005, San Pablo City) – Sa kabila ng “hindi pasadong kalidad ng tubig” sa Calibato Lake ay itutuloy pa rin ito ng San Pablo City Water District (SPCWD) matapos namang “mabraso” ng management staff ang technical report na isinagawa ng Batangas City Water District (BCWD) noong November 14, 2005.

“At the time of examination color of the sample does not conform with the Philippine National Standard for Drinking Water (PNSWD)”, ayon nga sa report ni Ms Jeneth S. Catapang, chemist ng BCWD.

“I have reservations and apprehensions tapping Calibato Lake as an alternative source without conducting thorough feasibility studies,” ayon naman sa written report noong November 23 ni Ms Ma. Portia B. Esteban, resident chemist ng SPCWD na isinumite nito kay Engr. Virgilio Amante, division manager C ng engineering and production division ng SPCWD.

Tuwiran namang binalewala ni engineer Amante ang nasabing report ni Esteban, kaya’t sa kanyang written report kay general manager Roger Borja noong November 29, 2005 ay sinabi nitong:

“The result of the physical and chemical analysis conducted at Calibato Lake by Batangas City Water District last November 14, 2005, all parameters ‘passed’ except the color of the raw water which exceeded the permissible limit set forth by the PNSDW.”

Tinatayang aabutin sa 34 milyong piso ang gagastusin sa nasabing proyekto sa Calibato Lake.

Patuloy namang naninindigan ang samahan ng mga kawani ng SPCWD na hindi dapat basta-basta na lamang isagawa ang nasabing proyekto hangga’t hindi nakakagawa ng malalimang pag-aaral hinggil nga sa kalidad ng tubig ng Calibato Lake.

Hindi rin ito ipinirisintang priority project ng SPCWD nang magsagawa sila ng presentasyon noong March 2005 sa media.

Ayon sa source ng DERETSO, sinubukan nilang ilapit ang nasabing usapin kay Lerma Prudente, isa sa appointed director ni Mayor Vicente Amante sa board ng SPCWD, subalit sinabi diumano nito na “natatakot” siyang ipaglaban ang usaping iyon sapagkat “nag-isa” lamang siya.

Ayon pa sa source, mismong si mayor Amante ang personal na nagtutulak sa board ng SPCWD na ituloy ang nasabing proyekto sapagkat “kaibigan ni mayor” ang contractor ng Calibato Lake project.



2 Comments:

At 7:54 PM, Anonymous Anonymous said...

Gustong i-bargain siguro ni nunung ang Calibato Lake Bulk Water Project dahil nalalapit ng mag-expire ang kanyang term (until Dec. 31, 2006) at dahil napakasarap talagang maging board sa SPCWD ay kapit tuko siya sa pwesto gaya ni pekeng GMA (diba peke din si nunung? Si dan ambray ang ligitimate na board member)

 
At 7:58 PM, Anonymous Anonymous said...

Marami sa ating taga San Pablo ay sawa ng magreklamo sa SPCWD. Sana ay pagsamasamahan nating kalampagin ang SPCWD sa mga patuloy na katiwaliang nagaganap sa SPCWD. Tayo ang tunay na nagmamay-ari ng SPCWD ang mga mamamayan ng San Pablo City. Gising mga taga-San Pablo!

 

Post a Comment

<< Home