Christmas bonus ng mga kawani ng local government ng San Pablo City, muntik ng mapornada
(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, December 22, 2005, San Pablo City) – Kung engrande ang natanggap na Christmas bonus ng mga kawani ng pamahalaan ng Santa Rosa City, kakapurat naman ang natanggap ng mga taga-local government ng San Pablo City at muntik na itong mapornada.
Ayon sa nakarating na ulat sa DERETSO, ganap na ngang naibigay noong December 21 ang dalawang libong pisong Christmas bonus para sa mga regular employee at 1,500 pesos naman para sa mga casual. Taliwas iyon sa inaasahang 4,500 pesos na kasama sa 2005 budget ng lungsod, at may umasa pang madadagdagan sana ng limang libong piso matapos namang maisambulat sa media ang ipinahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kamakailan na magbibigay siya ng “limang libong pisong Christmas bonus” sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan.
Nauna rito, umugong ang bulung-bulungan sa kapitolyo ng San Pablo nitong nakaraang ilang araw na urong-sulong si Mayor Vicente Amante kung ibibigay ang tunay na halaga sapagkat “malaki” diumano ang short sa kaha ng lungsod matapos na ma-audit ng Commission on Audit (COA) ang tanggapan ng city treasurer.
Sinubukang kapanayamin ng mga taga-First Hermit Channel ang bagong city auditor subalit tumanggi diumano itong magbigay ng anumang impormasyon hinggil sa resulta ng nasabing COA audit.
Ayon pa sa impormasyon na ipinarating sa DERETSO, “dalawang buwan ng delay” ang sahod ng mga casual employee ng kapitolyo kaya’t nangangamba sila na tuluyan ng ‘di nila matatangap ang kanilang sahod kapalit ay ang Christmas bonus na sa ngayon nga’y 1,500 pesos lamang.
Binigyan na rin diumano ng mga taga-COA ng ultimatum si city treasurer Angelita Belen hinggil sa financial management ng lungsod ng San Pablo.
Hindi iilang ulit nakatanggap ng impormasyon ang DERETSO hinggil sa diumao’y “palpak na istilo” ni Leta Belen sa pamamahala ng kaban ng bayan ng lungsod. “Nagpapatayo siya ng isang multi-milyong pisong halaga ng resort sa may boundary ng barangay Santa Veronica at Santa Monica,” ayon sa impormasyon.
“Kasabay noon ang laging pagkabalam ng aming sahod, regular man o casual, kaya’t hindi maaalis na isipin naming ginamit niya ang pondo ng lungsod para sa pagpapagawa ng kanyang resort,” ayon pa sa ipinadalang himutok sa DERETSO sa pamamagitan ng text messages.
Hindi maiiwasang pagbatayan ngayon ng DERETSO ang makabuluhang tinuran ng batang-batang mayor ng Santa Rosa City: “kahit anung liit ang budget ng pamahalaan kung iyon naman ay gagastusin ng tama sa anumang proyekto asahang may matitira pa para naman sa mga kawani. Subalit kulang ang kahit na anung laki ng budget kung ang intensyon ay nakawin lamang iyon ng namumuno.”
Tila nga nagmumukha ng pera si city treasurer Leta Belen batay na rin sa konkretong karanasan ng DERETSO.
Self-serving mang maituturing subalit sa panahon ni dating mayor Boy Aquino ay ilang taon ding nakasama ng DERETSO si Leta Belen sa school board at doon ay personal nating nakita ang paglilinis-linisan nito sa paghawak ng pondo ng lunsod.
Nakasaad sa batas na makakatanggap ng honorarium ang pribadong indibidwal na nakaupo bilang board sa anumang komitiba ng pamahalaan. Hindi kabilang sa makakatanggap ng honorarium ang sinumang public officials na kabilang sa board.
Mismong si dating COA city auditor Canuto ang nagbigay diin nito sa DERETSO. Ayon sa kanya: “Hindi mo iyon kinukuha bilang personal na kagustuhan mo ngunit bilang pagsunod sa itinalda ng batas kaya’t wala kang dapat ikahiya o ipangamba kung ipaalala mo yan sa mga kasamahan mo sa school board. Gawin mo ‘yan and ‘am requesting you to submit to me a written report about it.” Kasunod nito ang pagpapakita sa DERETSO ng isang aklat na compilation ng mga laws, rules & regulations na ginagamit niya sa pagganap ng kanyang tungkulin.
Hindi na ako nagpadala ng anumang written or verbal report sapagkat nang ipalutang ko ito sa board ay isa si city treasurer Leta Belen ang nanguna sa pagsasabing: “Kung may pinagbabatayang batas si auditor ay may pinagbabatayan din kaming batas upang makatanggap ng honorarium.” Na habang binabanggit niya iyon ay taas noo pang nakatingin sa akin na para bang sinasabing “kung mukhang pera ka ay mas mukha akong pera kesa sa ‘yo.”
Nagmukhang garapal din sa pera sina Art Fernandez, administrator ng San Pablo City Division Office ng Department of Education at Miller Escondo, konektado din sa San Pablo City Division Office ng DepEd na pawang mga nakaupo ding director sa school board, nang sabihin naman nilang: “Ano ikaw ‘lang, papaano naman kame?!”.
Muli kong pinalutang ang usapin ng honorarium nang si Amante na ang naging chairman ng school board. Sa kabila ng maigting pa ring pagtutol nina Leta Belen, Art Fernandez at Miller Escondo ay naaprubahan (sa papel lamang) ang kahilingan ko hinggil sa honorarium. Sa papel nga lamang sapagkat hanggang sa matapos ko ang aking termino sa school board ay hindi naman iyon napabigay sa utos na rin ni Leta Belen. “No funds available” ang laging sinasabi ni Leta Belen. Wala ngang pondo sa ipinaguutos ng batas na honorarium, subalit may pondo naman sa pagpapagawa ng isang pribadong resort, pagmamadyong, pagsasabong at halos araw-araw na paglalaseng.
Self serving mang matatawag ngunit ganito tinitingnan ng DERETSO kung papaano mamahala ng kaban ng lungsod ang tambalang Leta Belen-Biteng Amante.
Kabilang sa patuloy na ipinararating na hinaing sa DERETSO ay ang diumano’y mahigit ng tatlong buwang delay na suweldo ng ilang guro sa national high school na nagmumula ang sahod sa school educational fund na pinamamahalaan ng school board. Ganoon din, delay na suweldo ng mga casual na faculty member ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP).
Delay na pagre-release ng kakapurat na honorarium ng mga barangay health workers at Day Care workers ang ipinarating ding hinaing sa DERETSO.
“Tulungan po ninyo kami!” Ito ang laging panghuling apela sa mga text messages, na lagi namang tugon ng DERETSO’y: “the media can do this much. Pero at the end of the day, kayo pa rin ang dapat gumawa ng konkretong hakbang upang masugpo ang patuloy na pangungurakot sa kaban ng lungsod ng tambalang Vic Amante-Leta Belen sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng mga konkretong dokumento na nagsasaad ng mga sinasabi ninyong anomalya.”
Sa usapin ng Christmas bonus, kung talagang sa kalooban ng mga kawani ng kapitolyo ng San Pablo’y “nanakawan” sila nina Leta Belen at Vic Amante’y pinapayuhan natin ang mga kawani na iparating iyon sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Interior and Local Government (DILG), COA, Ombudsman o sa mismong Office of the President.
At muli, hanggang dito lamang ang kayang gawin ng DERETSO, ang i-post sa website ang anumang hinaing na ipinarating upang hindi lamang sa lungsod ng San Pablo mapabando ang mga kaanuhan nina Biteng Amante at Leta Belen, ngunit sa buong mundo na rin – sa mga kawani na ng pamahalaan ang susunod na hakbang.
1 Comments:
Yan na nga ang sinasabi ko sa istilo ngayon ng pamumuno ni biteng amante: magnanakaw talaga yan. at hindi yan titigil hangga't walang maninindigang mga kawani ng kapitolyo! kahit na araw-arawin pa ng Deretso ang paglalathala ng mga katarantaduhan ni biteng amante e wala rin yun! Ang read ko kay biteng e talagang desperado na siyang gamitin ang kanyang puwesto sa gobyerno para makakurakot upang masustinihan ang kanyang bisyong pamumuke! Baka hindi pa alam ng mga taga-san pablo: may AIDS na si vicente amante! (Amante Iyot Don Selya)
Post a Comment
<< Home