Christmas bonus ng Santa Rosa City, engrande
(Ulat ni Dodie C. Banzuela, December 22, 2005, San Pablo City) – Engrandeng Christmas bonus ang natanggap ng mga kawani ng city government ng Santa Rosa City ngayong kapaskuhan ng 2005.
20,000 pesos bawat regular employee; dose mil bawat casual; at singko mil bawat contractual employee ang natanggap nila mula sa masinop na pamamahala ng batang-batang mayor na si Jose Catindig, Jr.
Sa ambush interview ng DERETSO noong gabi ng December 20 sa El Cielito Inn sa Santa Rosa City, makahulugang sinabi ni Catindig na “kahit anung liit ang budget ng pamahalaan kung iyon naman ay gagastusin ng tama sa anumang proyekto asahang may matitira pa para naman sa mga kawani. Subalit kulang ang kahit na anung laki ng budget kung ang intensyon ay nakawin lamang iyon ng namumuno.”
Naluklok na mayor si Catindig matapos mapaslang si dating mayor Leon Arcillias may ilang buwan na rin ang nakakaraan.
Tinatagurian ngayong Little Detriot of the Philippines ang Santa Rosa City dahilan na rin sa limang malalaking car manufacturer ang assembler na nakabase sa lungsod na ito – Toyota, Honda, Nissan, Ford at Star Motor.
Bukod doon, nauna ng naging home base ng Coca Cola Bottling Philippines ang lungsod na ito na siya namang nagging hudyat sa pagpasok pa ng ibang malalaking local & international companies kaya’t hindi naiwasang maging pangunahing lugar ito sa Calabarzon area bilang industrial site ng mga small and medium industries.
“Bahay” din ang lungsod na ito ng Enchanted Kingdom, kilalang modern carnival hub sa bansa. “May dalawang milyong turista taun-taon ang napunta sa Enchanted,” pagmamalaki pa ni Catindig.
Anupa’t hindi na nga mapipigilan ang mabilis na pagunlad ng Santa Rosa City kaya naman kahit man lamang sa pagbibigay ng ganoong ka-engrandeng Christmas bonus ay isinubuhay iyon ni Catindig upang bigyang kahulugan ang tinuran nitong “kahit anung liit ang budget ng pamahalaan kung iyon naman ay gagastusin ng tama sa anumang proyekto asahang may matitira pa para naman sa mga kawani. Subalit kulang ang kahit na anung laki ng budget kung ang intensyon ay nakawin lamang iyon ng namumuno.”
2 Comments:
Wow ha!!! totoo ba ang nabasa ko?!!! May ganito pa bang local officials? Kung totoo to e saludo kami sa 'yo Mayor Jose Catindig, Jr. At least may masasabi na tayo na kung si Robredo ng Naga ay angel na lingkod bayan, dito naman sa southern tagalog ay anghel din si Catindig. Mayor Catindig, sana di to plastkan lang ha? baka naman next year e...20M ang papasko mo sa sarili mong bulsa? Sana bantayan ng Deretso si mayor catindig, tulad din ng ginagawa nilang pagbabantay kay biteng amante.
Totoo nabasa mo LINTIK. Pati sa Nagcarlan, Rizal, Calauan, at iba pang bayan sa Laguna ay nakapagbigay ng lampas sa 5 thousand na xmas bonus. Wag ka ng magtaka sa San Pablo, asahan ninyo na hangga't si Amante ang mayor nyo e walang buting mangyayari sa san pablo. nagluklok kayo ng mga magnanakaw kaya pahinog kayo ngayon!
Post a Comment
<< Home