Expo 2006 ng Santa Rosa City, handang-handa na
(Ulat ni Dodie C. Banzuela, December 22, 2005, San Pablo City) – Handang-handa na ang kauna-unahang Santa Rosa City Expo 2006 na gaganapin mula January 9 hanggang January 18, 2006.
Ito ang naging buod sa isinagawang press conference noong December 20 sa El Cielto Inn, Santa Rosa City na dinaluhan nina Mayor Jose Catindig, Jr.; ilang head ng city government offices; grupo ng Overseas Placement Association of the Philippines (OPAP); at pangulo ng business club sa Santa Rosa City.
Pagpapakita ito ng kakayahan ng Santa Rosa City na maging rising investment capital of South Luzon, ayon kay Catindig.
Suportado ang Expo 2006 ng malalaking kompanyang nakatayo sa lungsod ng Santa Rosa sa pangunguna na apat na malalaking car manufacturer and assembler – Toyota, Nissan, Honda, Ford at Star Motor.
Katunayan, magbubukas ng kauna-unahang Santa Rosa Auto Show sa Enero 11 na katatampukan ng vintage & model vehicles.
Magpapakita rin ng mga bagong produkto mula sa iba’t ibang kompanya na matatagpuan sa Lungsod ng Santa Rosa, particular sa information technology (IT). Pati mga Pinoy inventor ang makikibahagi din sa nasabing okasyon na tinaguriang Science and technology Fair.
Ang Bayanihan Festival, na siyang magiging pangunahing tampok sa pagtatapos ng Expo 2006 sa December 18 ay ang pagpipista sa kalsada na magpapakita ng bayanihan spirit ng mga taga-Santa Rosa. 18 makukulay na bahay kubo ang ipaparada sa lungsod na pasan-pasan ng mga kalalakihan, simbolo ng bayanihan.
Ibabando din ng mga taga-Santa Rosa ang pagpapahalaga nila sa kanilang mayamang kultura at sining sa pagpapalabas ng teatro sa entablado na katatampukan ng mga mag-aaral ng lungsod, konsiyerto, paglulunsad ng santa Rosa Documentary Film Festival at Dangal ng Bayan Award para sa mga katangi-tanging anak ng Santa Rosa, at ang pagpili ng Miss Bayanihan.
“Dalisay na tubig at good governance ang ilan lamang sa mga katangian ng aming lungsod upang makaakit kami ng mga investor na maglagay ng kanilang negosyo sa aming bayan,” tugon ni Catindig sa tanong ni Iring Maranan ng DERETSO & First Hermit Chanel (FHC) reporte/host: Ano ang mga bagay na ipinagmamalaki ninyo upang maakit ang mga investor na maglagay ng kanilang negosyo dito sa inyong lungsod?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home