“Ginastos ko sa mga basic services!” – Amante
(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, San Pablo City, January 6, 2006) – Ito ang nanggagalaiti pa ring humigit kumulang na tinuran ni Mayor Vicente Amante sa unang pagdalo nito sa flag ceremony ng mga kawani ng kapitolyo ng lunsod na ito noong Enero 2, 2006.
“Wala silang mga proyektong ginawa na tulad ko kaya’t nakapagbigay sila ng ganoong kalaking Christmas bonus!” Ratsada pa rin ni Amante na patutsada naman kina Alaminos Mayor Sam Bueser, Calauan Mayor George Berris, Santa Rosa City Mayor Jose Catindig, Jr. at Victoria Mayor Dwight Kampitan, pawang nagbigay ng may 20 thousand Christmas bonus sa kanilang mga kawani.
Una ng napaulat sa DERETSO ang hinggil nga sa pagbibigay ni Catindig ng nasabing malaking halaga sa ginawang press conference sa
Nakapanayam naman nina Iring Maranan, reporter ng DERETSO at local TV host ng First Hermit Channel (FHC) at Aldrin Cacayan, editor in chief ng Free Times Journal at program director ng FHC sina Mayor Bueser, Berris at dalawang konsehal mula sa Victoria, Laguna.
Sa nasabing panayam nina Maranan at Cacayan ay ipinahayag ng mga nabanggit na nagbigay din sila ng 20 thousand pesos na Christmas bonus sa kani-kanilang mga kawani.
Pati mga national employee ng pamahalaan ay nabigyan din ng mula one thousand pesos hanggang one thousand five hundred pesos.
“Resulta ito ng masinop naming paggastos sa kaban ng bayan,” halos nagkakaisang pahayag ng mga nabanggit na mayor sa nasabing panayam.
Nauna rito, ipinahayag ni Catindig sa DERETSO na: “Kahit na anung liit ng budget ng pamahalaan at iyon naman ay gagastusin sa tama, ‘tyak may matitira pa para sa mga kawani. Subalit kung ang intensyon ay nakawin lamang iyon, kahit na anung laki pa ng budget ng pamahalaan, kulang at kulang pa rin iyon.”
Pinagtatawanan ngayon si Amante ng mga kawani ng lungsod na ito dahilan sa pagyayabang na “ginastos sa mga proyekto” ang pondo kaya’t halos walang natira para sa nakalaang Christmas bonus.
Naka-budget sa 2005 ang 4,500 pesos na Christmas bonus. Nagdeklara naman si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng 5 thousand pesos na Christmas gift sa lahat ng government employee. Inasahan ng mga kawani ng lungsod na ito na hindi bababa sa 9,500 pesos ang matatangap nilang bonus noong kapaskuhan. Subalit maging ang 4,500 pesos na nakalaan na ay naging two thousand pesos na lamang para sa mga regular employee at 1,500 pesos naman para sa mga casual.
“Hindi na nakapagtataka kung bakit halos natunaw ang appropriated fund para sa mga kawani. Ganyan ngayon talaga si Amante, maglalaan ng kung anu-anong gastusin subalit sa bandang huli’y kukuhanin at ilalagay sa mga kunwaring proyekto upang siya lamang ang makinabang,” daing ng mga kawani ng kapitolyo.
Noong mga huling linggo ng December 1005 ay napabalita na inodit ng Commission on Audit ang kaha ng lungsod at batay na rin sa mga unang impormasyong nakalap ng DERETSO ay malaking halaga ang nawawala sa kaban ng lungsod na hindi maipaliwanag ni Angelita Belen, city treasurer ng lungsod na ito.
Napabalita din noong last quarter ng 2005 na “nagtago” ang isang Sally Brion, kahera sa city treasurer’s office, dahilan sa diumano’y “nagalaw” nito ang mga pampasuweldo sa mga casual employee at iba pang obligasyon ng lungsod na ito.
Ipinarating din sa DERETSO ng ilang mga casual employee, partikular ang mga taga-Public Safety and Assistance Force (PSAF), casual faculty member ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP), at maging ng ilang mga guro ng
Sa panggagalaiti ni Amante noong
“Mas kailangan naming matanggap ng buo ang aming sahod, kesa sa kakapurat na 1,500 pesos na diumano’y Christamas bonus,” pahayag ng mga casual employee na ipinarating sa DERETSO sa pamamagitan ng mga text messages bago matapos ang December 2005.
Mahirap ngang paniwalaan ang mga tinuran ni Amante na diumano’y “ginastos” sa mga basic services sapagkat hindi naman iyon naramdaman ng mga taga-kalunsuran (kung meron nga).
Mas dama ng mga tagalunsod na ginastos ni Amante ang may 20.3 milyong pisong halaga sa pagbili na naman sa walang titulong lupain sa may Sitio Balok, Brgy. Sto. Niño upang magamit na tapunan ng basura ng lungsod sa kabila ng direktiba ni Dr. Casamiro Ynares III, Executive Director ng National Solid Waste Management Council na dapat ng isara ang nasabing tapunan ng basura.
Mas dama ng mga tagalunsod ang ginastos sa mga tarpoline na nagbabando ng mga kasinungalingang pahayag na “isinasagawa na sa Lungsod ng
Mas dama ng mga tagalunsod ang malaking halagang ginastos sa pagbili ng sasakyan upang maghanap lamang ng lugar na pagtatapunan ng basura, gayong ang nasabing sasakyan ay mas malimit makita sa mga beer house.
Gigil ang iniwan ni Amante sa pagtatapos ng 2005 at sinalubong pa ito ng panibagong panggigigil sa pagpasok ng 2006, kaya’t asahang hanggang sa 2007 ay panggigigil sa pondo ng bayan ang gagawin nito… na
2 Comments:
Talagang may mga nakalaang budget sa basic services tulad ng health, education, etc., kaya't sobrang kasinungalingan at mapanglinlang ang pahayag na iyon ni Amante.
Malaking pondo rin ang nakalaan sa development fund na ito na nga ang siyang hinuhuthot ni amante.
Pondo sa basic services, 20% development fund, donasyon ng mga politiko sa kaban ng lungsod, at lahat ng uri ng pagkakaperahan ay talagang NINANAKAW LAMANG NI AMANTE!
ang siste, may gana pang manggigil gayong 100% namang may katotohanan ang puna sa kanya.
bulok, bobo, tanga at walang alam ang media handler ni amante, kasi ang hangad lamang nila ya pagkaperahan din si Amante, kaya sa halip na harapin ang katotohanan ay pagbabarako ang iginaganti sa mga isyu. TAPOS NA ANG PANAHON NG MGA AMANTE! HUWAG KAYONG MATAKOT SA MGA AMANTE! KUNG KAYA NILANG MAGPAPATAY, KAYA RIN NATING PATAYIN ANG KANILANG PAMAMAYAGPAG SA SAN PABLO!!!
relax k lang lintk. wag tayong gumaya sa mga amante na mamamatay tao, idaan natin lahat sa proseso ng batas. kung malakas ang ebdensya ng pagnanakaw, e di sampahan ng kaso sa alinmang korte sa bansa. pero ang siste ay bulok naman din ang judicial system sa ating bansa. sabi nga ng deretso, mula piskalya hanggang rtc judges ay nasa paroll ni biteng amante, at talagang umuubos si amante ng milyong piso para lamang mapagtakpan ang mga kasong nakasampa sa sandiganbayan. at eto pa, (na hindi naisulat sa deretso, kasi baka hindi nila alam), kaya na-short ng malaki si sally brion at angelita belen ay dahil sa kaha ng lungsod kinuha ang ipinamtapal sa pdea nang ni-raid nila ang bahay naman ni gener amante sa brgy. malamig.
di nyo ba napansin ang lumabas sa media? isang alavaran kuno ang nahuli, gayong mismong si gener at anak nitong si palapa ang natimbg. pinalabas pa sa media na jueteng daw yun! ulul!!! pdea mangre-raid ng jueteng?!!
sana nga tuloy tuloy na magexpose ang deretso, kahit lead lang at hamo na kaming magdagdag sa pamamagitan ng pagpopost ng info.
balik tayo kay lintik, parang nakumbinsi tuloy ako ni lintik na tama siya: NGAYON PA'Y PATAYIN NA NATIN ANG POLITICAL CARRER NG MGA AMANTE!!! kung di pa rin makuha sa ganon, eh talagang patayin na nga natn ang buong lahi nila para hindi na pamarisan pa.
(sori ha napahaba ang post ko.)
Post a Comment
<< Home