Mga sidera sa pusod ng San Pablo, mariing tinututulan
(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, San Pablo City, January 6, 2006) –
Stall owner sa San Pablo City Shopping Mall, barangay officials, negosyante, motorista, publiko – sila ang patuloy na nagpaparating ng pagtutol hinggil sa paglalagay ng mga sidera sa paligid ng Simbahang Katoliko, palibot ng city plaza, A. Flores, M. Basa at M. Paulino streets.
Mula
“Hindi maaabala ang mga motorista, hindi rin maapektuhan ang negosyo ng mga taga-palengke at hindi makakasagabal sa mga nakatayong negosyo sa nasabing lugar ang nasabing sidera.” Ito ang naging “compromise” ng mga taga-Sanggunian kung bakit nila pinayagan ang nasabing aktibidades.
Subalit isang araw pa lamang nakakapagtayo ng mga sidera ay inulan na kaagad ng reklamo ang lokal na pamahalaan.
Sa isang pormal na liham ni Konsehal Ivy Arago na ipinadala niya kay Vcie Mayor Larry Vidal noong December 15, sinabi niya na “makaraan po ang isang araw matapos po nating ipasa ang Resolusyon, marami pong motorista, mga resdente po ng mga barangay na tatayuan ng tiangge at magin opisyal ng Sangguniang Barangay ang nagrereklamo dahil sa matinding trapiko na idinulot ng mga tiangge sa kalsada. Marami ring negosyante ang apektado dahil sa mga tiangge na nasa harap ng kanilang puwesto. Maging ang mga miyembro ng San Pablo Federation of Market and Retailers ay tutol din.
“Sa halip po na magkaroon ng kaayusan na siyang hangarin ng Resolusyon, ito po ay nagdulot ng kaguluhan at pagsisikip ng trapiko at pinsala sa mga negosyanteng lehitimong taga
Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y patuloy pa rin ang pagtatayo ng mga sidera sa mga nabanggit na lugar hanggang sa may palengke.
Isa na ngang tradisyon sa lunsod na ito ang taun-taon na lamang ay magtayo ng mga sidera tuwing sasapit ang kapaskuhan hanggang kapiyestahan ng lungsod.
Maraming taon na ring duon nga sa mga nabanggit na lugar itinatayo ang mga sidera na kalimitan namang paninda’y mabibili din sa San Pablo City Shopping Mall.
Sa panahon ni dating Mayor Boy Aquino, “binasag” niya ang ganoong tradisyon sa pagpapatayo naman ng mga sidera sa may paligid ng Dña Leonila Park hanggang sa ibaba ng Sampalok Lake at ang iba naman ay doon ipinalatayo sa may bakanteng lote na pag-aari nina Jose Gomez sa liwasan ng Sambat.
May kaukulan na ring City Ordinance hinggil sa “paggamit” ng kalsada: Hindi iyon pinapayagan ng lokal na batas.
Sa panahon pa rin ni dating Mayor Aquino sa panahon ng mga nabanggit na okasyon, lumuwag ang trapiko sa pusod ng kalunsuran dahilan nga sa walang mga siderang itinayo doon. Sumigla ang aktibidades sa may
Kasabay sa pagsulpot ng mga sidera’y ang inaasahang kita ng lokal na pamahalaan.
Sa impormasyong nakalap ng DERETSO, pitong libong piso hanggang 14 na libong piso ang ibinayad ng mga may ari ng sidera sa isang Bong Mercado na hindi naman kunektado sa anumang sangay ng pamahalaan. Wala diumanong resibong ibinigay si Mercado bilang katunayan na nagbayad nga ng nasabing mga halaga.
Ayon pa sa impormasyon, hindi bababa sa 200 libong piso ang “siningil” ni Amante sa bawat “private contractor” ng sidera. Posibleng ang nasabing halaga’y hindi pumasok sa kaban ng lungsod.
Bente pesos hanggang trenta pesos bawat araw ang sinisingil sa mga sidera bilang bayad sa koryente, ayon pa sa imporamasyon. Wala ding resibong binibigay sa paniningil sa kuryente.
Sa pangangalap ng impormasyon ng DERETSO’y hindi pa kasama ang “hirit” naman ng bawat barangay chairman na nakakasakop sa pinagtatayuan ng mga sidera.
“Tyak po sa disperas ng kapyestahan ng
3 Comments:
talagang nakikita sa ugali ng mayor ang pamamalakad ng lungsod. ibig sabihin magulo ang lungsod at magulo rin ang pamumuno ni biteng. kung gusto pa niyang maka 3 term ay paghusayan niya ang pamamalakad, tulad noong bago pa lamang siyang naglilingkod. tahimik lang ang nakakarami pero sa eleksyon kami nabawi!
talagang nakikita sa ugali ng mayor ang pamamalakad ng lungsod. ibig sabihin magulo ang lungsod at magulo rin ang pamumuno ni biteng. kung gusto pa niyang maka 3 term ay paghusayan niya ang pamamalakad, tulad noong bago pa lamang siyang naglilingkod. tahimik lang ang nakakarami pero sa eleksyon kami nabawi!
BAKIT NAMN SILA GANUN MASYADO ILNG MAK SARILI KUNG TATAKABO PA SYA ULIT BILANG MAYOR BAKA WALA NA SA KANYA BOMOTO DAHIL SA KANYA SAKIM NA UGALI!!!!!!!!!!!!!!!!!! SORRY KA NA LANG NO LOSER KANA MAYOR BITENG GZTO MO MAG BIGTE KA NA LANG PAG NATALO KA HAHAHAHAAHAHAHHAHAAHAHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!MANGDARAYA!!!!!!!!!!!1HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Post a Comment
<< Home