GUMAGRABE? Krimen sa San Pablo
(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, San Pablo City) – LUBHANG nalungkot si San Pablo City PNP deputy chief William Duldulao sa pasalubong sa kanya noong March 6 bunsod naman sa pagkakapaslang kay barangay chairman Adonis Pecayo ng Brgy. San Vicente lunsod na ito.
Agad namang nabawi ang “lungkot” na iyon dahilan na rin sa pagkakaroon ng suspek sa nasabing pamamasalang nga kay Pecayo. Kasalukuyang nakapiit na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang suspek na si Elmer Duma Marforte, 30-taong gulang, walang trabaho at nakatira sa Brgy.
Mayroon na rin aniyang suspek sa stabbing incident kay Ricky Devanadera na siyang ikinasawi nito sa may
Sa tulong naman ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) natukoy na ang isa sa mga suspek sa insidente ng Mariflor masaker. Positibo aniyang kinilala ng lone survivor na si Joey Belen ang isa sa suspek. Nadala na sa tanggapan ng piskalya ang nasabing suspek at nagkaroon na ito ng preliminary investigation noong March 13.
Ang mga kasong nabanggit ni Duldulao ay naging justification nito upang humingi ng dagdag na ayudang pang-pinansiyal sa Sangguniang Panglunsod.
Aniya, sa pagkakadakip kay Marforte, “naging tahimik kahit isang linggo ang kalunsuran sa insidente ng agaw-cellphone, kidnapping at patayan.”
Hindi aniya sapat ang sampung litrong gasolina sa bawat patrol car ng kapulisan na umiikot sa buong kalunsuran lalo’t higit kung may isinasagawa silang hot pursuit operation.
Sa mga binanggit ni Duldulao na “accomplish” nila sa pagresolba ng krimen ay nandoroon pa rin ang tanong ng taumbayan.
Sa kaso ng pagkapaslang kay chairman Pecayo, ano ang naging kaugnayan ni Marforte doon gayong nahuli siya sa illegal possession of firearms?
Hindi man tuwirang kapulisan ng lungsod na ito ang “nakadakip” sa diumano’y suspek sa Mariflor masaker, andoon pa rin ang tanong na, bakit hindi naparating dito sa
Ilang ulit na ring napasulat sa pahina ng DERETSO na ang isang mahalagang sangkap sa paglutas sa anumang krimen ay ang mainit na suporta ng mga mamamayan kahit man lamang sa pagbibigay ng mga konkretong impormasyon.
Habang wala pa ang mga pulis, kalimitan, lahat ng miron ay magbibida sa kapwa miron na akala mo’y nakapanood ng sine sa pagsasabing “nakita ang pangyayari.” Subalit kapag dumating na ang pulis at pormal na nagtatanong sa kanila’y, lahat ay magsasabing “wala akong nakita, narinig o naramdaman.”
Marami ngayong mga bagong pulis at patuloy pa rin ang pagre-recruit ng kapulisan para sa kanilang hanay. Kalimitan sa mga ito’y mga idealist pa sa pagganap sa kanilang tungkulin. Harinawa’y hindi mabago ang mga kabataan at bagong pulis na ito sa pagiging professional policeman upang muling mabalik ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa kanilang kapulisan.
Subalit hangga’t hindi nga naman nareresolba ng kapulisan ang simpleng usapin sa video karera, fruit game at droga’y asahang mananatili ring bulag, pipi, at bingi ang kalakhang mamamayan tulad ng mga nakakataas na pinuno ng kapulisan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home