Nonong Brion, Roger Borja & co., guilty of indirect contempt of court
(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, San Pablo City) – “Accordingly… respondents Roger Borja (General Manager of SPCWD), Atty. Marciano P. Brion, Jr., Atty. Ricardo Fabros, Jr., Dionisia de Roma and Ariston Mitra (as members of the SPCWD Board of Directors) are hereby found GUILTY of INDIRECT CONTEMPT OF COURT and are consequently ordered to pay, collectively, a total FINE in the amount of P30,000.00 within ten (10) days from receipt of this decision. Let NO writ of execution be issued for the enforcement of the fine, consistent with the last paragraph of Section 7, Rule 71 of the Rules of Court.”
Ito ang isa sa tatlong last paragraph na nakasaad sa apat na pahinang “Decision” noong February 14, 2006 ni Presidng Judge Ramon Paul L. Hernando ng Regonal Trial Court, Branch 29 sa lungsod na ito kaugnay sa kasong Contempt of Court na isinampa ni Damaso T. Ambray laban naman sa mga nabanggit na opisyales ng San Pablo City Water District (SPCWD).
Nag-ugat iyon sa hindi pagkilala nina Nonong Brion, Borja atbp. sa naging desisyon naman noong May 28, 2001 ni dating RTC Branch 30 Judge Balisi-Umali sa Civil Case No. SP-5775 (01) na nagsasabing “valid” ang appointment ni Ambray bilang kapalit na director ni Nonong Brion noon pang December 15, 2000.
Dalawang beses namang kinuwestyon ni Nonong Brion sa Court of Appeals at Supreme Court ang naging desisyong iyon ni Judge Balisi-Umali at dalawang ulit ding sinabi ng CA at SC na tama ang nasabing desisyon ni Umali.
Matatandaan na minsan na ring napasulat sa pahina ng DERETSO ang sa akala nami’y pagbibiro lamang ni Nonong Brion na kaya ayaw niyang umalis sa puwesto’y dahil hindi naman iyon sinabi ng korte. Totoo pala na iyon ang katwiran ni Nonong Brion, na hindi naman niya masabi iyon sa CA at SC.
Kung ganap na nga bang makakaupo si Ambray bilang kapalit na director ni Nonong Brion ay ‘yun pa rin ang mainit na susubaybayan ng DERETSO.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home