PP 1017: State of National Emergency
Martial Law Part II?
San Pablo City – “NOW, THEREFORE, I Gloria Macapagal-Arroyo, President of the Republic of the Philippines and Commander-in-Chief of the Armed Forces of the Philippines, by virtue of the powers vested upon me by Section 18, Article 7 of the Philippine Constitution … in my capacity as their Commander-in-Chief, do hereby command the Armed Forces of the Philippines, to maintain law and order throughout the Philippines, prevent or suppress all forms of lawless violence as well any act of insurrection or rebellion and to enforce obedience to all the laws and to all decrees, orders and regulations promulgated by me personally or upon my direction.”
Ito ang bumulaga sa Sambayanang Pilipino kaninang tanghali ngayong February 24 habang papunta sa imprenta ang DERETSO.
Isa ito sa last three paragraph ng Proclamation 1017 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo declaring State of
Nauulit nga ba ang kasaysayan?
Minarapat naming baklasin ang nauna na naming headline nang pumutok nga ang ganitong balita na sa palagay namin ay prelude sa Martial Law.
Take note ang pagkakahawig ng Proclamation 1081 at Proclamation 1017:
“Proclamation 1081 (Marcos)
“NOW, THEREFORE, I, FERDINAND E. MARCOS, President of the Philippines, by virtue of the powers vested upon me by Article VII, Section 10, Paragraph (’2) of the Constitution, …, in my capacity as their commander-in-chief, do hereby command the armed forces of the Philippines, to maintain law and order throughout the Philippines, prevent or suppress all forms of lawless violence as well as any act of insurrection or rebellion and to enforce obedience to all the laws and decrees, orders and regulations promulgated by me personally or upon my direction…
Isinisi ang diumano’y “kaguluhang nagaganap sa bansa” sa mga “leftist (left & right)” at sa media na diumano’y “nagpapalala sa kaguluhan,” na ganoon din ang ilan sa naging dahilan ni Marcos.
Sa isang press conference na isinagawa sa Malakanyang ng mga cabinet members ni PGMA kanina ding tanghali, ipinahayag ni presidential legal counsel Nachura na “wala naman” daw gagawin ang gobyerno sa madlang Pinoy.
At habang papunta na kami sa imprenta’y sinimulan ng buwagin ang hanay ng tinatayang limang libong nagmamartsa na kasama nina Prof. Randy David. At pagkarating namin sa imprenta’y naabutan pa namin ang eksena sa television habang naghahatawan at nagbabatuhan ang grupo ng mga nagmamartsa at kapulisan.
Kitang-kita sa kamera nang “gipitin” ng ilang pulis ang driver ng isang pampasaherong jeep: kinuha ang lisenya ng driver at pati susi ng nasabing sasakyan. Nagmistulang talamak na kriminal ang nasabing jeepney driver sa harap ng mga anti-riot policeman na pumaligid sa kanya.
Salamat na lamang at naka-monitor pala noon si Fr. Joaquin Bernas, isa sa nagbuo ng 1987 Constitution. “Bakit kailangang kunin ang lisensiya ng driver at susi ng sasakyan? Ano nga ba ang kanyang partikular na kasalanan noong mga oras na iyon?,” humigit kumulang komento ni Bernas sa television interview na mababakas ang panghihilakbot sa nasabing eksena at sa kapapahayag na Proclamation 1017.
Salamat sa lente ng mga television network at nasaksihang muli ng Sambayanang Pilipino (tulad noong February 1986), pati na rin sa buong mundo, kung ano nga ba ang kahulugan ng tinuran nina Nachura, presidential chief of staff Mike Defensor, national defense secretary Nilo Cruz atbpng gabinte na “wala namang gagawin” sa mga Pinoy sapagkat habang sinusulat namin ang artikulong ito’y nalungkot kami sa aming nasaksihan pa rin sa telebisyon: Dinakip ng mga nag-astang Gestapo si Prof. Rany David kasama din si Atty. Argee Guevarra.
Kitang-kita sa telebisyon kung papaano may isang mama na naka-sibilyan ang tila baga may duduktuin pa sa likod na bulsa ng pantaloon ni Atty. Guevarra. Mabuti naman at matunog si Atty. Guevarra at napigilan iyon.
AFP at PNP ang binigyang kapangyarihan ni Arroyo na siyang magpatupad ng “kaayusan” sa bansa.
Ito nga ba ang klase ng mga aqwtoridad na naatasang “sumupil sa karahasan” at “magpanatili ng katahimikan sa bansa”?
Papaano magkakaroon ng kaayusan kung mismong ang mga nagpapatupad ang siya na namang mandadambong sa payak na karapatang pangtao ng bawat Pilipino?
Sa paniniwala ng DERETSO, mismong si Arroyo na ang nagsindi sa mitsa ng panibagong aklasambayanan… asahang matapos ang marahas na dispersal sa may Edsa-Santolan road ay magre-regroup ang taumbayan at muli nilang tatahakin ang kahabaan ng Edsa upang muling bawiin ang ganansiya ng Aklasambayan ’86.
Ang pangamba lamang ng DERETSO’y oo nga’t possible pa ring mabawi ang demokarasya sa nang-agaw nito, subalit matapos muling mapatalsik iyon at iluklok ang “bagong lider” ay baka na naman mas tuso at gahaman ang papalit… muli’y lalabas ng bansa bitbit ang yaman ng sambayanan…
Sa pagkakataong ito’y kailangan na talagang mag-iwan ng isang makabuluhang halimbawa na NEVER AGAIN! muling may maggagahaman sa puwesto at kapangyarihan ng Sambayanan…
Kung ano at papaano isasagawa ang halimbawang iyon ay tanging Sambayanan na lamang at ang Panginoong Diyos ang siyang nakakaalam.
“Be not afraid!” Ito ang iniwang pamana ni dating Pope John Paul II.
Interpretasyon ni Pablo’y sa Prolamasyon 1017
WHEREAS, these conspirators have repeatedly tried to bring down the President.
Talagang hangga’t hindi nakakamtan ang tunay na diwa ng pag-aaklas na maalis ang katiwalian, kurakot at kasakiman sa puwesto’y asahang lagi na lamang ibabagsak ang sinumang pangulo, kung hindi man sa balota’y sa lansangan.
WHEREAS, this series of actions is hurting the Philippine State – by obstructing governance including hindering the growth of the economy and sabotaging the people’s confidence in government and their faith in the future of this country.
Naniniwala ang Sambayanan na mismong nasa poder ng kapangyarihan ang nagpapabagsak sa kanyang pamahalaan sa patuloy nitong pagtatago sa mga legal technicalities sa halip na harapin ito ng may paggalang sa batas. Gumaganda ang ekonomiya kapag dumadagsa na ang mga dollar remittances ng mga OFW... mga OFWs na kailangang tiisin ang pagkakawalay sa pamilya sukdulang magkawatak-watak ang mga ito sapagkat kulang naman ang oportunidad na magkapagtrabaho dito. Kailan nga ba nagkakawendang-wendang ang ekonomiya ng bansa? ‘Pag may kwento ng kasakiman ng mismong pangulo? ‘Pag may Mang Pandoy o isa sa bata ng bangkang papel ang umaanggal dahil sa kasakiman ng pangulo? ‘Kapag may taong namamatay dahil sa kasakiman ng pangulo? Sa madaling salita’y ang problema ng bansa ay ang mismong pangulo!
WHEREAS, the claims of these elements have been recklessly magnified by certain segments of the national media.
Salamat at may mga media pang walang takot na nakakapaglahad kung ano nga ba ang nangyayari sa kanilang kapaligiran na sadyang nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan. Kung hindi’y papaano natin malalaman ang “Hello Garci”, ang multi-milyon pisong fertilizer scam, ang secret deal hinggil sa Coco Levy at mga usaping sadyang may kinalalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan? At tila nga wala ng pakundangan ang pamahalaang ito sa pagpapataw ng kung anu-anong buwis sa mga mamamayan para lamang ibayad sa mga utang na hindi naman ang sambayanan ang nakinabang kung hindi ang iilan din namang nasa poder ng kapangyarihan. Nasaan na nga ba ang tunay na hustisya para sa Sambayanan?
WHEREAS, these activities give totalitarian forces of both the extreme Left and extreme Right the opening to intensity their avowed aims to bring down the democratic Philippine State.
Our democracy is a sham.. kayo lang na nasa kapangyarihan ang nakikinabang sa ginhawa.. pag taghirap naman pati kami damay… anung klaseng demokrasya yan?? Kahit makakaliwa man o makakanan dama pa rin ang hirap ng buhay natin ngayon… ang kahirapan na sanay pinagtuunan ng pansin nang nailuklok kayo sa Malakanyang matapos ang Edsa 2… pero matapos ang Edsa 1 pinakawalan ninyo ang oportunidad na tugunan ang kahirapan ng Sambayanan… instead of uplifting the poor you favored the people who got you in power… wlang qualifications… basta’t kaalyado may posisyon… paano tayo uunlad? Trapo na nga ang ipinalit… pati kayo’y nagpakatrapo din…
WHEREAS, Article 2, Section 4 of our Constitution makes the defense and preservation of the democratic institutions and the State the primary duty of Government.
Natural na depensahan ng sinumang Pangulo ang Saligang Batas kung ito’y nanganganib… subalit kung mismong siya ang nagbibigay panganib sa Sambayanan, marapat lamang na kumilos na ang mga mamamayan para ipagtanggol ang kanilang karapatan.
WHEREAS, the activities above-described, their consequences, ramifications and collateral effects constitute a clear and present danger to the safety and the integrity of the Philippine State and of the Filipino people.
Ipagtanggol sino?! Ipagtanggol ang mamamayan??!! O ipagtanggol ka namin pati na rin ang iyong mga alipores??!! No way!!! Hindi namin kailanman ipagtatanggol ang isang rehimeng sadyang sa paniniwala nami’y nandaya sa halalan, nangumit ng pondo ng bayan at nagsinungaling sa Sambayanan nang sabihin niyang hindi na siya tatakbo sa halalan, ‘yung pala’y joke, joke ‘lang. Ha!!! Pinatunayan na namin ito sa iyo sa resulta ng survey ng Social Weather Stations na nagsasabing 42% noong December 2005 at 43% naman noong 2003 ang pumapayag na ipagtanggol ang pamahalaan sa pamamagitan ng People Power. Lubha itong napakababa kumpara sa 74% noong March 1987 at 62% noong October 1987.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home