2006 city budget: Anti-poor, pro-kurakot?
(Ulat pananaw ni Dodie C Banzuela, February 13, 2006, San Pablo City – P515,728,056.35 ang target income ng lungsod na ito ngayong 2006. Ito ang kabuuan ng “statement of fund operation” na isinumite ng local executive department ng lungsod na ito sa Sangguniang Panglunsod para sa city budget ng 2006 na may kabuuang 368 pahina. Ibig sabihin, talaan ‘yun kung papaano gagalpungin ang pondo ni Pablo’y.
May naka-indicate doon na “unappropriated balance” na P119,585.65 matapos na bahabahaginin ang nasabing halaga kung kanikanino.
Ganito binaak-baak ang nasabing “statement of fund operation”:
P370,348,805.74 para sa general services; P18,292,556.32 para sa education, culture, sports & development; P23,446, 706.82 para sa health services; P12,846,110.44 para sa social services; at P90,793,873.03 para naman sa economic services.
May pagpapahalaga naman pala sa serbisyong pangedukasyon at pangkalusugan ang city government ng lungsod na ito. Pero, totoo nga kaya iyon?
Kasi, ganito naman tinilad-tilad ang bawat serbisyo.
Sa general services, P114,812,764.00 ang nakalaan sa personal services (pasuweldo, uniporme, insurance,etc.). P36,470,874.93 para sa maintenance & other operating expenses (kabilang dito ang P5,818,000.00 para sa drugs & medicine; P5,835,000.00 para sa gasoline; office supplies, training expenses, food expenses, etc.). P4,500,00. para sa capital outlay (P4,000,000.00 pambili ng motor vehicle, P500,000.00 para sa libro). P140,244,704.21 para sa non-office expenditure (tulad ng instructional materials at DLSP worth P5,200,00.00; electricity expenses P23,100,000.00; bank charges P29,188,804; repair ng kung anu-ano worth P21M+). 20% city development fund na P52,835,978.40; 5% calamity fund na P18,679,742.10; at gender issues na P3,054,742.10.
Sa education, culture, sports & development, P16,070,556.32 ang nakalaan sa personal services; P1,972,000.00 para sa maintenance & operating expenses; at P250,000.00 para sa capital outlay.
Sa health services, P20,396,006.82 ang nakalaan para sa personal services; at 3,050,700.00 para sa maintenance & other operating expenses.
Sa social services, P6,466,610.44 ang nakalaan sa personal services; at P6,379,500.00 para sa maintenance & other operating expenses.
Sa economic services, P34,205,727.03 ang para sa personal services at P56,588,150.00 para naman maintenance & other operating expenses.
Kabilang sa nasabing 368 pahina ang isang pahina naman ng “statement of long-term obligation and indebtedness”. ibig sabihin, may utang sina Pablo’y ng kabuuang P242,383,649.57. Pinakamalaking utang sa Landbank of the
At papaano naman nginata at sino ang ngumata ng nasabing mahigit sa kalahating bilyong pisong 2006 city budget? Sampolan natin ng silip.
Office of the mayor, P35,311,403.49. Kabilang dito ang taunang suweldo nina executive assistant I Loreto Amante, anak ni mayor Vicente Amante na nagkakahalaga ng P179,328.00, at secretary to the mayor Dante Amante, kapatid ni mayor Amante na nagkakahalaga naman ng P240,240,000.00. Teacher I for high school pero sa Dalubhasaan ng Lungsod ng
Dalubhasaan ng Lungsod ng
Senior sitizen office, P681,394.40. Civil Sevice field office, P49,000.00.
Sangguniang Panglunsod, P26,537,967.84. Kabilang dito ang taunang sahod ng magkapatid na Adajar (na kapatid pa rin ni konsehal Adajar) confidential assistant Xenia Adajar, P107,112.00 at administrative aide III Ronaldo Adajar P74,268.00. Si Xenia ay nakatalaga sa tanggapan ni konsehal Adajar, samantalang si Ronaldo naman ay sa tanggapan ni konsehal Abi Yu. Confidential assistant Justin Colago (na posibleng malapit na kaanak ni konsehal Leopoldo Colago) P104,508.00.
City administrative office, P1,663,971.00 (bakante pa hanggang ngayon ang ranggong city administrative officer).
City Human Resource Management office, P2,804,723.04. City Planning & Development office, P5,536,070.32. Civil Registrar, P3,652,026.76.
General services office, P43,852,934.36. City budget, P3,879,497.20. City accountant, P5,370,388.00. City treasurer, P13,913,864.96. Market (economic services), P56,751,743.44. Slaughterhouse, P3,048,719.67.
City assessor, P5,973,351.00. City auditor, P368,700.00. City information office, P2,895,698.04. City legal, P1,135,138.64. Office of the prosecutor, P1,782,509.08. Municipal trial court, P125,000.00.
City health P23,446,706.82. Cemetery division, P685,973.68. City social welfare 7 development, P5,483,862.00. City population, P7,362,247.48. City agriculturist, P5,896,412.04. City veterinarian, P1,643,223.68. City environment & natural resources, P1,208,331.96. City engineering, P19,440.318.56. City cooperative, P2,119.154.00.
Pananaw ng DERETSO
Dahilan na rin sa wala na nga namang makuhang trabaho sa pribadong sector at dahil marami na rin ang tricycle, ganoon din, wala ng paglulugaran para magtinda sa palengke, ‘eh mas mabuti na nga namang kapitalin ang puwesto sa gobyerno para makapagbigay ng trabaho sa anak, kapatid, bayaw, hipag, pamangkin, kaibigang sumuporta sa eleksyon, posibleng baka nga pati bayaw ng inaano’y may mataas na puwesto, etc,. etc., etc..
Ang tawag doon ng mga progresibong grupo’y, burukrata kapitalista.
Sa paghimay pa ng DERETSO sa 368 na pahina, napagtanto namin na ang 2006 city budget na ito ng
1 Comments:
Sure ako PURO-KURAKOT ang 2006 city budget ng san pablo. tangna na talaga si eagy adajar con adajas!!! ang DAJAS talaga sa pagiging burokrata kapitalista!! paki suri pa nga ng mga taga Deretso kung pati lolo't lola ni egay adajas e nakaparoll din? ala bang may bayag na taga san pablo na pumunta sa civil service commission upang ireklamo ang asawa ni adajar na balita ko'y dating casual lamang sa dlsp e bakit nabigyan ng ganoong item? ilang tunay qualified faculty member ng dlsp ang tinapakn ng mag-asawang adajas? hoy!!! mga taga-san pablo deretso balita na lamang ba ang may bayag diyan???!!!
Post a Comment
<< Home