Amante nanggigil sa Rizal Day 2005
Maraming nagkomento na hindi na dapat pinalutang pa ni Amante ang nasabing usapin sapagkat wala naman daw nagtatanong sa kanya hinggil sa nasabing usapin.
"Mas ibinuko pa niya ang kanyang sarili na may anomalya sa usapin ng christmass bonus," komentaryo ng ilang mga tagalunsod.
Posibleng bunsod ang nasabing reaction sa mga naunang kumalat na text messages sa lunsod na ito na nagsasabing tumanggap ng 20 thousand pesos na Christmass bonus ang bawat regular employee ng Santa Rosa City, 15 thousand naman ang bawat casual at limang libong piso ang bawat contractual.
Resulta ang nasabing text messages sa kinober ng DERETSO at ng First Hermit (FHC) Channel 17 ng Telmarc Cable Television sa ginawang pa-presscon ni Santa Rosa City Mayor Jose Catindig, Jr. at doon nga ay ipinahayag nito (Catindig) ang hinggil sa 20 thousand pesos Christmas bonus.
Matapos na maibulalas ni Amante ang kanyang alburuto’y agad din nitong iniwan ang nasabing okasyon at hindi na hinintay pa ang ginawang pag-aalay ng bulaklak ng iba’t ibang samahan at sektor mula sa lunsod na ito.
“Nakita kasi ni Amante si businessman Chito Ilagan at dating city administrator Atty. Hizon Arago,” pagbibiro ng mga dumalo. Kabilang sina Ilagan (ama ni Konsehal Martin Ilagan) at Arago (ama ni Konsehal Ivy Arago) sa delegado ng Ateneo de San Pablo Alumni Association (AAA) na nagalay din ng bulaklak sa rebulto ni Rizal. Si Ilagan ang 2005 presidente ng AAA.
“Binuksan na rin lang ni Amante ang usapin ng Christmas bonus, e sana’y sinabi na lamang niya ang katotohanan na kaya kakapurat ‘yon ay dahil sa ibinili niya ng lupa na walang titulo at ginastos sa kanyang mga walang kuwentang proyekto,” komentaryo pa ng mga dumalo.
Nagmukha
1 Comments:
Nakwento 'lang sa akin ng pamangkin ko ang nangyari sa Rizal Day, repeat happening daw yun nung panahon ng amelioration pay, na si congressman danton bueser ang binanatan ni magnanakaw biteng amante. Batay sa refresh na kwento ng pamangkin ko tungkol sa bueser-amante incident, e napasadahan daw ni congresman bueser ang hinggil nga sa amelioration pay na talagang may nakalaang budget doon. E dahil sa ninakaw na nga ni amante ang pondo, nanggagalaiti nitong binanatan si bueser.
Ok, sa nakaraang Rizal Day 2005, muling inilabas ni biteng ang kanyang pagkawalanghiya nang gigil na gigil ngang magungkat tungkol sa xmass bonus. E tangna ina naman, kung ala pang kasinganghang ng Deretso Balita sa San Pablo, mabubulgar ba ang dapat mabulgar tungkol sa mga ginagawang pagnanakaw ni Biteng?
Bakit siya magagalit kung totoo namang sa halip na 4,500 ang ibinigay na xmass bonus ('di na natin isinama ang idiniga ni pandak)e 2,000 lang, at paiyakan pa.
Ok, naka-budget ang 4,500 sa 2005 budget, e nasaan nga naman 'yon? Pagbabando ni biteng na ginastos sa mga proyekto...e haron? at bakit yung sa mga kawani ang dapat gastusin sa mga proyekto gayong nung aprubahan ang budget ay talagang nakalaan yun sa xmass bonus?
Kaya nga't naging disipulo na ako ngayon ng web ng Deretso sa pagsasabing: MAGNANAKAW NA NGA SI VICENTE B. AMANTE!!! Yun 'lang!
Post a Comment
<< Home