| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Saturday, January 14, 2006

Operasyon ng Small Town Lottery, tuloy na

(Ulat ni Dodie C. Banzuela, January 13, 2006) – Hindi na nga mapipigilan ang pag-ooperate ng small town lottery (STL) sa bansa matapos namang aprubahan noong December 21, 2005 ng board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang rules and regulations hinggil dito.

Sa ipinadalang liham ni PCSO Chairman Sergio O. Valencia kay Executive Secretary Eduardo Ermita noong December 27, 2005, sinabi doon na nakapag-anunsyo na sila (PCSO) sa publiko sa pamamagitan ng paglalathala nito sa ilang broadsheet hinggil sa paanyaya sa gagawing “PCSO Authority to Conduct Actual Test Run for Small Town Lottery Project” (Contract to Test Run 1, 2 & 3).

Ipinadala din ni Valencia kay Ermita ang “PCSO Rules and Regulations Governing Small Town Lottery” (Rules & Reg 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, & 9).

Ang test run na ito ang siyang tutukoy kung viable nga ba ang STL bilang source of charity fund at malakas na alternatibo upang ganap na masugpo ang jueteng, masiao, last two at daily double na talamak sa buong bansa.

Batay sa Contract to Test Run, isang taong palugit ang ipagkakaloob sa authorized corporation, na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), upang magsagawa nga ng STL sa isang partikular na lalawigan.

Maglalagak ang naaprubahang korporasyon sa PCSO Treasury Department ng cash bond na sampung milyong piso. Dagdag pa dito ang authority fee na ire-remit ng korporasyon sa PCSO tuwing ikatlong linggo ng buwan na magkakahalaga naman ng isang milyong piso o five percent of the gross receipts, whichever is higher.

Walang ilalabas na anumang pondo ang pamahalaan sa gagawing test run. Sagot ng authorized corporation ang anumang luging mangyayari sa nasabing test run.

Mula sa gross sales ng STL na nag-ooperate sa bawat lugar, makakatanggap naman, bilang Charity Allotments/Obligations, ng one percent (1%) ang lalawigan; four percent (4%) ang chartered cities, at three percent (3%) ang municipalities.

Kabilang pa sa mga requirement bago mabigyan ng authority ang isang korporasyon ay ang pagsusumite nito ng feasibility study at kumpletong talaan ng mga kawani na siyang kikilos sa partikular na lugar.

Ayon naman sa Rules and Regulations Governing the Small Town Lottery, kailangang may endorso muna ang pag-o-operate ng test run, sa pamamagitan ng isang Resolution, mula sa Sangguniang Panlalawigan at/o League of Municipalities of the Philippines Provincial Chapter
Nauna ng naibalita ng DERETSO na nakapagbigay na ng endorso ang League of Municipalities ng
Quezon province noon pang September 30, 2005.

Kwalipikado ang isang korporasyon kung: 1) ito ay organisado para makapagsagawa ng actual test run, marketing and other allied services 2) mayroong lokal na tanggapan na madaling mapuntahan ng publiko within each province, chartered city and/or legislative district designated for actual test runs 3) mayroong sapat na bilang ng mga kawani to handle the project 4) kailangang 100% na pag-aari ng Pilipino 5) mayroong minimum authorized capital stock na twenty million pesos (Php20,000,000.00), and with a minimum paid-up capital equivalent to five million pesos (Php5,000,000.00) 6) may sapat na kakayahan, kasanayan at capital na magsagawa ng ganitong proyekto.

Kasama din sa nabanggit ang bio-data ng corporate officers and directors na nagpapakita ng kanilang qualification, integrity and experience.

Obligasyon ng authorized corporation na magsumite ng regular reports, under oath and in accordance with the PCSO’s prescribed forms and styles ng mga sumusunod:

1) listahan ng mga specific municipalities and chartered cities within the area of actual test runs and the specific dates when such experiments were introduced in each municipality or city;

2) weekly volume of sales by municipality or city from the date of the commencement of the experiment and every month thereafter and the summary of sales for the whole area in general;

3) percentage of commission of sales agent, percentage of prize fund being actually disbursed on a weekly basis, and cost of operation to cover salaries and wages, rentals, furniture and equipment and other operating expenses;

4) public acceptability of the lottery, problems encountered in its conduct, and such other matters as may be required by the PCSO from time to time.

5) Remit every third week of each and every month to the PCSO Treasury Department a monthly Authority Fee;

6) Within the first ten (10) days of every month, remit to the concerned local government unit or agencies the amounts determined under these Rules for local allotments and charity projects;

7) Submit proof to the PCSO of the remittance of such local charity allotments within five (5) days from the date of payments and in no case shall submission be beyond the 15th day of every month.

Kung ang sa jueteng ay 1-37 ang pinaglalabanang numero, 1-38 naman ang sa STL na tinawag nilang “Pick-Two.”

Kung ang sa jueteng ay maaaring isulat ang taya ng bettors kahit sa dahon ng saging at wala itong kaukulang pangalan, sa STL ay may kaukulang “ticket” at sa likod nito ay dapat pirmahan iyon ng bettor kapag nag-claim na siya ng panalo.

Isang pera ang minimum na taya sa jueteng. Piso naman ang minimum na taya sa STL.
Sa jueteng may diskwento kapag sumobra ang patama sa halagang pinaglalabanan o engreso. Posible din ito sa STL subject to the PCSO Board’s prior approval in writing.
Sa jueteng bote ng beer at bolitas ang ginagamit sa pagbola. Sa STL kahalintulad ang sistema ng pagbola sa lotto.

Sa jueteng nasa kamay ng nagbobola o umaalog ng bolitas ang winning combination numbers. Wala nito sa STL, ala-swerte na lamang kung anung numero ang lalabas sa tambiyolo.
Sa jueteng, tanging mga kawani ng jueteng at mayor-ng-kabo lamang ang saksi sa pagbola. Sa STL ay may mga hinirang na hurado, na residente naman ng lugar, na siyang tatayong witness sa pagbola at maaari din itong masaksihan ng publiko.

Sa jueteng kahit ilang bola sa loob ng isang araw ay pwede. Sa STL, kailangang iditermina pa ng PCSO kung papayagan nila ang mahigit sa isang bola kada araw.

Sa jueteng, lahat “masaya” – mula mababa hanggang mataas na government officials kabilang na ang nasa hanay ng kapulisan at intelligence service; charity, religious, socio-civic clubs, pangkaraniwang tao, at media, dahil kasama sila sa regular “payroll” ng bangka. Sa STL, tanging sina governor at mayor na lamang ang “masaya”.

Lahat ng mga winning ticket ay maaaring makuha sa kolektor o sa tanggapan ng authorized corporation sa nalolooban ng pitong (7) araw. Forfeited na iyon makalipas ang pitong araw.
Lahat ng mga gagamiting material, mula ticket hanggang sa tambiyolo ay sa PCSO bibilhin ng authorized corporation.

Sa impormasyong nakalap ng DERETSO, posibleng maunang mag-operate na sa lalawigan ng Mindoro bago matapos ang first quarter ng taong ito sapagkat nakapagsumite na ng kumpletong requirement ang authorized corporation doon.

MACDAP Gaming Inc. ang siya namang posibleng maging authorized corporation sa Laguna na pamamahalaan ng kanilang Chairman and General Manager na si Bernabe “Jun” Cuello ng Brgy. San Nicolas, San Pablo City.

Sa muling pagbubukas ng STL dapat pa ring linawin ng pamahalaan ang ilang usapin tulad ng:

1) security of tenure ng authorized corporation. Oo nga’t isang taon lamang ang trial run, subalit may katiyakan bang magiging tuloy-tuloy na ito kahit na nga magpalit pa ng bagong pangulo ng bansa?

2) Nahinto ang unang operayon ng STL sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino dahilan na rin sa iba’t ibang kadahilanan, partikular ang diumano’y pagtakas sa may 800 milyong pisong kita sa STL ng unang namuno nito, kung muling mangyaring itakas ang pondo ng kung sinuman ang mamumuno ngayon sa STL na taga-PCSO, mahinto kaya uli ang operasyon nito kahit wala pa ang takdang panahon at wala namang kinalalaman ang mga authorized corporation?

3) Papaano haharapin ng pamahalaan si Archbishop Oscar Cruz ng Pangasinan na siyang nangunguna sa krusada laban sa jueteng at lahat ng klase ng sugal?


1 Comments:

At 10:53 PM, Anonymous Anonymous said...

Tama kayo mga taga-Deretso wen you said "the same dog with different collar." Si barangay chairman jun cuello pala ang siyang hahawak ng STL sa Laguna. E kailan na nga ba hindi siya humawak ng jueteng?
Papaano ngayon ang mga Amante, lalo na si Gener? Tuluyan na kayang mag-shift sa droga bisnis si Gener? At least si Dante ayos pa sa kanyang video karera.
Matitiyak ba ng govt na talagang kakanain na nila ang gerilla type of jueteng kapag umarangkada na ang STL? O maging source of fund pa rin ang gerilla type of jueteng nina Mike Arroyo? It's an open secret na source of political power din ni Mike Arroyo ang jueteng. Papaano?
Napahinto (kuno) ni maton Edward Hagedorn ang jueteng nang nasa ibang bansa si Mike Arroyo. Subalit nang dumating, tuloy uli ang jueteng.
I really doubt na kayang sugpuin ng STL ang jueteng. Ang nakakatiyak, dadami pa ang mag-ooperate ng guerilla type of jueteng. Bakit? Isang bolahan lang sa isang araw ang STL, e mas sanay ang mananaya ng 3 hanggang 4 na beses ang bola.
Papaano si Gov. "Bang-aw" Arman Sanchez? Papayag ba ito na hindi siya ang bumola ng STL sa buong Batangas?
Dahil legal na nga ang STL, bmalik kaya sa pagsusugal ang maton na si Hagidorn?
Ano ang punto? Mas dapat na ginawang legal na lamang ang jueteng at hayaang mas maraming legal operator. Sabi nga ng kano, the more the merrier. Sabi ng samahan ng mga consumer, mas mabuti kung may kompetisyon, may mapapagpilian ang mamimili. Sa bandang huli tyak may mga babagsak o malulugi, kaya mag-se-self destruck na sila, mababawasan ang maghujueteng, bla,bla,bla.
E tangna naman ang gobyerno nating bulok, para lamang maiba sa jueteng e nagdagdag lang isang numero (well kaya nga bulok).
Ano pa rin ang punto? LIFE IS A GAMBLE...nagsusugal lagi tayo para mabuhay ng matino. Isinusugal natin ang ating karangalan sa pagnanakaw para lamang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga kaanak. Hinhayaan nating mamamatay sa gutom at maging mangmang ang ating kaanak sapagkat ayaw nating magnakaw.
Sa ganitong sugal ng buhay, tingnan naman ninyo ang pustura ng mga "nanalo" kumpara sa "natalo".
O papaano, punta na tayo sa bahay nina chairman Jun Cuello at magbigay ng endorso para sa STL.

 

Post a Comment

<< Home