| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Monday, January 23, 2006

Mayor Vicente Amante at Abdon Andal, babasahan na ng kaso sa Sandiganbayan

(Ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela, January 24, 2005, San Pablo City) – Kinumpirma ng source ng DERETSO sa tanggapan ng First Division ng Sandigabayan sa Quezon City na babasahan na ng kaso sa March 10, 2006 sina Mayor Vicente Amante at Abdon Andal kaugnay sa isinampang kasong graft and corruption ng Office of the Ombudsman noon namang April 2005.

Sa Criminal Case No. 28112, partikular na nilabag nina Amante at Andal ang Section 3 (h) of Republic Act No. 3019 na nagsasaad ng, “Directly or indiricetly having financial or pecuniary interest in any business contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity, or in which he is prohibited by the Constitution or by any law from having any interest.”

Kaugnay ang nasabing kaso sa ginawang pagpapaupa ni Andal sa isang bahagi ng 3rd Floor ng San Pablo City Shopping Mall sa San Pablo Information Computer Institute, Inc. (INFORMATICS) na si Amante naman ang personal na tumanggap ng kaukulang bayad sa upa at deposits noong July 30, 2000. (Basahin ang kaukulang balita sa GARAPALAN SA 2005, Year Ender Views and Report).

Ayon pa sa source, kasunod sa pagbasa ng sakdal kina Amante at Andal ay ang tatlong buwan namang preventive suspension kay Amante.

Sana nga matuloy na, ang tagal na kasi ng kasong iyan!,” ayon sa isang tagapalengke na ayaw ng magpabanggit ng pangalan.

Mahigit ng apat na taon nang isampa ang kaso sa panahon pa ni dating Mayor Florante “Boy” Aquino at standard na tugon ni Amante noon kapag natatanong siya hinggil sa nasabing kaso’y sinasabi niyang “napupulitika lamang” siya.

“Kahit masuspinde lang muna siya para naman muling manumbalik ang aming kompiyensya sa ating justice system,” ayon naman sa isang lokal na negosyante sa lungsod na ito na ayaw na ring magpabanggit ng pangalan.

“Justice delay is justice denay. Sana nga’y hindi pa huli ang lahat. Mahigit ng apat na taon ang kasong iyan…sana intact pa ang mga ebidensya at sana rin ay matibay pa rin ang paninindigan ng mga testigo,” ayon sa isa pa ring lokal na negosyante.

Pananaw ng DERETSO

Preserving the integrity of the evidences and witnesses, dalawang mahahalagang elemento sa pagtuklas ng katotohan at pagkakamit ng katarungan.

Mainit at walang sawang pagsubaybay naman ang nawa’y ibigay ng mga taga-San Pablo sa usaping nakahatag ngayon sa Sandiganbayan.

Ayaw isipin ng DERETSO na isa na ngang kultura sa mga taga-San Pablo ang animo’y nanonood lamang ng sine sa mga kaganapang nangyayari sa kanyang kapaligiran, lalo na sa bahagi ng good governance.

Matatandaan na matapos ang Aklasambayanan sa Edsa noong Pebrero 1986 ay natalagang Officer-in-Charge ng Office of the Mayor si Zacarias “Ma Caring” Ticzon. Si Gng. Celia Conducto-Lopez naman ang OIC Vice Mayor. Lahat din ng bumuo noon ng Sangguniang Panglunsod ay mga appointed.

Sa panahong iyon unang nagkaroon ng malalimang pagsusuri ang mga taga-Commission on Audit (COA) hinggil sa pinansiyal na kalagayan ng lungsod.

At doon nga’y nakita ng mga taga-COA na nilustay lamang ni Ma Caring ang mahigit sa 40 milyong pisong iniwan naman ni dating Mayor Cesar Dizon. Tampok sa naging kontrobersiya ang pagpapagawa ni Ma Caring ng tinaguriang “malapalasyong tahanan” sa Efarca Subdivision.

“Perang padala ng aking mga anak ang ipinagpagawa ko nito,” depensang tugon sa tinagurian naman niyang mga malisyosong bintang.

Ilang linggo ding pinagusapan sa lahat ng sulok ng San Pablo ang hinggil sa COA audit. “Pinupulitika ‘lang!,” standard na tugon pa ng kampo ni Ticzon.

At matapos na magbatuhan ng bintangan, kontra-bintang at maaanghang na salita ang magkakalabang political camps tuluyan na iyong nalimutan ng mga taga-San Pablo sapagkat nang magkaroon na ng halalang panglokal sa unang pagkakataon after martial law years ay nanalo pang mayor ang inakusahang lumustay sa pondo nina Pablo’y.

History repeats itself, ika nga.

Naisampa ang kasong nasa Sandiganbayan ngayon sa panahon pa ni dating Mayor Boy Aquino. “Pinupulitika ‘lang!,” standard na tugon ng kampo ni Amante.

At matapos na magbatuhan ng maaanghang na salita ang magkakalabang political camps tuluyan na iyong nalimutan ng mga taga-San Pablo sapagkat muli nilang inuluklok si Amante bilang mayor matapos ang Halalan 2004.

Subalit taliwas sa naging kaganapan sa panahon ni Ma Caring, mainit ngayon itong sinusubaybayan nina Pablo’y.

Sana nga’y hindi na lamang parang nanonood ng sine sina Pablo’y sa pagsubaybay ngayon sa usaping ito. Mainit sana silang makibahagi sa mga talakayan at pagpaparating ng mga saloobin sa media at lalo’t higit sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Kung hindi nakakuha ng aral sina Pablo’y sa COA audit ni Ma Caring, matamo na sana ngayon ito ni Pablo’y sa Sandiganbayan case ni Biteng.

Sa pananaw kasi ng DERETSO’y with impunity ang pagbabalik na ito ni Amante sa local governance – with impunity na mangurakot, kasabay noon ang muling pagpapagulo ng palengke at trapiko; pagpapanumbalik ng droga at pagkunsinti sa mga iligal na sugal; pangbababoy sa sistema ng pamamahala sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) at pagwaldas sa special educational fund; at ang pagkunsinti sa pangungurakot ng mga malalapit na political supporter nito.

Taas noo pa rin ang DERETSO na ipahayag na sinuportahan namin ang kandidatura ni Amante noong Halalan 2004 kabilang na rin ang ilang nanalong konsehal na sina Ivy Arago, Karen Agapay, at Pol Colago. Sinuportahan sapagkat naniwala kami na gagawa sila ng kabutihan para sa bayan.

At taas noo pa rin naming ipinapahayag ngayon na wala na kaming tiwala kina Biteng Amante, Karen Agapay at Pol Colago dahilan na rin sa paniniwala naming pagtatraydor nila sa bayan.

Harinawa’y huwag na ngang maulit ang kasaysayan sa lunsod – natapalan ang hustisya… natapalan dahilan na rin sa kawalang interes nina Pablo’y.



2 Comments:

At 7:20 PM, Anonymous Anonymous said...

Matuloy na nga sana ang pagbasa ng kaso kina Amante at Andal. Matagaln na nga ang kasong iyan. Pero nakakatiyak di papayag sina Mayor Amante na mabasahan siya ng ksao sa March 10, may legal process pa yang gagawin -- Supreme Court. Pahinog na naman sa paghihintay mga taga-San Pablo.
Sori, yung inaasahang March headline ng Deretso na posibleng ganito: AMANTE SUSPINDIDO e baka di mangyari.
Totoo kaya ang bulungbulungan ngayon sa chinese community ng San Pablo na binabraso daw ni Mayor Amante ang mga instik na magbigay sa kanya ng tig-iisang mlyong piso bwat instik? Garapalan daw sinasabi ni Mayor Amante sa mga instik na kinokotinagan na ipang-aayos niya iyon sa Sandiganbanyan at Supreme Court?
Bulungbulungan pa lang naman.

 
At 7:17 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang sa akin lang naman eh kahit na masuspinde lang muna, masaya na ako. Tangna talaga si Amante ang kapal! Dapat sana kasama na rin mabasahan ng kaso ay si Adajas. Abi Yu, at lahat ng mga balasubas na konsehal kasama na rin ang nagiihe na sa salawal na si larry vdal... ang tawag don ng mga taga-Deretso eh damusak?
Panawagan na ito sa mga taga-San Pablo na magpadala tayo ng sulat sa mga kinaukulan at iparating ating galit sa mga mangungurakot na sina Amante, vidal, Adajas, Yu, Colago atbpng balasubas na public servant.
Gagamba, magsama-sama tayo na matupad ang future headline ng Deretso na: AMANTE SUSPENDIDO DAHIL SA PAGBUBULSA NG PERA NINA PABLO'Y. Mahaba ang title? Eh ie-edit pa naman yan ng mga tiga Deretso.

 

Post a Comment

<< Home