May 500 video karera unit sa San Pablo?
(Ulat pananaw ni Iring D. Maranan, San Pablo City) – LABIS ng nangangamba si konsehal Martin Ilagan sa patuloy na paglaganap ng mga video karera at fruit game sa lunsod na ito.
Sa kanyang malayang pamamahayag sa nakaraang regular session ng konseho noong March 14, sinabi niyang “salot sa ating lipunan at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan lalo’t higit sa mga mag-aaral” ang patuloy na paglaganap ng nasabing iligal na sugal.
Bunsod ang malayang pamamahayag na iyon ni Ilagan sa patuloy na natatanggap niyang mga karaingan na ipinaaabot sa kanyang tanggapan ng mga barangay officials at mamamayan ng lungsod na ito.
Ayon pa rin kay Ilagan, tinatayang nasa 500 unit na diumano ang nakakalat na video karera sa lahat halos ng barangay bukod pa aniya ang hindi pa matukoy na bilang naman ng fruit game.
Sa paniniwala pa ni Ilagan, “kakambal ng iligal na sugal na ito ang iligal na droga” sapagkat ayon sa kanya’y “ang taong nagdodroga kapag hindi makatulog sa lugar na may video karera ay nagpupunta doon upang magpalipas ng oras.” At kapag aniya nawalan ng pera ang may ganitong lulong na sa bisyo “ay nakakaisip na magnakaw upang matustusan lamang ang nasabing bisyo.”
Mahigit na aniyang isang taon nang ipasa ng konseho ang isang ordinansang nagbabawal sa iligal na sugal na nabanggit subalit sa nakalipas na buwan ay tanging tatlong unit pa lamang ang nakukumpiska ng kapulisan.
Natuwa si Ilagan sa resulta ng pagkakalutas ng kapulisan sa ilang krimeng naganap sa lungsod na ito subalit lubos ang kanyang paniniwala na “mas madaling maresolba ang suliranin sa video karera sapagkat nariyan lamang sa labas at nagkalat sa halos lahat ng sulok ng barangay.”
“Ipagtanong lamang po ninyo sa ating mga kababayan ay agad nilang ituturo kung nasaan ang mga iyon,” pahayag pa ni Ilagan.
Matatandaan na noong siya pa ang chairman ng komitiba sa iligal na droga at sugal ay personal nitong pinagnunahan ang pakikidigma sa video karera. Nauntol nga lamang iyon nang walang kaabug-abog na buwagin ang chairmanship ng lahat ng mga standing committees noong isang taon at pag-agawan iyon ng mayoryang konsehal na kakampi ni mayor Vicente Amante upang matiyak na maisusulong nila ang kanilang mga pansariling interes.
Mariing nanawagan si Ilagan sa kanyang mga kasamahan na pagtuunan nila ng pansin ang suliraning ito.
“Hindi po natatapos sa paggawa lamang ng isang ordinansa ang pagsugpo sa iligal na sugal at droga. Dapat nating paalalahanan ang ehekutibong sangay ng ating lokal na pamahalaan na isabuhay ang isinasaad ng ginawa nating lokal na batas. Kung dapat po nating araw-arawin ang paaalala sa kanila’y siya nating gawin sapagkat hindi na po biro ang suliraning ito na patuloy ngang sumisira sa kinabukasan ng ating mga kabataan at maging ng mga nasa hustong gulang na rin,” ayon pa kay Ilagan.
Iminungkahi pa ni Ilagan na i-donate sa mga pampublikong paaralan ang mga monitor ng alinamang video karera na makukumpiska upang aniya’y magamit naman sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.
Hugas kamay naman sina Ciolo at konsehal Richard Pavico, vice chairman ng nasabing komitiba.
Ginagawa diumano nila ang kanilang parte sa suliraning ito. Una, sa pagsasabatas nga ng isang ordinansa hinggil doon na nagbibigay proteksyon sa kapulisan sa pagsugpo ng video karera. At pangalawa ay ang patuloy na pagpapaalala sa kapulisan na dapat pangunahan nila ang panghuhuli sa mga video karera. Hindi rin aniya nagkukulang sa kanyang parte ang sangay ng ehekutibo.
Binanggit naman ni Pavico ang barangay Bagumbayan at Sto. Angel na diumano’y ipinaalam niya kay
Pinaalalahanan pa ni Pavico si Ilagan na “exhibit sa piskalya ang anumang video karera na makukumpiska at maaari lamang sirain iyon matapos ang kaso.” Subalit “kung gusto nilang masunod ang kanilang mungkahi” ay dapat aniyang amyendahan ang ordinansa.
Tila nairita naman si konsehal Abi Yu sa makabuluhang diskusyon hinggil nga sa iligal na sugal at droga kaya’t buong yabang na sinabing “kung may reklamo’y dumerekta na lamang sa kapulisan.”
Aniya, “ang pagtatalo sa bagay na ito’y pagkakalat lamang ng kasiraan ng lungsod ng
Sa pananaw ng DERETSO, ano pa nga ba ang sisirain ay talagang sira na. Sino nga ba ang sumisira sa magandang sistema ng pamahalaan kundi ang mismong mga ganid sa puwesto na kawangis nina Yu, Ciolo, Pavico, Edgardo Adajar, Katherine Agapay, Leopoldo Colago, Disodado Biglete, Rudy Laroza, Gener Amante, Larry Vidal at Vicente Amante.
Kung gaano kabilis sansalain ng isang Abi Yu ang isang mahalagang diskusyon na may kinalalaman sa kapakanan ng mga mamamayan ay ganoon din kabilis niyang pangunahan ang pagpapaapruba sa mga panukalang may kinalalaman sa walang pakundangan paglustay sa kaban ng lungsod.
Leadership by example. Kung tinutulugan lamang ng sangay ng ehekutibo ang pagpapatupad sa isang mahalagang lokal na batas, walang masama kung pangunahan naman ng mga nasa lehislatibong sangay ng pamahalaan ang pagpapatupad sa isang makabuluhang ordinansa lalo na’t kung sa kagalingan iyon ng buong mamamayan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home