Silip sa Likod ng Balita
Hinuli ka ngunit kulang?
(DERETSOng ipinarating) – March 22, 2006 nahuli diumano ng kapulisan ang may 24 na jueteng employee habang nagbobola ang mga ito sa isang bahay sa isang barangay sa isang bayan naman ng Laguna.
Kung totoong 24 na kawani ng jueteng ang nahuli, totoo rin ba na tatlo lamang ang sinampahan ng kaso ng piskalya? Bakit? Nalalagyan na rin ba ang piskalya? ‘Wag naman
Tanong pa rin ng taumbayan: Totoo ba na bolahan iyon ng Viva at Lucky na diumano’y ang namamahala sa lokal na intilehensya ay ang mismong ABC President at sa nasyunal na intilehensya naman ay si Haruta?
Kabilang ngayon ang Laguna sa “test-run areas” ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na siya daw kapalit ng jueteng.
Diumano’y si Ramon Preza ng Tiaong, Quezon ang siyang nakakuha ng “permit to operate” ng STL sa ilalim ng isang korporasyong itinayo nito – ang RamLoid (Ramon-Loida). Corp.
Kung magkakagayon, kopo na ng nakaupo ang kita ng STL, solo pa rin ang jueteng?
Bakit na naman? Kikita ang isang munisipyo ng 3%, ang isang siyudad naman ay 4% at ang lalawigan ay 1% sa gross receipt ng STL. Hindi pa malinaw kung papaano ang accounting nito o papaano at saan maaaring gastusin ito. Kaya nga’t habang hindi pa malinaw ay tiyak, sa bulsa muna nina mayor at gobernor iyon “itatago”. At dahil sina ABC president at Haruta ang bahala sa intilehensiya, batang-bata ang isang milyong pisong kita gada buwan sa jueteng.
Hindi pa pinaguusapan ang kita naman sa mga video karera at fruit game, ha?
Suma tutal, tumutubo pa sa lahat ng mga kasong kinakaharap si mayor?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home